August 24, 2018
Kung tatanungin niyo ako kung kamusta ang araw ko, well, hindi ito maganda. Sobrang malas ko ata ngayon. Nung umaga pa lang, ramdam ko na yung malas. Nung kinahapunan, naghintay ako sa coliseum, almost 3 hours akong naghintay sa mga kagrupo ko. Filipino time talaga eh, sobrang nabadtrip ako. Sana nga umuwi na ako nun eh. Ngayong alas tres naman ay bumalik ako sa bayan, dumiretso para bumili ng ilang dosenang mga tsinelas. Ipapadala ko kasi ito sa amin doon sa probinsya para ibenta ng nanay ko at syempre, may tubo na iyon. Halos isang malaking plastic ang bitbitbitbit ko, hindi ko siya kayang buhatin kasi nga natatakot ako na baka mabitawan ko at kapag nabitawan ko eh mabubutas ang plastic at magwawatak watak ang mga ito sa kalsada. Mas mahirap ang ganun, mabuti na lang tinulungan ako ng isang tindero doon. Kahit mainit, willing siya na buhatin iyon hanggang doon sa may paradahan ng sasakyan. Nakakahiya sa totoo lang, kasi parang naabala ko pa siya. Pero salamat na rin kasi tinulungan niya ako. Sinakay ko yun sa tricycle, medyo naiinis nga sakin yung dalawang pasahero kasi nga ang dami nung bitbit ko at halos hindi na kami magkasya sa tricycle. Ramdam kong pinaparinggan na nila ako, dinoble ko naman ang bayad ko sa tricycle driver kasi nakakahiya. Binaba niya ako sa kabilang kalsada, malamang highway yun at hirap na hirap ako magdala nung isang malaking plastic. Habang binubuhat ko yun may mga nakatingin saking tao, hindi ko alam kung naaawa sakin o sadyang nanlalait na naman. Tumawa na lang ako at ngumiti kahit ramdam kong mapupunit na ang plastic at ramdam ko rin na anytime ay pwede na siyang mabuhos sa kalsada. Tumawid ako sa highway, basta sabi ko sa sarili ko bahala na yan. Basta kung mamatay ako okay lang atleast naging mabuti naman akong anak lol. Pero oo nga, seryoso, tumawid ako dun kahit na nabibigatan na ako. Paika ika pako maglakad kasi nga mabigat talaga yung mga tsinelas na iyong fishti. Lakas loob na lang sa gitna ng highway, buti na lang yung ibang sasakyan eh dumahan dahan. Ayaw rin nilang banggain ako. Nung nakarating na ako doon, mabuti na lang at doon na tuluyang bumigay si plastic. At nung bumigay na yung plastic to the point na hindi ko na siya mahawakan ay hinila hila ko na lang, nakatingin pa sakin yung guard doon sa national bookstore. Hindi ko alam kung anong nasa isip niya basta ang ginawa ko na lang ay ngumiti, alam kong nahihirapan na ako sa sarili ko at the same time, napepressure ako kasi nga may mga nakatingin sakin. Nakakainis sila, ano bang mga tinitingin tingin nila jan?! Sarap pangdukutin ang mga mata nila! Ngayon lang ba sila nakakita ng taong nagbubuhat at humihila ng ilang dosenang tsinelas?! Nung nandoon na ako syempre pinadala ko na sa JRS, medyo maiyak iyak pa ako. Sobra talagang feeling ko sasabog na ako, alam mo kung bakit? Kasi nga wala na pala akong pera. Yun na lang yung kahuli hulihan kong pera, kulang pala yung nawithdraw ko kanina at malayo layo ang bangko doon. Wala ding mga mall doon o ano. Yun na lang yung binigay ko at pinambayad ko para mapadala yung mga tsinelas sa probinsya namin. Lumabas ako na parang maiyak iyak na, dalawang sakay ang pauwi sa amin at wala na talaga akong pera. Iniisip ko kung mamamalimos ba ako o ano kasi nga hindi ko alam kung paano ako makakauwi. Mabuti na lang naisipan ko na maglakad na lang, naglakad ako ulit papunta doon sa bangko. Medyo may kalayuan siya pero pinagtyagaan ko na lang kahit ang tindi ng sikat ng araw. Wala nakong pakialam basta ang mahalaga may mawithdraw ako at makauwi ako. Muntik pa ako mabundol ng kotse habang naglalakad ako, sobrang lutang talaga ako. Simula pa lang nung umaga, sobrang stressed at pagod ako kakahintay sa mga kagrupo ko. Tapos nung namili ako, nakakapagod din kasi nga ganun yung nangyari hanggang sa ipadala ko yun sa JRS. Hindi ko talaga makakalimutan yung tingin ng mga tao sakin habang nagbubuhat nun habang tumatawid sa highway, wala nakong paki nung mga oras na yun kung sasagasaan ako o mamamatay ako sa highway ang mahalaga makatawid ako. Naiinis ako kung paano sila tumingin sakin, naaasar ako sa mga nangyayari. Naiinis ako, sobra. Hindi ko naman ginustong maging ganito ang lahat, okay lang sana ang araw ko pero naiinis ako sa mga tingin nila sakin.
Ano ba ang problema niyo? Problemahin niyo ang sarili niyong mga buhay wag ang buhay ng ibang tao!
Xoxo,
UglyDamselInDistress
YOU ARE READING
Diary ni UglyDamselinDistress
Ngẫu nhiênWala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang mahalaga nagpapakatotoo ako sa sarili ko.