Dapat nung nakaraan ko pato napost, nakalimutan ko. -_-
August 8, 2018
Napakabiglaan ng lahat, yung mga kagrupo ko ay nagdesisyon agad na pumunta sa probinsya na kung saan doon kami magcoconduct ng research. May mga questionnaires na, kumpleto na ang lahat. Pero ang baklang si Pete ay pabebe at Pa-V.I.P ang loko. Pumunta kami sa Maruyugon, parang hindi nakakakita ang mga tao doon ng mga taong tagasyudad. As usual, namigay kami ng survey questions then pinasagutan. Ano pa nga bang ini-expect ko? Malamang, may nang-critic na naman sakin. Wala namang pinagbago sa bawat araw na mabuhay ako. Why is the world so cruel? Enough with the drama, pero seryoso, nagmukha lang akong tanga na kasama ang mga anghel. Ang gaganda at gagwapo ba naman ng mga kagrupo ko sa research tapos ako? Ayun, mukhang basahang nilampaso sa isang maduming sahig, take note hindi lang madumi kundi NAPAKADUMI. Nagwalwal pa ang mga loko doon, ilang oras kaming nag abang. Sa tuwing kasama ko si Kelly, pakiramdam ko kaibigan ko siya pero hindi talaga ako nagtitiwala sa kanya sa totoo lang. Sa lahat ng mga taong dumating sa buhay ko at naging kaibigan ko, wala akong pinagkatiwalaan sa kanila. Kahit na yung best friend ko na si Micah, hindi ko siya tinuring na kaibigan sa totoo lang. Parang tinuring ko siyang isang rival sa lahat ng bagay, hindi ko alam kung bakit pero alam mo yung pakiramdam na naiinggit ka sa kanya. Oo, inaamin ko naiinggit ako sa kanya. Kaya niya kasi makipagsabayan sa ibang tao at kaya niyang makisalamuha samantalang ako ay napakagaling magtago sa isang sulok at hindi ko kayang makipagsabayan. Kasalanan ko bang ganito ang ugali ko? Takot lang naman ako, takot ako na baka i-critic na naman ako ng ibang tao. Takot akong maging ako. Takot akong magpakatotoo sa sarili ko dahil alam kong may masasabi na naman silang hindi maganda sakin. Kasalanan ko bang pinanganak ako? Kasalanan ko bang nagpakatotoo ako sa sarili ko? O kasalanan nilang mababa lang talaga ang pagtingin nila sa akin? Kasalanan ko bang nag exist pa ako sa mundong ito? o kasalanan ng society dahil mga mapang-mata sila? You see, alam ko naman na hindi lahat ng tao ay ma-pe-please mo, pero if you want to judge me. Please lang wag mo na lang idaan sa tingin o sa bulungan, kahit na alam kong sanay nako, hindi pa rin maiiwasang masaktan ang damdamin ko. Tao ako, hindi ako poste o bagay at mas lalong hindi ako hayop. Bukas alam kong ako na naman ang aasahan nila, sa research paper, ako na naman ang gagawa ng chapter 4 at 5. Porket ganito ang ugali ko kaya minamaliit nila ako? Porket magaganda't/gwapo sila kaya nagiging alipin nila ako? Porket malakas ang kapit nila sa teacher kaya malakas ang loob nilang hindi tumulong? Porket alam nila na maaasahan ako kaya sakin sila umaasa? Sana makiramdam din kayo, napapagod na rin ako. Pangit na nga ako, aasa pa kayo sakin. Kahit na pangit ako, marunong din akong maging paasa. Yung kaibigan kong si Kelly, kung bakit hindi ako nagtitiwala sa kanya kasi alam kong kahit na siya mismo ay kinaibigan lang ako for benefits. Hindi kasi ako bad influence at masipag 'daw' ako magpasa on time ng mga school papers, siguro yun ang dahilan niya, kahit na alam kong nagiging close na siya sakin pero hindi pa rin ako nagtitiwala sa kanya. Hindi ako kumportable kapag kasama ko siya, yun ang totoo. Lahat ng mga kaibigan ko hindi ko nakapalagayan ng loob, hindi ako naging kumportable sa kanilang lahat sa tuwing kasama ko sila. Ang pinakahuling kaibigan ko na lubos akong nagtiwala at tinuring kong kapatid ay si Divine, noong grade 6 halos magselos pa ako kapag may kausap siyang iba. Sobrang naattached na ata ako sa kanya noon, pero nagbago ang lahat noong magjunior high, nag aral siya sa private at ako nama'y sa public. Saklap diba? Syempre, nalungkot ako. Back to loner ang lola niyo. Grade 6 pa yun, huling tao na pinagkatiwalaan at minahal ko ng husto bilang isang kaibigan at kapatid. Ano na ba ako ngayon? Senior high na ako ngayon at hanggang ngayon hindi ko pa ulit nararanasan na pagkatiwalaan ang isang tao ng lubos. Mabuting kaibigan si Kelly, pero alam kong mapang-mata din siya, parehas lang sila ng society. Kahit hindi niya sabihin sa akin, i know that she's judging me. That's why i always keep my mouth shut. Hindi na ako nagkekwento pa para mapahaba ang usapan, is it because of my teeth? Baka nga, ano pa bang flaws and imperfections ko ang gustong makita ng society para masatisfy silang lahat sa panlalait sakin? Ang swerte ng ibang tao, they dont have to worry about their physical appearance. Nagmumukha na ba akong insekyurista? Well, its all part of ourselves, hindi talaga yan maiiwasan. Sa lahat ng bagay, may isang tao pa rin na talagang mas makahihigit pa sayo. Napapansin ko kay Kelly, mahilig niyang ipagmalaki ang lahat ng bagay. Proud na proud siya sa bawat kwento niya, masaya naman siya kausap pero hindi talaga ako kumportable sa kanya. Mas gusto ko mapag isa, hindi kami nakapasok sa school kasi whole day kaming pumunta sa probinsya para lang magdistribute ng questionnaires at pasagutan sa mga respondents. Ugh, nakakapagod talaga. Kung ayaw niyo sakin, sabihin niyo na kaagad. Hindi yung nakikipagplastikan pa kayo at ijujudge niyo pa ako. Pagod na rin ako, sobra. Kung alam niyo lang, physically, mentally, and emotionally speaking..... sobrang nakakapagod na. The best part ay yung tumayo lang kami sa bus, hahaha, naenjoy ko yun kahit na halos matumba na kami doon. Akala ko pa hinipuan ako doon sa bus, pagkalingon ko yung lola pala niyayaya ako umupo. Natouch naman ako, sabi ko ok lang ako, nakakahiya naman kung makikisiksik ako sa upuan nila eh puno na nga sila doon diba. Syempre kelangan ko rin magparaya, nakakahiya naman. Tapos naawa ako sa aso sa isang karinderya, pinakain ko ng spaghetti, wala lang. Kawawa siya eh, inisip ko na lang kung ako naging aso baka katulad niya rin ako na palaboy laboy sa kalsada at basang basa sa ulan. Nung nagmulticab naman ako sa bayan, akala ko hindi na ako babaryahan nung driver. dahil na naman ba sa issue na pangit ako? Yun ba yun? Hindi ko na sana kukunin ang barya pero pagkababa ko saka pinaabot sakin ang barya. Maiinis na sana ako pero hindi na ako nagalit kasi kahit papaano hinabol sakin ang barya. So ayun, nakauwi nako mga 4 something na ng hapon. Hanggang ngayon ay may sakit pa rin ako, nakakainis lang kasi sobrang daming gagawin sa school. Sobrang haggard na ako, mas lalong lumalaki ang baby eyebags ko. Nakakainis, mukha na akong laspag na zombie na ang ngipin ay kudkuran ng niyog. Tapos ang buhok ko ay parang steel wool! Wow sa tigas! -_- asar eh.
xoxo,
UglyDamselinDistress Aug/8/2018
YOU ARE READING
Diary ni UglyDamselinDistress
RandomWala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang mahalaga nagpapakatotoo ako sa sarili ko.