🤴 Episode 4 👸

647 10 0
                                    




On the next day, may branded na Black Sneakers ang nilagay sa locker ni Ashley.  Napakamot na naman siya ng ulo saka napatingin sa paligid. Si Lance, si Alan, si Gent, si Reid, si Chad, ang nandito sa Boys. Kapwa itong mga busy sa mga ginagawa.

Sino kaya sakanila ang naglagay ng sneakers dito?!  Branded pa talaga, ang mahal kaya ng sapatos na ito? My gaadddd si Gent kaya? Diba siya yung pinaka Rk ? Ang hirap naman manghula! Hindi naman pwedeng si Icen ,baka nakokonsensya siya sa ginawa niya sa sapatos ko? Ayst! Imposible! Eyy sinooooo???!!!

Binasa niya ng mahina yung naka sulat sa sticky note.

** Hope you like it, P'Ash 🙏😊 **



" HOYYY! "

" Ayyy!!! Kaloka ka Shy! Akala ko kung sino! Ikaw lang pala! "

" Oyyy, ang ganda naman ng sneakers na Yan---- "
Tinakpan Niya bibig nito.

" Wag kang maingay... May naglagay na naman sa locker ko. At this time, sapatos naman. "

" Uhmmmm... Baka naman pinalitan ni Icen yung sapatos mo, "

" Tsk, he won't do that. "







******************************






Nakasabay ni Ashley si Icen sa Bus Station. Habang naghihintay Sila, nilapitan niya ito at tinanong tungkol sa sapatos.

" Jutay, may itatanong lang sana ako sayo. "

Hindi siya nito pinansin, sa halip ay nagsuot ito ng headphones at pinalakasan Ang volume kaya naman rinig na rinig na niya ang kantang Sana ay mahalin mo rin ako by April Boy .

Tingnan mo nga naman, makaluma din pala ang taong ito!! Sooo, pareho pala kaming OPM Lover.
But it doesn't matter, i still hate him. 😠😒


Dumating na yung Bus at sumakay Na sila kasama ang iba pang mga pasahero. Kaso naunahan sila sa upuan kaya naman standing ovation sila pati na yung mga ibang commuters.


Habang nasa byahe na ay napapansin ni Icen ang lalaking nakatitig sa Pwetan ni Ashley. Bigla siyang nakaramdam ng init ng ulo. Kahit inis na inis siya sa dalaga ay hindi niya paring hahayaang mabastos ito.

Pumwesto siya sa likuran ni Ashley para takpan ang pwetan nito na pinagnanasaan ng manyakis na lalaki. Gusto niya na sana itong jumbagin, Pero pinipigil niya lang ang sarili.

" Hoy, Bata, umalis ka nga dyan marami naman pwesto sakabila ah, bakit dyan kapa sumisiksik?! "

Naiinis na wika ng lalaki.

Tiningnan niya ito ng masama.

" Anong paki mo ha?! Ey sa ayokong mabastos ang Girlfriend ko,!  "

Singhal niya dito kaya napatingin ang ibang pasahero sa kanila pati na si Ashley na ngayoy nakalingon sakanya na Waring naguguluhan.

" Aba, wag mo akong masinghal singhalan ha!! "

" Bababa Kaba o hindi?! Hindi mo ba ako kilala?! Anak ako ng Mafia Boss, kaya kung ayaw mo pang mapaaga sa hukay, bumaba kana dito!!! "

Among the Seven HearthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon