August 4, 2018

3 0 2
                                    


Aug/4/2018

Hi, pakiramdam ko magaling na ako. Nagkasakit kasi ako kahapon. Kaninang umaga kasi uminom ako ng maraming maligamgam na tubig, nasuka ako tapos sinuka ko yung plema at feel ko bumuti ang pakiramdam ko. Isa sa mga natutunan ko ngayong araw na kung may gagawin ka, gawin mo na agad at wag mo nang ipabukas or ipa-mamaya na lang. Kanina kasi sabi ko sa sarili ko, gagawin at tatapusin ko yung business plan ng grupo namin. Diba nagkaroon ng himala? Natapos ko na. Ako lang mag isa, mga adik yung mga kaklase ko. Eh wala naman kasing ibang maaasahan sa grupo kundi ako lang. Yung iba samin eh may mga utak naman pero mas inuna pa ang walwal kesa sa project. Kaninang umaga, umalis na rin si lolo. Sumakay na siya pauwi sa probinsya namin. Wala na nga palang magsesermon sakin at magsasabi na dapat kong punasan yung lamesa pagkatapos kong kumain at wag ikalampag ang mga kagamitan sa tuwing kakain ako. Ganun din kapag maghuhugas ng plato, hugasan na raw kaagad, wag yung iipunin ko pa at itatambak sa lababo. Oh ha, naalala ko lahat ng mga bilin niya sakin araw araw noong nandito pa siya. Pero ngayon, wala na siya. Nakauwi na siya doon samin. May mga lasing na kapit bahay namin ang nag away dito kanina, mga babae sila. Hindi ko alam ang pinag aawayan nila pero mukhang mga wala sa sarili sa kadahilanang nakainom sila. Mahirap talaga kapag naglasing ka, di mo alam ginagawa mo. Lalo na kapag nasobrahan ka pa. Umuulan kasi samin kaya naispan nila maglasing, siguro pampainit lang. Parang ganun. Nga pala, lumalaki na si baby eye bags ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanya pero nakakalungkot na senior high pa lang ako, ang laki na ng eye bags ko. Sa bakasyon, babawi ako ng maraming tulog at kain. Sana nga malapit na ang bakasyon eh ang kaso ilang buwan pa bago ako makauwi samin para makapagbakasyon. Pero nacucurious ako sa ibang tao, bakit ang sama ng pakikitungo nila sakin? dalawang babae na ang napapansin kong ganun. Kanina yung babae doon sa may bakery at nung nakaraan ay yung babae sa may grocery store. Ganun na ba ako kapangit para magalit sila ng basta basta sakin? Ganun na ba ako kagulong tao na nagbibigay sa kanila ng pagkairita? Hindi ko talaga sila maintindihan, nakakainis sila sa totoo lang. Iiwasan ko na nga palang magmura simula ngayon at hindi na muna ako maaattach sa mga lalake. Kasi mag aaral muna ako at kapag nakapagtapos ako saka ako magshoshota ng marami. Dejoke, pero totoo. Pero ano ba yan, bakit syota na kaagad ang nasa utak ko? Ang mahalaga ngayon, makapagtrabaho ako after kong makapagtapos. Haha, baliw, syota kaagad ang nasa utak eh wala namang manliligaw. Sa pangit kong 'to?! Luuuh, bulag na lang ang magkagusto sakin! Hindi pa ako nakakapagluto pero may ulam pa naman. Ang hirap kasi kapag nagluto ka tapos hindi naman nila gusto yung ulam o baka yung luto ko ang hindi nila gusto? Dito na ako nakatira ngayon sa puder ng tatay ko, kasama ko dito puro lalake kaya medyo naiimpluwensyahan ako. Joke lang, pero mas feel kong kasama si mama kaysa kay papa.

Kapag pangit ka, sobrang hirap makuha ang gusto mo. Halimbawa, gusto mong pansinin ka ng crush mo. Hindi mo siya kaagad makukuhang tumingin man lang sayo, kelangan mo ng major transformation at pag-evolve para makuha ang puso niya. Yan ang hirap sakin eh, kahit anong ayos ko sa sarili ko mukha pa rin akong basahan. Wala na, finish na. Masyado akong advance mag isip. Nung nakaraan nakachat ko yung crush ko, aamin na sana ako pero natakot ako. Dummy account kasi yung ginamit ko, natakot ako na baka kapag nakilala niya ako at nakita niya ako ay hindi niya na ako ichat pa. Natakot ako na baka hindi niya rin ako magustuhan, oo nga pala, hindi ako likeable, uncrushable lang. =_= Ganun na rin yun, pinahaba ko lang. In short, im not beautiful. The society hates me, ramdam ko yun sa mga taong minsan ko lang makilala. Alam mo ba na may fear ako na ayaw na ayaw kong pinapakilala ako sa mga tao. Kapag pinapakilala ako, its either magiging bastos ang ugali ko sa harapan niya o magwawalk out ako o magtatago ako sa kwarto. Ayoko lang talaga na ipakilala ako at makilala ko sila. Bata pa lang ako ganito na ako, takot ako sa mga tao. Pero ngayong senior high school nako, no choice kasi kailangan kong makisalamuha sa mga tao. Pero hindi pa rin naaalis yung takot na yun dito sa puso ko hanggang ngayon. Masyado na akong nagiging honest dito sa diary nato. Baka kung ano na naman ang masabi ko. Basta ayoko sa mga tao at higit sa lahat, ayoko na pinapakilala ako sa ibang tao.

Nga pala, nung nagsimba ako ngayon, natuwa na lang ako kasi pakiramdam ko mahal ako ni God. Lalo na noong lumabas ako ngayon na umuulan tapos umuwi ako samin, pagkapasok ko sa bahay saktong bigla na bumuhos ulit ang malakas na ulan. Ang saya ng araw nato kahit pagod ako. Pagod na akong i-judge ng society. Good night!

Xoxo,

UglyDamselinDistress Aug/4/2018

Diary ni UglyDamselinDistressWhere stories live. Discover now