August 13, 2018
Nakakainggit, yung kaibigan mong maraming kaibigan at tampulan ng atensyon dahil maganda. Samantalang ako, nagiging kaibigan niya lang kapag may kailangan siya.
Ramdam ko naman yun eh, ramdam kong jinujudge niya rin ako kapag magkaharap at magkausap kaming dalawa. Ayoko sa lahat yung niloloko ako, sasabihing ang ganda mo pero ang totoo ang pangit mo. Siguro naaawa lang sa akin kaya ganun. Ayoko ng lokohan. Kung napapangitan ka sakin, sabihin mo na lang hindi yung makikipagplastikan ka pa at bobolahin ako ng kung ano ano.
Alam ko namang may kailangan ka sakin. Sabihin mo agad hindi yung makikipagbolahan ka pa, pinapaikot mo lang ako pero sorry, advance ako mag isip *winks*
Kapag nakakaawa ka, kaaawaan ka. Pero kapag pangit ka, lalaitin ka pa. Ganyna ang mga tao sa society kahit na sabihin niyong hindi kayo ganyan,lahat tayo ganyan aminin man natin o hindi. Pagod na akong laitin ng ibang tao, nung nakaraang araw ay may babaeng tumingin sakin at halata sa buka ng bibig niya ang katagang 'pangit' nung pumunta kami sa Jacana nakaraan, ganun din. Yung kaibigan kong si Kelly, nakatingin sakin at narinig ko ang pagsabi niya ng 'pangit' habang nakatingin sa akin. Masaya na kayo? Sana kuntento na kayo sa lahat ng mga panlalait niyo at pagsabi ng kung ano ano sakin. Di bale sa susunod na mga araw mas gagagalingan ko pa ang pagiging pangit ko. Don't worry guys! Mas ipupush ko pa ang pagiging pangit at katawa-tawa na pagmumukha ko sa inyong lahat kung dyan kayo sasaya.
Hindi niyo ba naisip na hindi ko naman hinangad 'to? Ang gusto ko lang naman ay normal na buhay. Normal na buhay na may normal na mukha, yung tipong hindi napapansin ng society at mas lalong hindi nalalait ng society. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang tulad ko? Wala diba? Gumagawa ako ngayon ng research paper, inasa na naman sakin lahat. Napapagod na ako, naiisip ko, bakit yung mga classmates ko kahit nagpupuyat maganda pa rin? Samantalang ako, konting puyat at konting babad lang sa computer o cellphone ay lumalaki agad ang eyebags? Ano ba ang problema sa akin? Naging mabuti naman akong anak at kaibigan pero parang hindi pa rin sapat? Wala naman akong kasalanan sa inyo pero bakit ang galing niyong magjudge? Ngayong araw nato hindi ako nakasimba dahil nakakagat ang aso kong si potpot ng bata, problemado ako kung anong gagawin ko. Baka ma-ano yung bata eh pero gasgas lang ng ngipin ang naka-ano sa bata. Hindi naman dumugo, pero kelangan pa rin yun paduguin baka masiraan siya ng bait.
Ang O.A ko ba? Yung kapangitan ko binibig deal ko? Nah, sanay na rin ako. Nilalagay ko lang dito para atleast tandang tanda ko kung ilang beses ako nalalait ng society sa loob ng isang taon. XD
Pakiramdam ko babagsak na ako, hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Katanga ko kasi, kasalanan ng katangahan ko. Kasalanan ko lahat kung bat ako babagsak sa isang subject. Kasi nga nazero ko yung online exam, naapakan yung plug ng laptop eh sira na ang battery tapos namatay ang laptop. Eh nagstart na pala ang quiz sa edmodo, pagonline ko ulit tapos na ang quiz at wala man lang akong nasagutan kahit na isa. 30 items pa naman ang pucha, zero talaga ako. As in, itlog. Nung sinabi ko yun kay kelly, alam ko namang natuwa siya. Ramdam kong hindi niya ako dinadamayan nung mga panahon na yun, ramdam kong masaya pa siya na nakazero ako. Nahahalata ko ang nararamdaman niya, kunwari cinocomfort sabay sabi niya na, 'perfect mo sana yun, sayang'. Ewan ko pero pakiramdam ko at nararamdaman kong masaya siya na nazero ako sa subject na ICT. Nakakainis lang, wala na akong balak na bumawi pa. Para saan pa? Eh tanggap ko na ang kapalaran ko na babagsak ako.
Pero hindi ko maatim kung mamumura ako ng mga magulang ko, siguro isusurrender ko na lang sa kanila ang phone ko at laptop kung kinakailangan. At tanggap ko nang igaground nila ako, tignan na lang natin kung anong mangyayari kapag bigayan na ng grades. Hindi na ako babawi pa kasi kahit na bumawi ako, zero pa rin yung quiz ko na yun at kahit na sabihin ko pa kay sir ay wala siyang pakialam. Alam ko ang ugali ni sir, baka snobbin niya lang ako o pagsabihan na hindi niya kasalanan kung bat nazero ako sa quiz at isa pa, given na take home quiz yun, nazero ko pa! Sino ang tanga? Edi ako.
Sa totoong buhay, mabait si kelly at palakwento. Pero ramdam ko na kapag ako yung kasama niya, kahit na partners kami sa kalokohan. ramdam ko naman na jinujudge niya ako at hindi maiwasan ang inggitan. Yung isa ko pang kaibigan dati na si Cathlyn, ayoko sa kanya sa totoo lang. Tinuturing niya akong kakompetensya sa lahat ng bagay, pakiramdam ko ngayong taon, nagwagi na siya. Sa lahat ng exam, quizzes at activities ay kinukumpara niya ang score niya sakin. Gusto niya ako mataasan pa, samantalang sakin wala lang yun. Kaya ilang beses na nangyari, nung absent ako at tinatanong ko sa kanya kung ano yung mga ginawa nung absent ako. Hindi niya sinasabi ang totoo minsan. Minsan nga sabi niya, wala naman ginawa. Pero kapag nagtanong ako sa ibang kaklase, sabi nila nagquiz sa ganito, may assignment na ganyan, may project sa subject nato. Nakakainis yung ganung kaibigan, tinuring niya kasi ako na rival o competitor sa lahat ng bagay eh hindi ko naman siya tinuturing na ganun. Tapos nung nakaraan, pinagkaisahan niya naman kami ni Kelly. SI Cathlyn kasi may pagka-selfish atsaka sobrang yung self reservation niya kuno. Eh absent kami ni Kelly kasi nga inasikaso namin yung research, tapos nung pumasok kami, hindi man lang kami in-inform ni cathlyn na may gagawin palang interview sa isang subject. Ayun, kinahapunan nagmamadali kami mag encode samantalang si Cathlyn nung umagang yun naka encode na pala. Sabi niya pa samin, baka next month pa yan isusubmit, basta ilagay niyo lang sa portfolio. Yan pa ang sabi niya samin samantalang siya, busy mag encode at patapos na nga. Ha-ha-ha, para saan pa yung pagkakaibigan namin kung ganyan lang din ang turingan sa isa't isa?
Oo ako inaamin ko, may mga times na selfish din ako. Pero hindi to the point na ganun, sobra na rin kasi yung pagiging selfish niya. Inaamin ko na selfish ako minsan sa pamamagitan ng hindi pagpapakopya kay Kelly, minsan kasi sumusobra na rin siya. Pero hanggang doon lang yun, sobra na rin yung ka-selfish-shan ni cathlyn samin ni Kelly. Speaking of kopya, last time nung nagquiz sa politics. Pinakopya ko si Cathlyn, sinabi ko pa yung sagot sa separation of power samantalang nung ako yung nagtanong sa kanya kung ano yung unicameralism ang sinabi niyang meaning ay yung meaning ng bicameralism. Tapos sabi niya pa, ewan, basta parang ganun yun. Nainis ako kasi mali pa yung binigay niyang sagot sakin samantalang yung binigay ko sa kanyang sagot ay tumpak na tumpak. Ang selfish niya talaga, halatang alam niya naman ang sagot dahil nga tama siya doon. Pero di bale, isang taon na lang din. Next year college na ako at lilipat na ako ng school. Magtitiis at magtyatyaga na lang ako.
Xoxo,
UglyDamselinDistress
YOU ARE READING
Diary ni UglyDamselinDistress
RandomWala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang mahalaga nagpapakatotoo ako sa sarili ko.