Makuha ka sa tingin,kamay ang nagsusulat hindi ang bibig, quiet, no cheating, very well said, ang ingay naman diyan sa likod, paglayuin mo nga yang dalawa, talaga vah? Truly vah ?
Yan ang mga paulit ulit na linyahan ng mga guro, na sa pa ulit-ulit na pagpasok nila para magturo ay paulit ulit rin ang pagkakaiba ng bawat guro.
May mabait, may mabait na sa sobrang bait hindi na alam kung paano magalit.
May mga hari ng canteen at may mga reyna pa nga, mga hari at reyna na paborito pag buyer ka tapos meron ka pang mataas na marka. Meron ding guro na palaging kumakanta, na sa sobrang galing sa pagkanta hindi na namamalayan na nakakabasag eardrums na pala.
Meron ding homeworker, mga homeworker na adik na adik sa salitang " homework here homework there"
Meron din naman terror. Na sa sobrang kasungitin paparating pa lang ay agad na silang kinikilabutan, tapos biglang tatakbo at uupo na para bang sobrang tino.Sila, sila yung ibat ibang klase kung magturo, pero kahit na ano pa sila, sila parin ang ating mga guro na nirecruit pa mula sa puso.
Kapag nakikita kong wala kang dala iniisip ko na magiging masaya, pero may quiz pala.
Kabisado mo pala ang tanong at sagot, kabisado mo pala ang galaw ng mga nagkokopyahan at nakasimangot, kabisado mo pala lahat ng estudyannte mo, kabisado mo pala lahat pati ang mga nagdodota sa kanto,kabisado mo pala,
kaya natatakot ako, natatakot ako sa marka.
Natatakot ako sa marka na makakuha ng mababa at hindi makapasa dahil takot ako
Takot ako na masabihan ng bobo, tanga at walang kwenta.
Pero tumatagal,Tumatagal , tumatagal, patagal ng patagal At habang tumatagal ay nalaman ko na, nalaman ko na kung ano ang iyong saysay, kung anong saysay ng guro sa ating buhay. Ikaw pala, ikaw pala ang guro na lagi saming dadamay, ikaw pala yung guro na hahawak sa aming mga kamay, ikaw pala yung guro na balang araw ay samiy mawawalay ,mawawalay,pero sayong puso kamiy mananatili habang buhay.
Ikaw ang nagpapagaan ng loob ko, ikaw ang nagsisilbing iyakan ko, ikaw ang nagsisilbing modelo.
Minsan nga iniisip ko na habang gumagawa kami ng aralin ikaw ay natutulog na ng mahimbing, pero mali ako.
Mali ako.
Alam ko,alam niyo, alam nating lahat na dumaan kana roon, alam nating lahat na nakadaan ka na sa mga pagsubok, oo alam ko. Alam ko na
Kaya nga ikaw aming guro ay aming iniidolo.
Kaya sana naman samin ay wag kana magtampo, wag ka na sanang magtampo kung minsay wala kaming naiiambag sa itinuturo mo, patawarin mo kami kung minsay nakakalimot, patawarin mo kami sa twing kamiy tinatamad, ptawarin mo kami kung kamiy laging pagod. Pagod na dito, pagod pa dito. Pasenya. Patawad . Pasensya puro na lang konsedera , alam ko na puro na lang konsedera pero maniwala ka man o hindi, lagi ka naming gustong pasayahin at pangitiin sapagkat mahal ka namin.Mahal ka namin hindi bilang isang guro lang, mahal ka namin bilang isang kaibigan, mahal ka namin bilang isang magulang, mahal ka namin sa mismong ikaw. Mahal ka namin.
Kaya ito. Ito na lang ang maisusukli sayo . Tanging ito lang na pagmamahal na hindi magbabago, pag mamahal na walang kaimbutan, pag mamahal na walang katapusan dahil kahit umalis kami ng paulit ulit , kahit paulit ulit, pauulit ulit ay sa bawat ulit ay hindi magiging pasakit ng pasakit dahil ikaw aming guro ay mananatili at manatili hanggang sa kaibuturan ng aming puso.
Happy Teachers Day 😍
BINABASA MO ANG
Binibining Makata
PoetryAng Binibining makata ! Halina't tuklasin ang tula ng isang makata Tula ng pag-ibig, buhay at iba't ibang mga genre! --- Copyrighted ---