August 16, 2018

1 0 0
                                    

August 16, 2018


Sobrang daming gagawin, tambak ng requirements, projects, assignments at ang pinakakinatatakutang exam. Of course, maghahanda ako pero hindi ko alam kung talaga bang sisipagin akong magreview sa mga susunod na araw. Wala ako sa mood, wala akong gana. Tinatamad ako lalo na at yung mga teacher niyo ay panay ang bigay ng mga ipapagawa sa inyo, video, roleplay, reaction paper at kung ano ano pa. Ediwao, ginawa niyo na kaming mga robot, napapagod din kami. For your information, may katawan kami at tao kami. May pakiramdam din kami at marunong din kaming mapagod. Malapit na nga ang exam saka niyo pa kami tinatambakan ng sandamakmak na mga paper works. Seryoso? Nasaan ang hustisya? Dapat pinagawa niyo samin lahat ng iyan, bago mag exam hindi yung ngayong malapit na ang exam ay tinatambakan niyo rin kami. Wala nang papasok sa ulo ko kung mas uunahin ko yang mga pinapagawa niyong mga proyekto at kung ano ano pang mga kaeklabuhan. Isa sa mga narealize ko ngayon, kapag hindi ka maganda, madalas para sa ibang tao nagmumukha kang tanga. Hindi ka priority, wala kang puwang sa society, they will treat you na parang isa ka lamang speck of dust. Kapag maganda ka, bibigyan ka ng atensyon lalo na ng mga kamag anak mo, tatratuhin kang spesyal. Masaya ang pakikitungo sayo ng iba at mabait sila sayo. Sobrang bait nila sayo. Pero kapag pangit ka, punyeta, kahit yung tindera dyan kung minsan susungitan ka pa at kung makatingin ay punyetang punyeta sa mukha mo. Kapag pangit ka walang papansin sayo and that's a good thing, kapag nagkaroon ng gang rape aba! Makakaligtas ka prend! Clap-clap! Kidding aside, pero pilitin mo mang maging normal, yung pagtingin nila sayo hindi pa rin normal. :"(

Xoxo,

UglyDamselinDistress


P.s: Late ko na napost walang internet connection sa bahay -_-

Diary ni UglyDamselinDistressWhere stories live. Discover now