Warning Seven

48 7 0
                                    

Joshua's POV

Hindi parin maalis ang ngiti saaking mga labi dahil kaharap ko ang babaeng to. Shit! I really miss this girl! Matagal ko ka rin siyang hindi nakakasama.

"A-ah Josh why are you staring at me like that?" na tawa nalang ako dahil sa sinabi niya. Haha ang cute niya kapag namumula.

Hinawakan ko ang kamay nito ay tinitigan siya ng mabuti at ngumiti.

"Nah I miss you so much my Nam" sabi ko at hinalikan ko ang kamay niya. Umiwas naman ito ng tingin ang binawi niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko na labis kong ipinagtakha.

"U-uhm Josh...k-kasi ano eh--" napakunot ang noo ko at naghihintay ng sagot niya.

"J-josh I'm breaking up with you" halos pa bulong na sabi niya pero dinig na dinig ng dalawang tainga ko at tumagos sa puso ko.

"N-nam... P-pero bakit?" tanong ko kasabay ng pagtulo ng luha ko at ang luha niya. Mapait ako nitong nginitian at pinunasan niya ang mga luha ko.

"J-josh I'm sorry...gustuhin ko man oh sa hindi pero kahit ipagpatuloy pa natin tong relasyon na to hindi parin magwoworth it eh. Josh pupunta na ako sa Japan. Isasama na nila ako ni mommy at doon na rin ako mag aaral at doon na rin kami titira. Josh hindi na kasi tayo magkikita eh" sabi nito kasabay ng sunod sunod na pagtulo ng luha niya. Kaya hinawakan ko siya sa mukha at pinunasan ang mga luha niya.

"P-pero Van may conversation pa naman tayo sa isa't isa eh. Para saan pat nilikha ang cellphone kong di rin natin magagamit diba?" sabi ko pero nginitian lang ako nito at hinakan niya ako sa kabilang pisngi.

"Josh you don't understand. Please intindihin mo nalang... I-im sorry" sabi nito at tumayo na siya. Aakto na siyang aalis pero lumuhod ako sa harapan niya at hinawakan siya sa kamay. Pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pake alam.

"V-van please.... Give me a second chance k-kung time lang ang kailangan mo ibibigay ko kahit kailan mo gusto... So p-please Van don't do this to me" sunod sunod ang pagtulo ng luha ko at ang luha niya. Ngumiti ito ng mapait at tinulungan niya akong makatayo.

"J-josh... G-gustuhin ko man o sa hindi na mag stay dito pero wala na akong magagawa eh. Ang tangi lang paraan para m-makalimutan na natin ang isa't isa ay ang mag move on Josh. Just be happy sa piling ni Mitch I know mas mamahalin ka pa niya na mas higit sa pagmamahal ko" sabi nito kasabay ng pagbitaw niya sa kamay ko at dahan dahang tumalikod saakin at naglakad palayo. Gusto ko mang tumakbo papunta sa kaniya at yakapin siya ng mahigpit pero di ko magawa dahil nanghihina na rin ako sa kakaiyak.

Madami na rin kaming pinagdaanan ni Vanessa na mga pagsubok sa relasyon namin pero lahat ng ito ay nalampasan naming dalawa. Naging masaya kami sa relasyon namin. Tandang tanda ko pa nong araw na umalis si Mitch at nagpunta siya sa America. Sa mga oras na yun ay halos hindi na ako natutulog at kumakain dahil sa labis na lungkot. Pero si Van ang naging karamay ko sa mga araw na yun, hindi niya ako pinabayaan. Kahit masakit man sa loob niya na nakikita akong nagkakaganoon dahil lang sa isang babae ay di niya parin ako binitawan. Yun ang nagustuhan ko ng sobra kay Vanessa kaya ayaw na ayaw ko siyang mawala.

****

Naglalakad ako papuntang parking lot ng restaurant ng parang zombie. Feeling ko mugto na ang mga mata ko kakaiyak.

"May babaeng nabundol! Tulungan natin dali!!!" napakunot ang noo ko ng may mga nagtatakbo at sumisigaw.

Bigla akong kinabahan, dinala ako ng mga paa ko sa may maraming tao at mga pulis may ambulansya rin.

"E-excuse me miss ano bang nangyari dito?" tanong ko sa babae.

"Ahh yung babae kanina tumatawid siya bigla nalang siyang nabundol ng rumaragasang truck" sabi nito na nakapagpatayo ng aking balahibo. Aalis na sana ako dito ng may bigla akong naapakan. Kinuha ko ito, napaluha nalang ako ng makita ko ang bracelet ni Vanessa na ibinigay ko nong Anniversary namin.

Mr. Pervert is a KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon