Warning Four

86 17 0
                                    

Mitch's POV

Nandito kami ngayon ni Joshua sa hospital nagbabantay kay Kyle na hanggang ngayon ay hindi parin nagigising.

Kroooooo...(kumakalam na sikmura yan wag kang ano)

Pasimple akong napahamak sa tiyan ko. Huhu kanina pa ako nagugutom e tinitiis ko lang.

"Hon? Are you hungry? Let's eat? " tanong saakin ni Josh kaya napangiwi ako.

"Hmm... Pano si Kyle?" tanong ko kaya nginitian ako nito.

"Don't worry ang nurse na ang 'bahala sa kaniya so Tara sa labas?" tanong nito kaya wala na rin akong nagawa kung hindi ang tumango.

****

Papunta kami ngayon ni Josh sa parking lot pero hindi ako mapakali. Shucks ang sakit ng puson ko tinatawag na ako ng kalikasan!!!

"Hon? Are you ok?" kunot noong tanong ni Josh kaya napangiwi ako.

"Hon hintayin mo nalang ako sa parking lot mag cc.r lang ako" sabi ko at aaktong aalis ng pigilan ako nito.

"Wait hon samahan nalang kita" sabi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Shit naman oh puputok na tong puson ko naiihi na talaga ako tapos magbibiro pa siya ng ganiyan.

"Hihi joke lang hon geh c.r kana hintayin nalang kita sa parking lot" sabi niya kaya tumango ako at tumakbo ako ng mabilis papunta sa banyo. Shucks huhu di ko na talaga kaya.

Woah sa wakas natapos rin nailabas ko lahat ng dapat kong ilabas kaya feeling ko tuloy ngayon ang gaan gaan sa pakiramdam hihi.

Sa gitna ng pag istretch palabas ng c.r ay napatigil ako ng may napansin akong lalaki sa di kalayuan. Naka jocket ito na may hood kaya napakunot ang noo ko. Nakaramdam naman ako ng kaba. Shucks ano ba tong nangyayari saakin?

Kinuha ko na yung bag ko mula sa sink at patakbo akong lumabas ng c.r pero pakiramdam ko may sumusunod saakin kaya napatingin ako sa may likuran ko at shit! Nandoon yung lalaking naka hood o my sinusundan niya ba ako??

Halos lakad takbo na ang ginagawa ko pero hinahabol ako nong lalaki. Sa sobrang taranta ko nga e hindi ko na alam kung nasaan yung exit.

May nakita akong malaking trushcan malapit sa may hagdan kaya agad akong tumago doon. Nanginginig masyado ang kamay ko. Kinuha ko yung phone ko mula sa bulsa ko at nanginginig ang kamay kong dinial ang phone ni Josh.

Josh calling....

Tototototototot....

Shucks Josh nasaan kaba?? Answer my calls. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. At humihikbi pa ako kaya napatakip ako ng bibig ko ng may marinig akong footsteps palapit saakin.

Huhuhu pleasseee Josh asaan ka ba??

Napapikit nalang ako ng maramdaman kong nasa likuran ko na siya..

"AHHH---" sisigaw na sana ako ng may biglang tumakip sa bibig ko.

"Shh Hon nandito na ako huh shh" si Josh pala. Niyakap ko nalang ito at humagolgol.

S-si Josh? P-pero nasaan yung lalaki?

"Hon are you ok? May masakit ba sayo?" tanong saakin ni Josh kaya umiling iling ako.

"H-hon... M-may lalaking h-humahabol saakin k-kanina n-nasaan siya?" nanginginig na tanong ko sa kaniya kaya kinunutan niya ako ng noo.

"Lalaking humahabol sayo? Pero hon wala naman akong nakita e nakita lang kita na umiiyak dito kanina pa kasi kita hinahanap nandito ka lang pala. Ano bang nangyari?" kitang kita ko ang pag aalala sa mga mata niya kaya pinilit ko nalang umiling.

Mr. Pervert is a KillerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon