Five

8 0 0
                                    


Kumunot ang noo ko sa sunod-sunod na notifications na natanggap ko. Kakaconnect ko pa lamang sa Wi-Fi ay agad na nag-ingay ang phone ko. Naririnig ko rin sa labas ang mga nagiingay na bata. Sumilip ako sa bintana at marami naring  tsismosa ang nasa tapat tindahan sa tapat ng boarding house namin. Tsk. Lunes na lunes ay siglang-sigla ang mga tao. Napagpasiyahan kong humiga muna sa kama at tingnan ang notifications dahil may isang oras pa naman ako para maghanda sa pagpasok.

Thraia Hades, Jasper CD, Jennie and 3 others have birthdays today.

Aia Steele, Jessica Jung and 5 others posted in SHARE KO LANG 💛

Giovanni replied to your comment on a post in CHARIOTS ✏ • MAIN

Taeyong NCT also comment on a photo in Clique.

Anastasia also commented on a post in Better Roleplayer World ( BRW ).

Hiro shared your post.

Catherine, Lisa BP, Pyper, and 4 others reacted on your post.

Kyungsoo, Chanyeol and Junmyeon commented on the video you are following in SHARE KO LANG 💛

Krystal reacted on your post.

Krystal reacted on your video.

Krystal reacted on your photo.

Krystal commented on your post.

Ganito karami ang natatanggap kong notifications sa loob ng isang araw. Di hamak na parami na talaga nang parami ang nakakadiscover sa rpw. Kahit ako, 2015 lang ako nakapasok, kaibigan ko pa ang nagturo sakin. Parang naliligaw ako, nung unang pasok ko. Rrph ako tambay at kahit sa WCC nandoon ako, bago pa naging jeje group yun. I was portraying Christian Grey at feel na feel ko talagang mag-crp kasi it serves as satisfaction for me lalo na kapag pinagkakaguluhan ako ng mga babae sa bawat post ko sa group. Mainly the reason why I always got reported. Kapag bumabalik ako,
magsisimula nanaman ng panibago. Nakakadala pero wala eh, doon ka lang nakakatakas.

Nakaranas ako noon na kagagawa ko lang ng account ay marereport agad. Siguro ay dahil narin sa sunod-sunod kong pag-aaccept ng friend requests sa loob lang ng isang araw.

Year 2015, ewan ko ba. Gulong-gulo ako. Pakiramdam ko ay nagiisa ako kahit na ang dami ko namang mga kaibigan in real world. Pati sa pamilya ko ay nagkakaproblema kami. Nagsabay-sabay na. Kaya nung nalaman ko sa kaibigan ko na may ganito pala, I took the opportunity and later found out na pupwede palang takasan ang realidad ng buhay.

I stayed as a crp for a year. I do smut chats, I post scenarios in groups at nasisiyahan ako sa bawat gagawin ko. Kada gagawa ako ng account at marereport pero pag nagkaroon ng pagkakataon ay panibagong tao ulit ang ipapakita ko. I never told anyone na babae ang operator ng lahat ng accounts na nagamit ko. Even when I had the chance to be in the fsg I've always wanted to join kasi nandoon yung crush kong rper. Counterpart kami ng fsg nila at masaya na ako doon.

Siguro magaling din akong magtago, yet I never felt bad kahit na dapat ay maguilty ako kasi nanloloko ako. But that's life. We should get used to it.

Year 2017, sumubok akong mag-grp. Yung talagang ako. Doon dumating yung pagkakataon na wala akong makausap. Naisip ko, totoo nga pala yung sinasabi nila na pag brp, dumog palagi. Kapag grp na, asahan mong walang papansin sayo. Pero tanda ko noon, isang beses na may grp na nagpost sa WCC na dinumog. That was a long time ago. Tumagal ako ng dalawang buwan kaso ay inayawan ko rin dahil wala akong nakakausap.

Bumalik ako sa pagiging crp at nakilala ko si Aina, my ex. Noong una talaga ay rp to rp lang ang inooffer ko. Ayokong pati akong mismong operator ay magagasgasan. Kaso ay mapilit din talaga ang tadhana at nagustuhan ko siya. Pumayag ako sa kagustuhan niyang ituloy namin, sagad hanggang sa mga sarili namin. Pero hindi rin naman nga nagwork dahil sa kanya rin.

Sa ngayon ay ganoon parin ang ganap. You can't be called as a roleplayer kung hindi mo gagawin ang role mo as one. Marami na ring naglalabasan ngayon. Kung dati ay ic at smut rp lang ang alam ko, sa pamamalagi ko sa rpw ay nadagdagan pa ng mga kung ano-ano. You can be poet, ic blogger, au rp, oc rp, anime rp (sabi nila ay dito raw talaga nagsimula ang pagrrp int'l rpers pa, ang pagkakaalam ko) pero hindi ko na alam ang tawag doon sa iba kasi ang tanging nasusubukan ko pa lamang naman ay smut at ic. Kung nagkamali ako sa pagbibigay ng impormasyon ay hindi ko na problema iyon.

Binalik ko ang tingin ko sa mga notifications na natanggap ko. Sa dami nito ay hindi ko rin alam ang uunahin ko. Nahagip ng tingin ko ang huling apat na notifications galing sa pangalang Krystal. Pamilyar ang pangalan niya, nakita ko na ata dati. Siguro ay noong nagsscroll ako ay isa siya sa mga nagfflood ng posts.

Tumunog ulit ang phone ko dala ng panibagong notification. Nag-pop up ang isang chat head.

Krystal: Hi!
Kai: Hello.
Krystal: Have you eaten your breakfast already?
Kai: I just got up.
Krystal: Oh, same. Anyway, I have to go. See you on school!

"Huh?" Kumunot ang noo ko sa huling message niya. Baka nagkamali lang 'to. Hindi ko na inintindi ang message niya. Gutom narin kasi ako at isa pa, 45 minutes nalang ang natitira.

EscapedWhere stories live. Discover now