Mitch's POV
Naglalakad lakad ako ngayon dito sa campus. Pinagtitinginan ako ng lahat at pinagbubulungan. Yung iba nga magugulat nalang ako dahil bigla bigla nila akong babatuhin ng mga kung ano anong bagay.
Naiintindihan ko naman sila eh. Kasalanan ko naman ang lahat kaya dapat lang saakin tong nangyayari ngayon. Sa katunayan kulang pa nga eh.
Bogshhhhhhh....
Shit! Ang sakit huhu...
"You!! Idiot!!"
Slappppppppp...
My god ang sakit! Ano bang problema nito?
"Hindi mo nagawa ang kasunduan"
Aakto na sana siyang sasampalin ulit ako ngunit huli na dahil na hawakan ko siya sa kamay.
"Sumusobra kana!" sigaw ko at buong lakas ko siyang tinulak.
"Ayoko na! Itigil na natin ang kasunduan! Ng dahil doon muntik ko ng mapatay si Josh!"
sigaw ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko dahil naalala ko nanaman ang nangyari sa araw na iyon."Lumalaban kana Huh?!"galit na sigaw nito at sinabunutan ako. Kaya napangiwi ako.
"Tama na...Ang sakit..."maluha luha na ako dahil sa sobrang sakit ng pagkakasabunot niya.
"Mas masakit pa ang dinanas ng kapatid ko sa kamay ng boyfriend mo Mitch! Mas masakit pa!!" sigaw niya bago niya ako tuluyang binitawan at iniwan akong mag isa.
Napaupo ako sa sahig kasabay ng paghagulgol ko.
Bakit? Bakit kailangan kami pa ang dumanas ng ganito?
Tatayo na sana ako pero muli akong bumagsak. Nanghihina ako, parang ilang sandali lang ay bibigay na ang katawan ko.
Napatigil ako ng mahagip ng mata ko si Josh na nakatingin saakin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang lungkot. Gusto ko siyang lapitan para yakapin ng napakahigpit, gusto ko siyang halikan. Sabik na sabik na ako sa kaniya pero hindi iyon maaari.
Kanina pa siya diyan. Alam kong nakita niya yung nangyari pero hindi niya ako tinulungan. Dapat lang siguro saakin yun. Kulang pa nga yun sa mga kasalanan na nagawa ko sa kaniya eh.
Tumingin muli ako sa mga mata niya pero umiwas agad ito at umalis na.
Now..... He's gone.....
Joshua's POV
Wala sa huwisyo akong naglalakad papuntang room. Actually ayokong pumasok pero sinalubong lang ako ni ate ng bunganga niya. Hindi niya daw ibibigay ang monthly allowance ko kapag hindi ako pumasok kaya no choice ako.
"You!! Idiot!!"
Slappppp.....
Napakunot ang noo ko ng may narinig akong sumigaw at kasabay nito ang malakas na sampal.
"Hindi mo nagawa ang kasunduan!"
Mas lumapit pa ako sa may pintuan na malapit kung saan ko naririnig ang sigawan.
At nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Mitch na nakaupo sa sahig habang may kausap siyang isang babae na hindi ko maaninang ang mukha niya dahil madilim.
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng aaktong sasampalin niya ulit si Mitch pero naharang niya ito.
"Sumusobra kana!!" sigaw ni Mitch at tinulak ng malakas yung babae.
"Ayoko na! Itigil na natin ang kasunduan! Ng dahil doon muntik ko ng mapatay si Josh!"sigaw nito kaya napalunok ako.
Kasunduan? Anong kasunduan?
"Lumalaban kana Huh" sabi ng babae at sinabunutan si Mitch. Kitang kita ko ang sakit na dinadanas ni Mitch at gusto ko siyang tulungan. Gustong gusto ko siyang tulungan pero hindi pwede....
"Tama na... Ang sakit..." pagmamakaawa niya.
"Mas masakit pa ang dinanas ng kapatid ko sa kamay ng boyfriend mo Mitch! Mas masakit pa!!"
Natulala nalang ako sa nakita ko... Siya pala? Siya pala ang may gawa ng lahat ng ito?
Ng umalis na ito ay doon ko nalang pinanood si Mitch. Umupo ito sa sahig at humagulgol. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na umiyak. Gusto ko siyang yakapin pero hindi talaga pwede eh. Isang maling galaw ko lang baka mawala na siya saakin.
Bakit si Mitch pa ang dumanas ng lahat ng paghihirap na dapat ay ako ang dumanas. Bakit siya pa? Sinaktan ko na siya. Ang akala ko kapag lumayo ako sa kaniya ay magiging maayos na ang buhay niya. Pero bakit habang lumalayo ako mas lalo pa siyang naghihirap..
Sa kabila ng pagtitig ko sa kaniya ay bigla nalang siyang napatingin saakin. Kitang kita ko sa mga mata niya ang saya ng makita niya ako. Sabik na sabik na akong yakapin siya pero hindi talaga pwede. Ako ang unang umiwas ng tingin at naglakad na palayo sa kaniya. Hindi pa ako nakakalayo sa kaniya ay sunod sunod nalang na bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
Bakit wala akong ginawa?
Pinanood ko lang siyang nasasaktan.
Habang ako naman ang dahilan ng pag luha niya.
Pinrotektahan niya ako sa lahat ng bagay pero anong ginawa ko?
BINABASA MO ANG
Mr. Pervert is a Killer
Misteri / ThrillerManiwala ka man o sa hindi ang isang lalaking maniac ay nagkaroon ng sandaang Girlfriend. Pero sa tuwing makikipaghiwalay sila dito ay bigla nalang silang nawawala parang bula meaning namamatay sila sa hindi malamang dahilan. A/N: Hindi ko na po pin...