"Alyssa! Gumising kana!" Sigaw ng tiyahin niya mula sa labas ng kanilang bahay.
"Tiyang ano ba yun? Ke aga aga!" Tugon naman nito.
"Anong maaga! Magbuhat kana sa Palengke! Dagsa na ang mga mamimili!" Sigaw pabalik nito. Agad namang napabalikwas si Alyssa. Ang kanyang ina ay nagtitinda ng Isda at wala itong katulong sa pagtitinda.
Dali dali siyang pumasok sa kanilang maliit na banyo at idinikit ang sako bilang pintuan.
"Alyssa! Dumaan ka daw kila Aling Grasya! May ibibigay daw sa yo!" sigaw muli ng kanyang tiyahin.
"Opo Tiyang. Salamat" sigaw pabalik nito. matapos niyang mag ayos ng sarili ay agad nitong sinuot ang kanyang paboritong damit. Ang jersey ng kanyang Idol na si LeBron James.
Sinarado ni Alyssa ang gate ng Kanilang bahay dahil mahirap na sa kanilang lugar. Puno ito ng mga kawatan.
Habang naglalakad siya ay taglay niya ang iniwan sa kanya ng kanyang ina na Hopiang Ube.
"Hoy Ate Idol." Tawag sa kanya ni Mika. Limang taong gulang na bata na palaging pakalat kalat sa street nila.
"Oh gutom ka nanaman?" Tanong dito ni Alyssa. Tumango naman ang bata at humawak pa sa kanyang tiyan. Naawa naman dito si Aly kaya iniabot niya ang natitirang tatlong piraso ng Hopia.
"Oh iyan na Mika. Wag kanang malungkot ha." Ngumiti naman ang bata dito at masayang tumango.
"Salamat Ate Idol! Uuna na muna ako. Nagugutom na ang mga kapatid ko." Tumango naman si Alyssa dito. Noong makatalikod ang bata ay napailing na lamang siya sa sinapit nito.
Naglakad na lamang siya patungong palengke.
—
"Nay!" Tawag ni Alyssa sa kanyang Ina.
"Hoy Alyssa. Kanina pa kita Iniintay anak! " Saad ng ina niya. Nagtatanggal pa ito ng kaliskis ng Bangus.
"Pasensya na Nay. Tinanghali ako ng gising." Tugon dito ni Alyssa
"Oh siya siya. Sige na. Hinihintay kana ni Mang Bert. Magbubuhat na daw kayo nung mga dineliver sa kanyang bigas." Ngumiti naman si Alyssa at nagtungo sa lugar ni Mang Bert.
"Mang Bert!" Sigaw ni Alyssa dito.
"Oh! Halika na. Marami rami itong bigas na bubuhatin. Pinadagdagan ang deliver dahil sa demand ng Tao." Saad naman ni Mang Bert.
"Sige ho." Nagsimula ng buhatin ni Alyssa ang mga sako ng Bigas.
Mabigat man ang mga ito ay kailangan niyang Kumayod. Si Alyssa ay Bente anyos na dalagang binata. Namulat na siya sa gantong gawain. Ang kumakayod sa umaga at nagaaral sa gabi. Mahirap man ay kailangan niyang gawin upang makamit ang kanyang pangarap. Mahirap man paniwalaan ay nakatapos na siya ng pagaaral sa kolehiya at nagtatake na ito ng doctorate degree. Mahirap paniwalaan? Hindi. Bata pa lamang siya ay maaga na siyang pinasok ng kanyang ina sa paaralan. Ang kanyang ina ang nagpursigi sa kanya na abutin ang kanyang mga pangarap. Dahil dito. Grumaduate siya na Valedictorian mula Elementarya hanggang sa High School. Siya ay naging scholar para makatake ng Pre-Med Course at siya padin ay Scholar dahil siya ay grumaduate ng Summa Cum Laude at ngayon ay nasa ikalawang taon niya sa Med School.
"Ahh!" Reklamo nito at napasapo sa kanyang balikat
"Tapos kana pala. Ito oh Soft drinks at Tinapay." Alok sa kanya ni Mang Bert.
"Pwede ho bang bigas na lamang ang inyong ipalit?" Tanong ni Alyssa. Napatawa naman dito si Mang Bert.
"Sige na. Oh ito." Inabot ni Mang Bert ang dalawang kilo ng bigas kay Alyssa at ang dalawang daang piso na kinita nito ngayong araw.