Inis na inis siya sa kapatid ng artistang si Cash Poll,walang modo sukat ba naman ipahiya ang kapatid na kaharap niya.Bakit naman kasi siya pa ang naging guro nito kunyari eh ang sabi sa kanya ni mamu estudyante rin siya pero pagdating kanina pinasuot na sa kanya ang damit ng isang guro."Ang mga mayayaman talaga mayayabang na nga grabe pa ang tayog ng ihi" bubulong-bulong niya.
"Miss Calla pasensiya kana sa kuya ko kanina ha,suplado talaga yun at thankful ako kasi ikaw lang ang nakagawa sa kanyang sagutin ito salamat ha!"pakumbaba ng dalaga sa kanya,buti pa ito mukhang mabait galit pa naman siya sa mga mayayamang masama ang ugali at kasama na duon ang kapatid nito.
"Naku wala yun,mayabang lang talaga ang kuya mong iyun kaya dapat lang sa kanya minsan barahin din" matapang niyang sagot dito.
"Tsk,tsk kuya Price may pantapat na ako sayo" mahinang sambit nito na umabot pa rin sa pandinig niya."You know Miss Chuchay i like you na talaga" tili nito na ikinagulat niya pa.
May ibang katauhan din pala ang batang ito pero natutuwa siya dito hindi ito matapobre katulad sa ibang kasamahan nitong artista na halos nandidiri sa kanilang mga extra lamang.
"Teka lang ano pala pangalan nung kuya mo kasi ang sayo Cash eh yung sa kanya? Curious niyang tanong dito.
"Si kuya Price Parker Philip Poll ang haba no! Kaya nga ang ibang friend nun si Presyo ang tawag dun" wika nito.
"Alam mo may tawag jan eh,mahabang nguso niyang sabi nakikinig din ito sa kanya at mukhang interesado din aa itatawag niya.
Humahagikhik na ito wala pa man siyang sinasabi "Ano na dali" ingos na nito.
"Hmm! Kunyari nag iisip siya.Kaya sinimangutan siya nito."mas maganda itawag dun sa kuya mo si Poorpes"
Tumawa ito ng todo sa kanya nang marinig nito ang sinabi niyang itawag sa kuya nito.Ngunit bigla din itong nagseryoso sa kanyang tumingin.
"I like you so much now Miss Calla,do you have work? seryoso itong nagtanong sa kanya.
"Wala eh,ito pa extra2 lang bakit may ibibigay kabang trabaho sakin? usisa na rin niya dito.
"Yeah,gusto kitang kasama sa lahat ng shooting ko kung ok lang sayo sasahuran din kita" saad nito.
"Talaga,bibigyan mo ako ng trabaho,kaya lang may kinakapatid kasi akong bakla na na wala ding trabaho baka pwede kasama din siya?
"Yeah sure!
"Wow talaga,thank you Cash! masayang masaya siya na bibigyan sila ng kaibigan ng trabaho."Pero paano kami magwowork sayo?
"I call you everytime i have a shooting pupuntahan niyo na lang ako sa location and then if i dont have a work magtatrabaho kayo sa cakeshop ng mommy ko akong bahala sa inyo" panigurado nitong sabi sa kanya.
Lumulutang siya sa saya na bibigyan siya nito ng magandang trabaho,kasama ang kaibigan niya.Ito na ang pagkakataon niyang makapag aral ulit at matupad ang pangarap niyang maging isang abogada.
"How old are you Miss Calla?
"25 na ako malapit na rin akong maging 26,but i dont celebrate my birthday simula ng mamatay si inang reyna ko" naluluha niyang sambit.
"Really,i thought your they same age with me im 20 ,kaya masyadong oa yang si kuya kung makabantay sakin akala bata pa ako" reklamo nito "Kaya naiinis talaga ako na lagi na lang nakabuntot sakin pag may shooting ako".
"Hayaan mo yang kuya mo manigas sa kayabangan at kasusunod sayo".
"I feel happy kasi may kakampi na ako sa kuya kong bakulaw si yaya tere kasi so quiet" hagikhik nito.
"Ha? Anóng so quiet?
"Kasi si yaya tere hindi yun nagsasalita pípí kasi yun kaya so quiet".na may kasama itong tawa habang nagsasalita.
Malakas din siyang napatawa dito,"anyway you can start your work tomorrow our location is in Makati i call you later" bilin pa nito.
"Eh kasi Miss Cash wala akong celphone" nahihiya niyang saad dito.
"No problem" naghalungkat ito sa bag nito at may kinuhang isang celphone."here used this its yours na no need to pay it theres a sim card already".
Binigyan siya nito ng isang magandang celphone "wag na po makikitext na lang ako sa kaibigan ko" tanggi niya dito at binabalik ito ngunit ayaw na rin nitong kuhanin.
"Ok cge wag mong tanggapin babawiin ko rin ang trabahong binigay ko you choose? Nakapamewang na ito sa harapan niya at nakasimangot ang mukha kinuha na lang niya ulit ang binigay nito kesa hindi siya makapagtrabaho mas importante yun kaya tanggapin na niya total binigay naman nito at hindi niya ninakaw.
"Thank you Cash!
"Can i call you Ate Chuchay now? Nakangiti na ulit ito.
"Syempre naman-
"Bakla kanina pa kita hinahanap tinatawag na tayo duon" putol ng kaibigan ng sumingit ito sa usapan nila.
"Bakit daw?
"Mag uumpisa na kaya bakla ang shóoting kaya tara na" inakay na siya nito."Cash salamat ulit dito" sigaw pa niya dito na ngumiti sa kanya at kumaway pa.
Mag uumpisa na ang shooting nila wala na siyang masyadong oras para makausap ang dalaga susubukan na lang niya mamaya na etext ito.Nang maalala niyang hindi pala niya nakuha ang number nito.Sana lang tumawag ito sa kanya mamaya para makausap niya sa trabahong binibigay nito.
Excited na siyang makapagtrabaho ng maayos.
"Hoy bakla,kinalabit niya ito na lumingon din sa kanya."Binigyan ako ni Cash ng trabaho at kasama ka dun kaya maghanda kana bukas at mag uumpisa na tayo" bulong niya dito.
Ngunit nagulat siya ng tumili ito ng todo sa harapan niya.
"Hoy bakla pasaway ka,tumigil ka nga ang ingay mo"saway niya dito na tumigil din sa katitili.
"Talaga bakla ang saya lang may trabaho na tayo salamat bakla" mahina na nitong sabi sa kanya.
"Oh sa lahat ng extra jan mag umpisa na tayo" anunsiyo na sa kanila.
"Bakla teka lang ano naman palang trabaho yun? Baka mamaya sa beerhaws yun naku ikaw na lang ayaw kong madungisan ang puri ko para sa mga jowaers ko lang ito" hinampas niya ito.
May lakas lóob pa itong sabihin na madungisan ang puri eh madumi na nga lagi pang nabubogbog."tse never akong magtrabaho sa beerhaws kahit wala akong pera" sinamaan niya ito ng tingin.
"Oo na hindi na basta sure yan ha!
"Ewan ko sayo bahala ka na nga ang kulit mo".iniwanan na niya ito at naglakad na siya papunta sa kwartong pag shootingan nila ng makita naman ang mayabang na lalaking mayabang na si Poorpes.
Liliko na sana siya ng harangan siya nito kaya itinirik niya paikot ang eyebols niya at inirapan ito."Wag kang humarang jan wala pang sahuran ng Poorpes ngaun sa sunod na linggo pa."ismid niya dito.
"Whaat?
"Whaat whaatin mo mukhang tigyawatin" sabay talikod niya dito at binilisan ang lakad na ikinamaang lang nito....
BINABASA MO ANG
PRICE PARKER PHILIP POLL
General FictionHe owns the P4 Cars and Distributor,he sells expensive cars which he likes the most too.He has 10 most expensive of it. His a Perfectionist he dont want to see any scratch on his Cars. He likes to bed beautiful woman.But afraid of commitments.Every...