"HANGGANG KAIBIGAN KA LANG"
(Spoken Word Poetry by Author's classmate, Kaye Villaverde)Kaibigan.
Isang salita na may magandang panimula.
Isang salita na may malalim na pagkakilala.
Isang salita lang yan pero nasasaktan ako ng sobra.
Di ko alam kung bakit ko nararamdaman ang mga bagay na ganito.
Mga bagay na di dapat pero eto ako,tuluyan ng nahulog sayo.
Nahulog ako sa mga mata mong mapang akit, nahulog ako Sa mga ngiti mong hatid sakin ay parang langit at nahulog ako ng tuluyan pero eto ako patuloy na kumakapit.
Kumakapit ako sa katotohanan na kailanman ay di ka magiging akin.
Kumakapit sa katotohanan na hanggang kaibigan lang ako sayong paningin.
Kumakapit ako sapagkat ayokong mahulog ng tuluyan sa isang bangin. Sa isang bangin na di ko alam kung may sasalo ba sa dulo.
Kapag nahulog ba ako sayo,may kasiguraduhan bang masasalo mo ako? Siguro, Baka, Marahil ay hindi.
Hindi sapagkat di ako ang 'yong pinipili.
Pinipili mong manatili sa nakaraan. Pinipili mong balik-balikan ang nangyare ng mga nagdaan.
Tama na! Ayoko na!
Pagod na akong makinig sa katotohanan. Isa lang akong kaibigan, at kaibigan lang ang dapat na manahan.
Naiinis na ako sa sarili kong ito. Umaasa ako sa isang tao na kahit kailan ay di kayang suklian ang pagmamahal ko.
Hanggang kailan ako aasa? Hanggang kailan ako magtatanong sayo kung ako ba ay may pag-asa? Hanggang kailan ba ako magiging tanga? Hanggang kailan? Di ko na maisip.
Wala na akong maisip, di ko na masilip, di ko na Masilip ang bukas na kasama ka, di ko masilip ang araw at panahon na tayo'y magiging masaya.
Wala na talagang Pag-asa!
Susuko na ba? o susuko na? Andaming tanong na kailangan oo lang ang kasagutan.
Andaming Di pwede pero pinipilit ko parin at pinagsisiksikan.
Gusto kong isabay ang aking nararamdaman sa bawat pagtulo at pagbuhos nitong ulan.
Gusto kong Magtampisaw sa ulan at umiyak hanggang sa mawala na ang lahat.
Ang lahat ng sakit, hinanakit at galit na nararamdaman.
Gusto kong bigyan mo ako ng kasagutan. Gusto kong marinig ang mga salitang mahal mo rin ako pero di bilang kaibigan.
Di ko mapwersa ang sarili mo na mahalin mo ako. Wala akong karapatan para diktahan ang puso mo. Wala ako sa lugar para itanong na
"oyy, ako na ba ang mahal mo?"Wala..
wala...
wala na..wala talaga...
Pag sinabi kong mahal kita,mahal kita! wag ka ng magtanong, magduda at wag ka ng magtaka, pero ngayon, ayoko ng magtangka, ayoko ng masaktan, ayoko ng lumuha.
Tama na ang mga salitang sinabi mo sa akin.
Mga salitang ayoko ng ulit ulitin.
Mga salitang Nagiging dahilan kung bakit ansakit sa damdamin.
Wala na! Tapos na! Hanggang dito na lang 'to.
Ayoko ng umasa at maghintay ng panahon na mamahalin mo rin ako.
kase...
malabo...
Malabo yung mangyare.
Masaya ka naman siguro kung lalayuan kita? Masaya ka siguro kung ako'y lalayo na.
Masakit man pero kakayanin ko to para di masayang ang pagkakaibigan nating dalawa.
Ang paglayo kong ito ay para sa isa't-isa. Lilipas din ang aking nararamdaman at makakalimutan din kita.
Malilimutan ko din ang aking nararamdaman.
Malilimutan ko din ang sakit na dulot nitong nakaraan.
Malilimutan ko din na ako'y hanggang kaibigan lang.
Thsstmybstfrndslshlvnndcrsh
JhnRnlCrncnFrnq💔
08-26-2018💯
BINABASA MO ANG
Binibining Makata
PoetryAng Binibining makata ! Halina't tuklasin ang tula ng isang makata Tula ng pag-ibig, buhay at iba't ibang mga genre! --- Copyrighted ---