Bumungad sa akin ang friend request ni Kevin nang magbukas ako ng real account ko. Once a week lang ata akong magbukas ng ra ko at sinuswerte ang isang 'to dahil natiyempuhan niya. Dahil hindi pa nagsisimula ang klase, I tapped his profile and decided to stalk him while waiting for our professor.
Puro shared contents. Tungkol sa babae at barkada, even sex! Jusko, perverted ata ang isang ito. Nagpatuloy ako sa pag-iscroll at hindi ata mawawala ang pagngiwi ko sa bawat makikita ko. Mas lalo akong napangiwi nang makita ko ang isa sa mga posts niya na talagang pinagkaguluhan ng mga babae.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Tangina, cringe. Gwapong-gwapo sa sarili? Napailing ako at inexit ang profile niya.
"Stalker." Halos maitapon ko sa gulat ang phone ko nang dahil sa nagsalita sa likod ko.
"Tangina naman, Charles." Saad ko, at umayos sa pagkakaupo. Narinig ko ang pagtawa niya at umupo sa katabing upuan ko.
"Sus, bakit mo iniistalk ang kaklase natin sa Chemistry ha? Crush mo ano?" Pangungulit nito.
"Lul, hindi. Inadd ako eh, tsaka pakialam mo ba?" Sagot ko.
"Sungit naman. Crush mo lang eh, hahaha." Saad nito habang tumatawa nang malakas. Nakatingin na sa amin ang mga kaklase namin kung kaya't gusto ko na siyang patigilin.
"Tigilan mo nga ako, Charles." Saad ko at inis na hinaharang ang daliri niyang sumusundot sa pisngi ko.
"Ew, don't call me that. Call me Charlie. Duh." Napa-face palm ako at umiling sa sinabi niya.
I glanced at my wristwatch and realized, 20 minutes had already passed. Ibigsabihin, walang prof?
Nasagot ang tanong ko nang may isang estudyanteng sa tingin ko ay senior namin ang pumasok sa loob at pumunta sa unahan.
"Guys, Sir Gerard has a meeting. I have here the list of the groups. I'll just post it on the whiteboard. Tingnan niyo nalang kung saan kayo kasama."
Tumango kami at lumabas na siya. Someone (idk what's her name) volunteered herself to read the list.
"Abante, Barcelona, Dela Cruz, Lazano, Martinez, Reyes, Romero, Villa. Group 2 kayo."
Napatingin ako at tumango ulit. Sino-sino kaya iyong mga kagrupo ko? Nagulat ako nang umirit itong katabi ko.
"Alexis! Magkagroup tayooooo!" Saad nito habang hinahampas ako. Sinaway ko ito habang umiiwas sa hampas niya.
"Ano ba, tumahimik ka nga." Bulong ko dahil nakikita ko na ang masamang tingin ng iba naming kaklase habang ang iba ay natatawa nalang.
"Duh, ano bang pakialam nila?" Saad nito at nakita kong halos mawala ang kulay ng eyeballs ng mata nito dahil sa sobrang pag-irap.
May nagtaas ng kamay at nagtanong sa babae.
"Ano raw bang gagawin? Tsaka kailan?"
"Debate raw at ang sabi dito, next meeting daw gagawin." Sagot ng kaklase namin.
"Tungkol saan?" Tanong pa ng isa.
"Same sex marriage."
"Lol, I'll be very glad kung tayo ang negative." Saad ng kaklase kong lalaki.
"Mas matutuwa naman ako kung affirmative kami." Sagot ni Charles. Bitch, why did you talked back.
"Bakla ka kasi." Nagtawanan ang mga kaklase namin sa saad nung lalaki.
"At least, I'm honest. Eh ikaw?" Paghahamon ni Charles.
"Enough!" Saad ko. Unti-unting natigil ang tawanan at asaran at ramdam ko ang titig ng mga kaklase ko sa akin. Mukhang nainis iyong lalaki pero hindi na kami pinansin. Agad namang tumayo si Charles pero nagawa ko itong pigilan. Kinuha ko ang mga bag namin at sinundan siya palabas.
"Gosh, girl. Bakit mo ako pinigilan? Alam mo namang tinatapakan na tayo?!" Paghihimutok ni Charles at halos gibain na ang canteen sa sobrang lakas ng pagsasalita niya, buti nalang at walang masyadong tao.
"Para walang away." Saad ko.
"C'mon! Hindi naman tayo makikipagaway. Ipaglalaban lang natin karapatan natin!" Pagpapatuloy niya pa.
"Hayaan mo na." Pagpipilit ko naman.
"Gosh, hindi talaga kita maintindihan babae ka. Ewan ko sa'yo." Nagkamot siya sa ulo na ikinatawa ko. He's somehow cute.
"Anong gusto mo?" Tanong ko.
"Huh?" Naguguluhan niyang tanong.
"You want ice cream? Libre kita." Nakita kong kumislap ang mata niya.