Warning Twelve

24 7 0
                                    

Joshua's POV

S-si Nataly?P-pero diba patay na siya? A-anong nangyari? B-buhay siya?

Sa sobrang kaba ko ay diko na napansin na naatrasan ko na pala yung trash can kaya nakalikha ito ng ingay. Nakarinig ako ng foot step na papalapit saakin kaya agad akong tumakbo ng mabilis paalis sa lugar na iyon.

Boggssshhhh....

Napaupo ako ng may mabangga ako. Shit!!

"Aray naman!! Bat kasi hindi tumitingin sa dinadaan eh! Letse!" nanlaki ang mga mata namin pareho ng makita namin ang isa't isa.

"Ikaw nanama--"

"Shh..."tinakpan ko ang bibig niya at hinila ko siya sa isang lumang room.

"Ashjdhsjsbjskbdj" letse bat ba ang dadaldal ng mga babae?

"Teka wag kang magulo may sasabihin ako sayong 'importante" sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin at tinuro niya ang kamay kong nakatakip sa bibig niya kaya nahihiya ko itong tinanggal.

"Pwede namang magsalita eh no" sabi nito at nandidiri pa niyang pinupunasan ang labi niyang tinakpan ko. Tsk arte.

"Marikon makinig ka... Tulungan mo si Louie please.."pakiusap ko kaya kinunutan ako nito ng noo.

"Ano bang pinagsasa--"

"Patapusin mo muna ako pwede?!" Inis na sabi ko kaya nanahimik ito.

"Marikon buhay si Nataly" sabi ko kaya nanlaki ang mata nito.

"W-what? A-ano? Kailan? S-saan?" sinamaan ko ito ng tingin. Tsk daming tanong.

"Narinig ko sila ni Mitch na nag uusap sa may corridor. Seryoso ang usapan nila. Nong una hindi ko makita ang mukha ng babaeng kausap niya pero sa boses niya. Kilalang kilala ko ang boses na yun. Boses ni Nataly yun" sabi ko kaya napahamak ito sa sintido niya at umupo sa may upuan.

"P-pero paano nangyari yun? Diba patay na siya? Kitang kita natin na nahulog siya sa building ng school. Wala na siya" sabi nito kaya napayuko ako.

"H-hindi ko rin alam eh... Tapos mukhang gagamitin pa niya si Mitch sa paghihiganti niya" nakayukong sabi ko kaya padabog itong tumayo.

"Ano??!!"

"Yeah. Narinig ko ang usapan nila. Sinusulsolan ni Nataly si Mitch na patayin si Louie dahil sa 'ginawa ni Louie sa kaibigan ni Mitch pero hindi ko alam kong bakit niya ito ginagawa" sabi ko at may halong pagkainis.

"So ang ibig mong sabihin na nanganganib ang buhay ni Supremo?" tanong nito kaya napatungo lang ako.

"Josh...hindi yun magagawa ni Mitch kay Supremo maniwala ka saakin" sabi nito kaya napaangat ang tingin ko sa kaniya.

"Pero makakaya niya yun dahil sa nangyari sa kaibigan niya!! Ipaghihiganti niya ito! At baka si Mitch pa ang mapahamak! At yun naman ang hinding hindi ko hahayaan!" sigaw ko kaya sinamaan ako nito ng tingin at bahagyang napahamak siya sa chin niya at mukhang nag iisip.

"Hmm...mukhang nahanap ko na ang dapat kong hanapin...si Nataly.. Siya ang nasa likod ng lahat ng krimen na nangyayari dito" sabi nito at tinalikuran na niya ako at lumapit sa may pinto. Bago pa siya makalabas ay may sinabi muna siya saakin.

"Wag kang mag alala Josh. Hindi namin hahayaan na may mangyaring masama kay Mitch. Ang kailangan lang namin sa ngayon ay ang tiwala mo" sabi niya at bahagya niya akong nginitian bago na siya tuluyang lumabas.

Mr. Pervert is a KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon