August 3, 2018

7 0 3
                                    

Ako nga pala si uglydamselindistress, bagong gawa ko lang ng account nato. Matagal na akong nagbabasa dito sa wattpad, naabutan ko pa nga noon ang kasikatan ng ebook na kung saan uso ang bluetooth at hindi pa shareit. Yung cellphone noon na keypad lang at hindi touchscreen, nandito ako para maglabas ng sama ng loob at para magpakatotoo sa sarili ko. Hindi ko naman hinihingi ang atensyon ng mga tao na basahin kung ano ang nilalaman nito. Pangalawang account ko na ito sa wattpad at ang real account ko ay secret na lang. Pero sa ngayon, gusto ko munang magpakilala sa inyo.

Ako nga pala ulit si uglydamselindistress, 17 years old at isang senior highschool. Isa akong humanities and social sciences student, simple lang ang buhay ko. Isa akong nobody na hindi sikat at hindi rin kagandahan. Hindi rin naman kami mayaman, ako yung panganay sa aming magkapatid. Dalawa lang naman kaming magkapatid eh at ang mahirap lang kapag panganay ay malaki ang responsibilidad at expectation sayo na makakapagtapos ka at ikaw ang unang magtataguyod sa pamilya niyo. Hindi rin ako kagandahan, katamtaman lang ang ilong ko, makapal ang buhok ko na medyo wavy. Madalas hindi ko ito winawagwag o nilulugay, ayoko, ayoko dahil baka sa pagkakataong ito ay i-critic na naman ako ng mga tao. Palaging nakatali ang buhok ko, baka may masabi na naman ang ibang tao.

Sawa na ako sa mga pangungutya at panlalait, masaya naman ako sa buhay ko eh. Akala ko nga ayos na yung ganitong buhay, morena ako at hindi rin matangkad masyado, medyo may kapayatan at lumalaki na rin ang eyebags ko sa mata. Hindi pantay ang ngipin ko at medyo may kadilawan ang mga ito kahit anong pilit ko na segu-segundo ay toothbrush shin ang mga ito. Tibo tibo daw ako, inaamin ko naman iyon. Eh sino ba namang magkakagusto sa akin diba?

Ngayong araw na ito, ang pinakahighlight lang ay yung pumunta kami sa robinson. Namili ng mga pasalubong, si lolo kasi ay aalis na bukas bale ako na lang mag isa sa bahay. Inaamin kong takot ako sa dilim pero hindi ako takot sa ipis at ano pa mang insekto. Sanay akong katropa ang radyo sa bahay, ang problema ko nga lang, kapag natakot ako sa dilim ay pinapatugtog ko naman ang radyo ng sobrang lakas kahit gabing gabi na kaya naman nabubulabog ang mga kapitbahay.

Sa sobrang dami ng gagawin, hindi ko na alam ang uunahin ko. Pero infairness, natapos ko na yung tatlo. Masaya na ako eh, sobrang saya na sana ako kasi nga nakita ko kahapon yung crush kong si dexter laurence. Pero mukhang nadiscourage ako nung nalaman kong bakla siya, hinampas niya yung isa niyang friend na may tilamsik ang mga kamay niya tapos yung way ng pagkakahawi niya sa buhok niya ay parang malandi. Confirm, bakla ang gago. Sayang siya boi.

Kung minsan tinatamaan din ako ng pagkalibog, natural ba yun sa aming mga teenager? Iniisip ko kung sumasagi rin ba sa isip ng mga kaklase ko ang ganung mga bagay? Siguro nga, eh mas malalala pa silang lahat kaysa sa akin. Alam mo bang nahihiya ako ngayon na pumasok sa school? Si Glenda kasi, yung kaklase ko na nakaaway ko noong grade 11 pa lang ako. Sinuntok niya ako sa may cathedral sa kadahilanang nagpapapansin siya sa crush niya, umiyak ako nun eh dumugo ang nguso ko. Ako na nga itong pangit, ako pa itong kinawawa niya. Double kill guys.

Ayun na nga, ang epic fail ko kasi talaga sa lahat ng pictures. As in simula pagkabata hanggang ngayon ay ang pangit ko sa picture lalo na sa personal lels. Tapos yung pinakapangit kong picture ay sinend nila sa GC, triple kill for me. Kawawa naman ako, pinagtatawanan na pala ako ng mga classmates ko ng hindi ko alam. Actually, last year pa iyon pero kahit na! Sa tuwing pinapakita nila sakin ang epic fail ko na mukha doon ay tumatawa na lang ako kunwari, pero ang totoo, gusto ko na talaga basagin ang cellphone niya at apakan ang memory card niya hanggang madurog yun. Pota, nakasave pa yun sa cp niya eh. Ang gago lang, nakakahiya kung magiging meme ang picture na yun. =___=

Seryoso, ang pangit ko talaga. Marami na ang mga patunay na nagsasabi, nakakainis lang, hindi ba pwedeng tumahimik na lang sila at hindi na nila ipamukha saking pangit ako? Ilang beses ko na rin yung napatunayan sa sarili ko, dami nagsasabi eh. Noong bata pa ako, isang foreigner ang nagsabi saking mukha raw akong isang 'old hag' di ko alam ibig sabihin nun pero nung sinearch ko sa internet ay nalungkot ako. Parang matandang hukluban? Parang ganun. NItong nakaraang mga araw naman, nung napatingin sa akin ang isang lalake sa tricycle ay sinabihan niya ako ng panget. Hindi ko na lang inintindi, ano pa nga bang magagawa ko? Tapos nung nakaraaaaang linggo, isang babae naman ang nakatingin sakin tapos sabi niya ang pangit ko raw. Seryoso? Ganun na ba talaga ako kapangit sa mga mata niyo?! Haaay, bahala kayo. Nung nakaraan naman sa SM, napatingin sakin yung isang lalake tapos sabay sabi ng 'ay panget' tapos umiwas ng tingin, hindi ko na lang pinansin. Kawawa kasi ako kung papatulan ko, masyado akong maraming flaws and imperfections pati damages sa mukha kung lalaban ako at baka yun pa ang ipanglaban niya gamit sa akin. Minsan naiiyak ako, ewan ko, palagi akong nakatambay sa pinakadulo ng library sa school.

Palagi ako doong nakaupo sa may upuan sa gilid ng bintana, ako lagi ang nagbubukas nun tuwing wala kaming klase. Parang doon ang comfort zone ko kapag nakatanaw ako sa view ng dagat tapos nakikita ko rin minsan yung mga eroplanong dumadaan sa ere. Malapit lang kasi yung airport sa school namin eh.

MInsan naiisip ko, bakit ang unfair ng mundo? Bakit hindi pwedeng maging matino na lang ang mukha ko? Gusto ko lang naman ng simpleng buhay at normal na buhay. Oo, inaamin kong pagod na ako pero sanay na ako. Noon hindi ko matanggap ang lahat kasi pinalaki nila ako sa isang maayos na pamilya, akala ko noon ako yung prinsesa tapos lahat ng bagay pwede kong makuha. Akala ko noon kasing ganda ako ng isang prinsesa pero sa reyalidad pala mukha akong isang matandang dukha. Nakakatawang isipin pero hindi ko maiwasang ikumpara yung sarili ko sa ibang babae na nakikita ko. Yung mga pag iisip na mabuti pa siya, sana ako na lang siya, sana kaparehas ko siya, sana ganun din ako, sana parehas kaming ganyan.

Hindi ko alam kung bakit ganito yung mga tao sa society, makakita lang ng kakaiba sayo ay big deal na kaagad. Malaking issue na kaagad para sa kanila iyon, papansinin nila kaagad at para bang may nakakadiri kang sakit kung tignan ka nila. Nakakatawa lang, dapat hindi ko na pinapansin ang ganung mga bagay pero kung kayo ang nasa sitwasyon ko, malamang mapapansin niyo rin at big deal din iyon para sa inyo.

Ano pa nga ba ang maganda sa araw ko? Wala, walang maganda sa lahat ng mga naging araw ko. Limitado lahat ng galaw ko, kaya ko natutunan kung paano maging tahimik at hindi nakikipagsocialize. Takot ako, takot ako na ijudge ng mga tao. Takot ako na ijudge ng society. Takot sa lahat. Ayoko kasi na may masabi na naman silang hindi maganda, tapos deep inside malulungkot ako, tatanungin ko yung sarili ko kung bat ganito ako. Kung ano ba ang mali sakin? Kung kanino ba ang may problema? Sakin ba o sa kanila?! Tapos magagalit ako sa lahat ng tao, magagalit ako sa ibang mga tao kahit wala namang kasalanan. Magagalit ako sa lahat ng mga bagay.

Hindi ko naman siguro kasalanan na pinanganak akong ganito diba?

Hanggang dito na lang siguro muna, naiiyak na naman ako eh. Ayoko namang umiyak habang nagtatype ng mga kadramahan ko sa buhay.

Lovelots,

UglyDamselinDistress Aug/3/2018

Diary ni UglyDamselinDistressWhere stories live. Discover now