"kabanata 12"

1.2K 70 0
                                    

Nang makita niyang si Poorpes ang lalaking nakabanggaan nila ng ama ay sobra ang takot niya baka napaano ito sa itsura pa lang nito na puno ng dugo ang mukha at kung paano nawasak ang harapan ng kotse nito.

"Lord wag mo naman pong pabayaan na mamatay si Poorpes kahit masama ang ugali niya" mahinang dasal niya.

"Ok na miss yang mga sugat mo" untag ng isang nurse sa kanya na naglinis ng mga galos niya.

"Salamat po" sagot niya dito.At lumabas na para puntahan ang ama sa emergency room.

Tulala siyang nakatanga sa harapan ng emergency room habang naghihintay sa resulta ng ama,Nang lumabas ang isang doctor kaya kaagad niyang sinalubong at tinanong.

"Doc kamusta po ang tatay ko? nanginginig niyang usisa dito.

"Your father is fine,nagkaruon lang siya ng malaking sugat sa ulo nito ngunit natahi na namin ito,antayin na lang natin na magising siya at kailangan din niyang maobserbahan na rin kung may problema ba ang ulo niya at medyo may pamamaga ito ng kaunti sa loob dahilan na rin ng pagkauntog nito ng malakas,ililipat na rin siya sa kwarto nito antayin mo na lang duon iha,maiwan na muna kita" paalam nito sa kanya na tinapik pa siya ng kaunti sa balikat.

"Salamat po doc!"ok na yung tatay niya kaya nakahinga siya ng maluwag pero hindi pa rin siya kampante,nang maalala niya itanong si Poorpes dito patalokod na ito sa kanya kaya hinabol niya pa ito "doc yung isang pasyente po pala na nakabanggan namin kamusta na?tanong niya dito.

Humarap pa ito sa kanya "His fine he got a lot of bruises on his face at may sugat din ito sa taas ng gilid ng noo nito pero sa awa ng Panginoon his safe,marami lang siyang maliit na sugat sa mukha dahil siguro sa pagkabasag ng harapang salamin ng kotse nito,he will be transfered to his room also,kilala mo ba ito iha? bigla nitong tanong sa kanya,kaya napailing siya ng biglaan dito."hindi po doc".

"Ok,i have to go now!" at deretso itong naglakad palayo sa kanya.

Shes relieved ok na rin si Poorpes kahit masama ang ugali nito."masamang damo talaga matagal mamatay" iiling iling niyang saad sa isip niya.

Nakita niyang bumukas ang pintuan ng emergency room kaya lumapit siya dito ang ama niya ang tulak ng dalawang nurse ililipat na yata ito sa kwartong inilaan dito.Nang maayos na ang ama ay naalala niyang tawagan ang ina at sabihin dito ang nangyari sa kanila ng ama.

Nakiusap muna siyang bantayan sandali ang tatay niya para tawagan ang nanay niya at ipaalam dito na nasa ospital ngaun silang dalawa.

Itinuro din siya ng isang nurse kung saan siya pwede makitawag.Kaya pumunta siya ng nurse station at duon tinawagan ang nanay niya.Kinakabahan siya ng sobra ng sagutin na ang tawag niya.Sana lang hindi ang piranha ang makasagot ngunit laking tuwa niya ng ang ina ang sumagot sa tawag niya.

"Hello nay,si chuchay po ito"nanginginig na boses ang sinagot niya na hindi napigilan.

"Anak ikaw ba ito,asan na kayo ng tatay mo? bakit napatawag ka pa? nagtatakang tanong nito sa kanya.

"Nay,wag po kayo mabibigla pero kasi ano -nay ah," napahikbi na siya ng todo.

"Anak ano ba nangyari at bakit ka umiiyak ang tatay mo? nanginginig na rin ang boses nito sa kabilang linya.

Kaya nilakasan niya ang loob,"nay naaksidente po kasi kami ni tatay kanina habang papunta sa palengke at andito po kami ngaun sa hospital,nay puntahan niyo po kami dito" humahagulgol na siya ng iyak na gayundin ang ina.

"Kamusta ang tatay mo,ano nangyari sa kanya? garalgal na rin ang boses nito.

"Ok na po si tatay,nay" mahinahon na niyang saad dito."antayin kita dito nay".

"Oo pupunta ako jan ngaun anak," hindi na ito nakapagpaalam sa kanya basta nalng nito binaba ang telepono.

Bumalik na siya sa kwarto ng ama para duon na lang antayin ang ina.Halos kalahating oras lang nang dumating ang ina niya at humahangos pa at mugto na mga mata ang nakikita niya dito.

"Nay!,kaagad niyang niyakap ito.

"Nak ang tatay mo?kaagad nitong tanong.Kaya itinuro niya ito na at lumapit duon na todo naman ang iyak,kaya hinimas-himas niya ang likuran nito para umalma lang ang pakiramdam nito.

"Ok na po siya nay,oobserbahan na lang siya ng ilang araw" kalamado niyand saad.

"Diyos ko anak,salamat at hindi kayo napuruhan na dalawa,ikaw wala kabang nararamdaman na kung ano sa katawan mo"na sinuri pa ang katawan niya.

"Nay maliit lang ito na sugat wag po kayo mag alala,malayo ito sa bituka,at si tatay gigising din yan."

"Di ko pa rin maiwasan na hindi mag alala sa inyo ng tatay mo".humihikbi pa nitong saad.

"Nay naman tama na yan,ayan oh mamaya lang gigising na yan at pagagalitan kayo sige ka baka paluin ka pa niyan" pampagaan niya dito na nakita niyang ngumiti ito ng bahagya.

"Ikaw talaga na bata ka,oh siya ako na magbabantay sa tatay mo muna at magpahinga ka na jan,may dala pala akong mga gamit mo,bihisan muna yang mga damit mo at may mga patak ng dugo" sabay abot nito sa kanya ng isang bag.Na kinuha naman niya kaagad dito papalitan na muna niya ang suot,papasok na siya sa banyo ng magsalita ulit ito."Nak  may binigay palang pera ang Doña at panggastos daw natin sinabi ko din sa kanya ang nangyari sa inyo,mabuti naman at hindi nagalit" anito pa.

"Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito buti nalang at hindi ito nagalit hindi naman nila kasalanan at ang may kasalanan eh yung gagong Poorpes na iyon na kung makapaharorut ng kotse nito ay parang pagmamay ari nito ang kalsada.

Naku lang talaga buwisit na yun nadagdagan naman ang kasalanan nito sa kanya.Pasalamat lang ito at hindi sila napuruhan ng todo ng tatay kung may nangyari lang sa tatay niya susugurin talaga niya ito at pagsasakalin na.

Binilisan niya ang pagbihis mejo nahihilo din siya ng kaunti baka sa pagkauntog din niya.Lumabas na siya ng banyo magpapahinga muna siya ng sandali baka mawala din ang pagkahilo niya.

"Nay matulog muna ako ng sandali" paalam niya dito saka nahiga na sa sofang anduon nang tumango ito sa kanya at busy ito sa ginagawang paglalagay ng mga dala nito sa maliit na lamesang anduon.

PRICE PARKER PHILIP POLL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon