Aug/09/2018
Ano ba ang pakiramdam na maging maganda? Nagmumukha na lang talaga akong tanga, "Uy nakakatawa mukha mo sa video." nung una nasaktan ako, pero ngayon hindi na. Napangiti na lang ako habang binabalewala ang mga sinasabi niya. Ang sabihin mo, kahit sa personal nakakatawa talaga ang mukha ko. I should be contented, pero hindi eh. Masakit kasi, yung malait ka ng harap harapan. Sabihan ng masasakit na salita, sabihan ka na 'pangit' kahit hindi mo naman sila kakilala. Alam mo naman na dapat hindi ka nasasaktan pero wala kang magawa kasi iba't ibang tao na ang nagsasabi sa iba't ibang panahon. Hindi na dapat ako masaktan, masanay na dapat ako sa sasabihin ng iba. Pero nandoon pa rin yung kirot at hapdi, hindi physically kundi emotionally. Nawawalan ako ng self confidence and at the same time, nawawalan na ako ng gana sa mundo. Pakiramdam ko ayaw sa akin ng lahat ng tao kaya nagkakaroon ng hatred sa puso ko. Pakiramdam ko hindi nila ako gusto kaya gaganti ako. Pero mali, mali na magtanim ng sama ng loob sa kapwa. Alam ko naman yun pero hindi ko talaga maiwasang magalit, ako na lang lagi ang nagpaparaya. Pakiramdam ko masyado na akong mabait sa ibang tao. Samantalang hinahayaan ko lang sila na yurak yurakan ang pagkatao ko. Pakiramdam ko sumobra nako, pati sila sumobra na rin. May takot nga pala ako sa pictures, ewan ko kung bakit pero ayoko sa mga picture takings. Maliban na lang kung kailangan talaga, kahit na noong maliit pa lang ako takot na talaga ako. Ayoko lang talaga makita ang mukha ko, matagal ko nang tanggap ang itsura ko pero ayoko talaga sa mga pictures. Hindi ako ngumingiti o ano. Wala lang akong kibo, naaasar ako kapag kinukuhaan akong pictures. Siguro dahil ayoko sa sarili ko, naaawa ako sa sarili ko sa tuwing naririnig ko na lang na sinasabihan ako ng 'pangit', nag iisip na lang ako ng mga bagay na mas malala pa sa sitwasyon ko. Pero naisip ko rin, na kung sana matino ang mukha ko hindi ako lalaitin ng iba. Nga pala, ang swerte ng mga kaklase ko hindi nila nararanasan ito. Sa edad na 17, ano kaya ang pakiramdam ng may manliligaw at syota? Ano kaya yung pakiramdam na may sumusuyo sayo at lumalambing makuha lang ang matamis mong oo? Ewan ko, wala nakong pakialam sa mga bagay na yan. Ang nararanasan ko lang kasi ay yung kilig sa tuwing nagkekwento si kelly sakin tungkol sa lovelife niya, sa manliligaw niya, sa mga nagkakagusto sa kanya, sa campus crush na napansin siya, nakakakilig ang kaibigan ko. Natutuwa ako sa mga kwento niya, nakakaaliw. Masaya ako para sa kanya, pero sana wag niyo ako ikumpara sa kanya. Magkaibang magkaiba kami, sobra. Alam ko naman na sa tuwing kasama ko siya ay may panlalait din sa mga mata niya habang nakatingin sakin, tanggap ko yun. Sobrang tanggap, mabait naman siya pero alam ko namang nakipagkaibigan lang siya sakin dahil gusto niyang tumino sa pag aaral this year. Matino kasi akong estudyante, pero ngayon ayoko na. Hindi na muna, lalo na noong nawalan ako ng gana kasi nazero ko yung online quiz namin. Ewan ko ba, tinopak ako ng kagaguhan at hindi ko nasagutan lahat. Alam ko naman yung sagot, ang problema hindi ko alam na nagstart na pala yung quiz at naka on ang timer. Pagbalik ko sa phone ko, wala na finish na. tapos na yung quiz at ang result ng quiz ko ay zero, as in itlog. Ang bobo ko talaga, naaasar na lang ako sa sarili ko. Nag away kami kanina ng librarian, pinapaalis niya kasi ako sa tambayan ko sa library. Doon sa dulo ng library sa may bintana banda, tanaw kasi doon ang buong view. Pakiramdam ko yun yung comfort zone ko, tapos ayun sinagot ko rin siya. Nag away kami, umalis ako saglit tapos bumalik rin ako doon at umupo na naman sa dulo ng library. Bad trip na bad trip ako ng umagang yun, sobra. Pakiramdam ko babagsak na ako, ang bobo ko na nga, ang pangit ko pa. Bat ba napaka unfair ng mundo? Ng dahil sa mga nangyayari sa akin, yun din ang dahilan kung bat hindi ako namamansin. Nakakatawa diba, pinipili ko lang kasi ang kaibigan ko. Ayoko kasing majudge, nadala na ako. Ayoko sa pictures, ayoko rin kapag pinapakilala ako sa ibang tao, ayoko sa mga crowded places, at hindi ako namamansin. Siguro dahil nga sa past experiences ko, tandang tanda ko pa naman noong bata pa ako na masiyahin ako, papansin, at maingay. Pero habang lumalaki ako, nagbago ako. At gusto ko yung pagbabago ko kasi tanggap ko kung sino ako. Siguro balang araw masasanay din ako, magiging manhid din ako sa sasabihin ng ibang mga tao.
Nga pala kanina sa canteen nasaraduhan ako, ako kasi ang pinakauna magrecess tapos nakita ko si Alvin na nakatingin sakin, kinilig ako syempre kasi siya yung campus crush sa senior highschool at matalino pa. Pero naalala ko, pangit pala ako kaya imposibleng ako yung tinignan niya.
Minsan ksi mahirap mag assume, lalo na kung sobra na. Kasi sa huli, baka masaktan ka.
Xoxo,
UglyDamselinDistress Aug/9/18
YOU ARE READING
Diary ni UglyDamselinDistress
RandomWala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao, ang mahalaga nagpapakatotoo ako sa sarili ko.