October 1, 2018
Everything is such a mess. Lately wala akong ganang mag aral, wala akong paki sa grades ko, wala nakong gana. Tapos ngayon lang hapon, nagrecite na kami ng spoken namin. Spoken word poetry sa megatrends, you know what? Ang bobo ko, wala akong gana kanina tas para akong lantang gulay. Ang pangit ng delivery ko, para akong gagang tanga. Last year, my teacher gave me a thumbs up. Palagi niya akong pinupuri, sa philosophy subject niya na isa lang ang mali ko sa exam. Sa spoken word poetry na ang galing ko raw magdeliver. But now, everything is a mess. Ang pangit ng ginawa ko, hindi ako naghanda, at parang wala nakong pakialam sa grades ko. Anyway, wala nakong paki doon. Past is past at desisyon ko yun, kailangan maging matapang ako na harapin ang consequences ko. Yung consequences na mababa ang makukuha kong grades. Yung consequences na ako rin mismo ang gumawa. Ako ang gumawa ng kapalaran ko so i should face it bravely. Hindi dapat ako maging duwag sa resulta ng mga kagagawan ko. Thank you sa memories, this will be my last year sa isang private school. Inaamin ko, hindi ako nag enjoy sa pag aaral ko sa private school nato. Naenjoy ko lang yung schedule ng pagpasok, hahaha! Yun lungs~ Kanina nung nasa tricycle ako, nakita ko ang isang malaking rainbow. And then, i remembered something. Naalala niyo pa ba si Noah sa bible? Yung ginunaw ng Diyos ang lupa sa pamamagitan ng ulan at baha? Ginawa niya yun para matigil ang kasamaan ng buong mundo at tanging si Noah at ang pamilya niya lang ang nakaligtas sa baha dahil sila lang ang kalugod lugod sa harapan ng Diyos. Tapos nangako ang Diyos, sabi niya, hindi ko na gugunawin muli ang mundo sa pamamagitan ng tubig. COvenant niya iyong rainbow satin. Kaya may rainbow, para maalala natin at ni God ang covenant niya. Ang covenant niya na hindi niya na muling gugunawin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Wala lang, naalala ko lang kanina nung nakakita ako ng rainbow.
P.s: Minsan na lang kasi ako nakakakita ng rainbow at nagwonder ako kung baka muling nagpakita si rainbow kasi baka sobrang napaka-makasalanan na ng mga tao sa henerasyon natin. Wala lang, skl, though alam ko yung scientific explanation kung bat nagkakaroon ng rainbow.
Isa pang pinagtataka ko, kung hindi na gugunawin ni God ang mundo natin sa pamamagitan ng tubig. Sa anong paraan niya naman kaya gugunawin ang mundo ngayon kung naging makasalanan na naman ang mga tao gaya na lang noong panahon nila noah? Hmm, baka sa pamamagitan ng apoy. Juks! -_-
Xoxo,
UglyDamselinDistress
YOU ARE READING
Diary ni UglyDamselinDistress
RandomWala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang mahalaga nagpapakatotoo ako sa sarili ko.