Siya si Calla Chuchi Catapang 25 taong gulang at sa haba ng pangalan niya hindi na mabanggit ng buo at naging "Chuchay" na lang.
Ipinanganak siya sa kalye na puno ng tanim ng kalatsutsi na amoy patay.
Kung bakit naman kasi ang nanay niya duon pa siya ipinanaganak kahit sa kulungan na lang sana ng mga hayop pwede na para katulad siya ni Papa Jesus na pinanganak duon.Hay kung hindi naman kasi tanga itong ina niya na iniwanan ang ama niyang gago sa lahat ng gago.Di sana sa magandang lugar naman siya pinanganak kaya lang ang tarantado niyang ama pinabayaan din ang ina niya na umalis nuon na kahit buntis na at manganganak pa.
Kaya tuloy sa kalye na amoy patay pa.
Kung hindi pa sila nadaanan ng isang trysikel at nadala sa isang klinik baka natigok na rin siya mabuti na lang at kaagad silang nagamot kaya hito buhay na buhay ang kagandahan niya.Nang makalabas sila ng klinikang iyun ay napadpad sila sa isang abandonadong bahay na tagpi-tagpi at wala nang nakatira duon sila tumira ng halos 5 taon din bago nangupahan na hangang ngaun tinitirhan pa rin niya.
At ang mahal na reynang ina niya ayun nasa heavens delight na at nakipag apiran sa mga anghel.
10 taong gulang siya ng mamatay ito simula ng lumaki siya hindi man lang nagpakita ang tarantadong ama niya na may mga magulang na mukhang mga pera.Kulang na lang ipalagay sa pagmumukha nila ang mukha ng pera.
Pinabayaan talaga siya ng ama niyang gago at sumama pa sa kabit nitong gustong-gusto ng mga mukhang barya na mga magulang.Kaya silang mag ina isang kahig isang tuka.Namatay tuloy ang ina niya sa paglalaba para mabuhay silang dalawa.
Naalala pa niyang humingi siya ng tulong dito para sa mahal na reyna niyang ina binigyan lang siya nito ng limandaang piso lang at wala daw itong pera..Paano naman ito mawawalan ng pera kung isa ito sa mga mayayamang tao sa pilipinas.
Pinahabol pa siya ng asawa nito sa aso na muntikan na niyang ikamatay din ng kinagat siya nito sa binti.Tinitingnan lang siya nito na nilalapa ng aso at para itong demonyo na tumatawa.
Kung hindi pa siya natulungan ng isang security guard ay baka kasama na siya ng mahal na reyna kalaro ang mga anghel sa heavens delight.
Kaya sinusumpa niya ang ama at asawa nitong mga mukhang pera kasama pati magulang nito.At yung may ari ng hospital na pinagdalhan sa ina niya na hindi man lang tinanggap dahil wala silang pera.Kaya namatay itong hindi man lang nagamot at nakahiga sa labas ng ospital sa pag aantay na baka maawa ang mga ito at papasukin sila para gamutin ang inang reyna niya ngunit wala dinaan daanan lang sila hangang mawalan ng hininga ang ina niya.
Galit na galit siya sa mga mayayaman na yan pera lang ang sinasamba ng mga ito.Ilang beses na ba siyang pinahiya ng mga ito ng minsan ay nasagi niya lang ito sa isang daanan at halos ipakaladkad siya dahil nadumihan ang damit nito sa dala-dala niyang mga basura na hinalungkat niya sa basurahan para ebenta.
Pati ang mga kaklase niya na kung laitin siya ay sobra dahil sa luma niyang damit.Nakapasok lang naman siya duon dahil sa scholar na binigay ng baranggay nila para makapag aral siya.
Araw-araw iba-ibang pambubully ang natitikman niya binabato pa siya ng kung ano-ano na lang ngunit hindi siya lumaban alam naman niyang wala siyang laban sa mga ito.Siya lang din ang kawawa kaya pinabayaan niya ito nahinto lamang siya ng mamatay ang ina niya.
Napagpatuloy lang niya ito ng kumuha siya ng isang exam at nakapasa para maipagpatuloy ang high school hanggang sa makatapos siya.Hindi na siya nakatungtong ng college dahil hindi na niya kayanin pa ang pag aralin ang sarili.
Kulang na kulang ang kinikita niya sa mga raket na kasama ang kapitbahay niyang naging matalik na kaibigan.
Magsusumikap siyang mabuti para yumaman para hindi siya apihin ng mga mayayamang mukhang mga pera ang mukha lalo na ang ama at pamilya nito.
Galit siya dito kaya gusto niyang yumaman para ipamukha sa mga ito na kaya niyang magsumikap at makamit ang lahat ng gusto niya.
Pati na ang mga mayayaman na umapi sa kanya nuon lahat sila mga mukhang pera.Babalikan niya ang lahat ng umapi sa kanya.Lalo na ang bruhang demonya na asawa ng ama niya.
Nakapangalumbaba siya sa harap ng bahay niyang tagpi-tagpi.Ilang araw nang wala siyang raket na nakuha pati ang kaibigan niya wala din.Kaya ito siya nakaupo at nag iisip kung ano ang gagawin mauubos ang ipon niya.
Nag aantay siya ng himala na sana bigyan siya at magkaraket kaya nakatingala siya sa langit at nagdadasal ngunit ang nakikita niya ay puro bubong na lang na butas at hindi langit.
"Hoy ano ba nangyari sayo at nakatingala ka jan" ginulat siya nito hindi man lang niya naramdaman na lumapit ito sa kanya.
"Ikaw pala mamu!anong balita?
ang baklang may hawak sa kanila ng kaibigan at nagbibigay sa kanila ng raket."May raket tayo bukas may shooting duon sa kabilang barangay, kailangan nila ng extra ang gagawin niyo lang ay magsuot ng high school uniform kunyari kayo ang mga kaklase nung artista ok lang ba sayo 350 ang bayad sa extra" pagbabalita nito.
Alam niyang mataas ang bayad dito ngunit ganun lang ang binibigay sa kanila.Ok lang yun atleast hindi sila nawawalan ng matagal na raket.
"Cge po mamu ok na yun ilang araw na rin na wala kaming raket ni Bakla"pagtango niya dito ilang araw na rin niyang panggastos yun ngaun pa na nag iipon siya para pambayad sa upa niya sa bahay at madagdagan ang ipon niya gusto niyang mag aral sa gabi at makatapos ng pag aaral para ipamukha sa mga mukhang barya.
"Bukas ha,maaga tayo daanan ko nlg kayo ni Carley para sabay na tayong pumunta duon okaw na rin magsabi sa baklang iyon" bilin pa nito bago umalis.
"Opo ako nang bahalang magsabi sa kanya tyak matutuwa yun,maraming salamat po".kaway niya dito ng umalis na.
Pupuntahan na niya ang baklang kaibigan para sabihin na may raket na naman silang dalawa.Hindi pa niya ito nakikita mula kaninang umaga na naging himala yata walang araw na hindi ito pumupunta sa kanya.
Ilang bahay lang ang layo ng tinitirhan niya sa bahay nito kaya nakapagtataka na hindi ito naligaw sa kanya.
Kumatok siya agad ng tumapat sa bahay nito,bumungad sa kanya ang mukha nitong punong puno ng pasa at namamaga ang labi at may pasa sa kabilang mata nito.
"Sistah anong nangyari sayo at bakit ganyan ang mukha mo?gulat niyang sabi ng makita ito.
"Wala ito sistah,halika pasok ka? sabay hila sa kanya papasok.
"Naku ako pa ba pinagloloko mo sistah,binugbog ka na naman ng gago mong jowa na yun ano? matapang niyang saad. "Umamin ka sistah?
"Oo na,eh pano kasi wala akong perang binigay dito ng humingi ito sakin ayun nabugbog ako kinuha pa ang perang natira sakin pambili ng pagkain ko" matamlay nitong sabi.
"Iwanan muna nga yang lalaki mo wala ka talagang kadala-dala jan ilang beses ka naba nabugbog ng lalaking iyun".
"Sistah naman ito na nga lang ang kaligayahan ko eh ipagkait mo pa sakin wag naman magbabago din yun",giit nito.
"Kaligayahan ba yan sistah,nakikita mo ba ang mukha mo ngaun ha,naku makita ko lang yang lalaking yun naku tatamaan sakin yun eh" nangagalaiti niyang sabi dito.
Nagagalit talaga siya sa mga taong mapagsamantala sa mga walang kalaban laban.Kaya siya wag lang maapakan at lalaban talaga siya.
"Bukas may raket tayo mag extra daw sa isang shooting kaya ayusin mo yang mukha mo at palayasin yung lalaking walang hiya uwi na ko" bilin niya dito na ikinanguso lang nito sa sinabi niya.
Naku kaya ayaw niyang magka jowa ng mga ganyang lalaki kawawa lang siya ayaw niyang mangyari na mabugbog rin,siya ang mambugbog siguraduhin niya yun Catapang yata siya at pinalaki ng ina na maging matapang wag magpa api sa kahit sino man.
BINABASA MO ANG
PRICE PARKER PHILIP POLL
Ficção GeralHe owns the P4 Cars and Distributor,he sells expensive cars which he likes the most too.He has 10 most expensive of it. His a Perfectionist he dont want to see any scratch on his Cars. He likes to bed beautiful woman.But afraid of commitments.Every...