Pumasok ang sinasakyan nila sa isang magarang bahay na halos ikinaluwa pa ng mga mata niya sa sobrang laki nito at ganda.Namamangha talaga siya mas maganda pa ito sa bahay na pinagtrabahuan niya.Halos hindi na kumukurap ang mga mata niya sa paghanga dito.
"Bahay mo to Poorpes?"nabigla niyang sabi dito na ikinalingon din nito sa kanya.
"Yeah" maikli nitong sagot na sinabayan ng kibit balikat nito.
Inismiran niya ito at inirapan ng mata.
"You like my house? bigla nitong sabi.
"'Hindi, ang panget nga parang haunted house lang," paismid niyang sabi.Kahit na sobra siyang nagagandahan sa bahay nito ayaw niyang sabihin dito baka lalo lang lumaki ang ulo nito galit siya dito.
"Damn,your just the first one who says that,anyway i dont mind" baliwala din nitong sabi.
Huminto ang sasakyan nito sa isang magarang pintuan kaagad din itong bumaba at iniwan siya sa loob ng sasakyan.Nakatanga lang siya dito habang naglalakad ito patungong pintuan.
"You dont want to go inside? lingon nito sa kanya.
"Hindi! dito lang ako" sagot niya dito at humalukipkip pa sa gilid ng pintuan.
"Ok,as you want! sabay talikod nito sa kanya at pumasok sa loob ng mabuksan nito ang pintuan.
"Kapal ng mukha di man lang siya pinilit" bubulong-bulong niyang sabi.
Lumabas siya ng kotse nito at lumapit sa may lintuan banda,dahan-dahan siyang naglalakad para hindi nakalikha ng ingay ang mga yapak niya,sisilip lang siya muna kung ano ang nasa loob."Ano kaba Chuchay,shunga lang syempre bahay yan malamang mga gamit sa loob"saway niya sa sarili.
Pasimple siyang sumilip sa nakaawang na pintuan,ng bigla itong lumingon at nakita siya..Ang lapad ng ngisi nitong humarap sa kanya.
"Feel free to roam around,your room is at the second floor beside mine"anito pa saka tinalikuran siya nito.
"Hmmp! Ismid niya dito bakit kailangan pang katabi niya ng kwarto ito.
Pumasok na rin siya at palinga-linga sa loob.Hanggang makarating siya ng kusina nito na.ikinalaki ng kanyang mga mata.
Halos gabundok ang hugasan sa lababo at puno ng kung ano-anong kalat ang lamesa nito na kung gaano man ito kalaki at lapad halos natabunan na ito ng kalat at wala man lang ispasyong makikita.
Pailing-iling siya,masyado naman itong makalat na tao.Inumpisahan na lang niya itong iligpit naghanap siya ng malaking plastik para ilagay ito lahat.
"Il go for a while do what ever you want here" bigla nitong sabi sa likuran niya na ikinaiktad niya sa pagkagulat.
"Lintek kang Poorpes ka ginulat mo pa ako,lumayas kana kung lalayas ka"taboy niya dito wala siyang pakialam kung bahay man nito at nakikitira lamang siya.
"There are foods in the freezer just cook what you like? malamig nitong sabi sa kanya saka tumalikod na.
"Tse! Paingos niyang sabi ng tumalikod na ito sa kanya.Kaya inumpisahan niya ulit na magligpit ng mga kalat nito.
Pagod na pagod siya ng matapos na naglinis na rin siya ng buong bahay nito ang tanging kwarto lang nito ang hindi niya napasok.Dadalawa lang pala ang kwarto nito maliban sa isang punong puno ng mga libro.
Nilinis na rin niya ang kwartong tutuluyan niya para mamaya matutulog na lamang siya.
Mag aalas 8 na pala ng mapansin niya ang orasan kaya pala tumutunog na ang mga alaga niya sa tiyan.Nagluto muna siya at kumain ng makatapos niyang iligpit umakyat na rin siya sa taas at naligo bago matulog.
BINABASA MO ANG
PRICE PARKER PHILIP POLL
Fiksi UmumHe owns the P4 Cars and Distributor,he sells expensive cars which he likes the most too.He has 10 most expensive of it. His a Perfectionist he dont want to see any scratch on his Cars. He likes to bed beautiful woman.But afraid of commitments.Every...