Seven

4 0 0
                                    


"We'll be having a quiz on Wednesday, class. Dismissed." Nagsitayuan kami matapos sabihin ni Ma'am Karen na tapos na ang klase. Ito ang second to the last na subject ko sa araw na 'to kaya maaga akong makakauwi pagkatapos ng huli kong klase.

"Alex." Napatingin ako sa tumawag sa akin sa harap ko.

"Hm?" Isa-isa kong ipinasok sa loob ng bag ang mga gamit ko.

"Pwedeng pahiram ng notes mo?" Tiningnan ko ang kaklase naming babae na nakangiti sa akin.

"Ah, hindi ako nagnonotes eh. I use my phone and just capture every slide." Paliwanag ko rito at isinara ang bag ko. Ngumiti ulit ito at tumango.
"I can work on that. Pwedeng papasa ng photos?" Pasimple kong sinulyapan ang wristwatch ko. 10 minutes pa naman pala bago ang next class ko. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at tumango. Dali-dali naman itong umupo sa katabing upuan ko.

"Alexis, you coming?" Halos pasigaw na saad ni Keisha nang nasa may pinto na ito. Napailing nalang ako sa ginawa nito at tumango bago sumagot.

"Yup, may tatapusin lang ako." Pumalakpak ito at nagflying kiss pa sa akin bago umalis. Narinig ko naman ang tawa ng iba naming kaklase. Kahit kailan talaga ay baliw ang babaeng yon.

"You're really kind." Sinulyapan ko ang katabi ko at nakitang nakangiti nanaman ito sa akin.

"Oh, okay. You're creeping the shit of me." Saad ko na ikinatawa nito. Nanatili nalang kaming tahimik hanggang sa matapos kong ipasa ang mga photos na hinihingi niya. Nauna akong tumayo at inayos ang sarili ko bago lumabas.

"Thank you so much, Alex." Napangiti na lamang ako sa sinabi niya.

"No problem. Una na ako ah? Bye." Ngumiti ito at tumango. Nagsimula naman akong maglakad palabas ng classroom at tinahak ang daan papunta sa sunod kong klase.

Nang mapadaan ako sa canteen ay nakita ko sina Ren, Keisha at Kiel na kumakaway sa akin. Kumaway ako pabalik at sumenyas na mauuna na ako dahil may klase pa ako. Tumango na lamang ang mga ito kaya nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad.

Sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay nagsimulang magingay ang phone ko dala ng sunod-sunod na notifications kung kaya't sinulyapan ko ito. May text messages galing sa isang unregistered number. Kahit labag sa loob ko ay binuksan ko ito. Napatigil na lamang ako nang mabasa ang mga nakaimprinta.

Naramdaman kong biglang nangatog ang tuhod ko at parang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Naramdaman kong biglang nangatog ang tuhod ko at parang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Bakit ngayon pang akala ko ayos na ako? Hindi ko naman akalain na sa ganitong pagkakataon niya pa ako guguluhin.



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 01, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

EscapedWhere stories live. Discover now