"The idea of marriage is procreation. Paano kayo makakabuo kung pareho kayo ng reproductive organ?" Nagsimulang magtawanan ang mga kaklase namin kasabay ng palakpakan ng ilan matapos magsalita ng kaklase naming lalaki. Hindi naman papatalo ang grupo namin kaya nagsigawan din ang mga ito.Eto ang naabutan kong scenario pagkarating ko sa room. Kakalipas lang ng 10 minuto noong magsimula ang debate namin. May pinatapos kasi ang isa naming prof sa nauna kong subject kaya nalate ako at mukhang intense ang laban.
"Ms. Reyes, anong group mo?" Tanong sakin ng prof pagkapasok na pasok ko sa room na hindi ko masyadong narinig dahil sa ingay ng iba naming kaklase.
"Group 2 po, Ma'am." Tumango ito at agad akong sinenyasan na pumunta kung saan nandoon at kumakaway sa akin.
Bago pa ako makaupo sa tabi ni Charles ay tumayo na agad ang isa sa mga kagrupo namin.
"Makakabuo nga kayo pero ang ending, wasak naman ang pamilya. Hindi kasi enough lang yung magkaiba kayo ng reproductive organ. Dapat may pagmamahal din." Nagtaas ng kilay ang kaklase kong babae sa kaklase naming lalaki bago siya umupo. Agad namang sumangayon ang mga kagrupo namin kaya umingay nanaman ang klase.
Napangiti ako sa sinabi niya. My instinct never really fails me. Nakita ko kasi ito kanina na may kasamang babae and I assumed na in as relationship sila at ngayong nagsalita siya, naprove lang yong hula ko.
"Alam mo bakla, wag ka ngang ngumingiti diyan kasi ang creepy mo." Napatingin naman ako kay Charles dahil sa sinabi niya. Nagseryoso ulit ako bago siya pinaharap sa unahan.
"Hindi naman kayo mabubuhay kung puro pagmamahal lang. Darating din yung araw na magsasawa kayo kasi wala naman kayong pwedeng gawin kasi nga hindi naman kayo magkakaanak." Nanahimik ang klase matapos magsalita ng isang naming kaklaseng babae pero may iilan paring sumangayon sa kanya. Siguro iyong mga straight.
Naramdaman ko naman na medyo marami ring mga hindi nagsasalita sa kabilang grupo lalo na sa grupo namin kasama na ako.
Nagtagis ang bagang ko matapos marinig ang sinabi ng babae pero binalewala ko na lamang ito at umubob. How can even someone judge others easily? So pag kinasal ba ang parehong babae o parehong lalaki, magsasawa rin sila because they sex all day or night long but weren't able to procreate? So ganoon ba talaga iyon?
Naramdaman kong tumayo si Charles sa upuan niya. Hindi ko na pinagpasiyahang tingnan ito dahil alam kong kayang-kaya naman nito ang gagawin niyang pagdefend sa side namin. Nanatili na lamang akong nakaubob at nanahimik.
"Oh sige. Bigyan ko kayo ng example. May dalawang mag-asawa, babae at lalaki. May dalawang anak. Sa loob ng 2 years na nagsama sila, wala silang ibang ginawa kundi ang mag-away nang mag-away. Sa isang side naman, may dalawang lalaking in a relationship. Kasal at nagmamahalan. Nagampon pero buo ang pamilya. Alin ang mas maayos?" Biglang nagpalakpakan ang mga kagrupo namin at parang nabuhayan sila dahil sa bagong argument ni Charles na talaga namang tumpak na tumpak.
"Pero ang idea nga ng marriage is procreation. Hindi naman pupwede iyong pareho kayo ng gender eh imposibleng makakapagprocreate kayo." Pagsagot ng kabilang grupo. Itinunghay ko ang ulo ko at pinagmasdan sila.
"But there comes a situation na mas lamang parin ang same sex when it comes to family dahil kung tutuusin they can handle it better than opposite sex."
Nagpatuloy sa pagbabatuhan ng mga argumento ang dalawang grupo. Isinandal ko na lamang ang katawan ko sa upuan ko at nanatiling walang kibo sa kung anumang nangyayari sa loob ng room. Naroo't tila gigil na si Charles sa kapipilit at ang kabila namang grupo ay ganoon din.
Sinulyapan ko ang wristwatch ko at lumipas na pala ang 53 minutes. Pitong minuto na lamang pala at matatapos narin ang debate na ito.
Natigil sa kabilang grupo ang daloy ng debate dahil malamang ay naubusan na sila ng maibabato.
"May sasabihin pa ba kayo group 1? O tatapusin na natin?" Tanong ng prof na sinabayan ng kantiyaw ng grupo namin.
Automatic na tumaas ang kilay ko nang may tumayo mula sa pagkakaupo na nasa kabilang grupo. Parang ngayon ko lang ito nakita o sadyang wala lang talaga akong pakialam. Ang lakas ng dating nito at mukhang napakaseryosong tao pero halatang maraming alam.
"The idea of marriage is indeed procreation. But let's accept the fact that we cannot just judge them for being true and for being what we are not."
Matapos niyang sabihin iyon ay nakatanggap siya ng mahihinang mura galing sa mga kagrupo niya.
"Pinatalo mo lang tayo, bro."
"Anong nangyari sa'yo?"
"You didn't stick with the plan."
"Fuck you."Pero naroo't nakatitig siya nang makahulugan sa akin hanggang sa makaupo siya. Hindi ko rin binawi ang titig ko sa kanya at nakipagsukatan ng tingin. Parang nalalaman ko tuloy kung anong iniisip niya sa akin habang tinitingnan niya ako. Kaso ay hindi ko mawari dahil parang ang hirap niyang basahin.
Hanggang sa tumunog ang bell ay hindi ko binibitawan ang titig ko, maging siya sa akin. Hindi ko alam kung anong gustong iparating ng taong ito. Nagulat nalang ako nang kurutin ako ni Charles sa siko ko dahilan para maalis ang mata ko sa taong iyon.
"Ano, teh? Titigan nalang kayo? Baliw ka, may klase pa tayo sa Chemistry." Napailing ako sa sinabi niya at kinuha ang bag ko bago tumayo. Sinulyapan ko kung saan nakapwesto yung lalaki pero wala na ito doon.
"Uy, bilisan mo kaya." Tawag sa akin ni Charles nang nasa may pinto na siya. Tumango ako at naglakad palabas. Sino ba iyong lalaking iyon?
