Critics, Rant and Bash

1.1K 40 10
                                    

So, nakagawa ka na ng story at kahit na 1k reads pa yan may magsusulputang CRITICS.

These are people who have keen eyes when it comes to details of your story.  Details, not only just the plot or how you managed to weave the story update per update.  

But these people will check every period, every comma and every wrong grammar your story has. Ganun kalupit ang isang critic.  Ito yung magsasabi na, okay na sana story mo eh kaso kulang pa rin.  Parang may kulang.  Ito yung mga tao na magsasabi na, maganda na sana kaso wrong grammar nakakabanas na basahin.  Sila yung magsasabi na ito dapat instead sa nailagay mo.

Honestly, may ibang writers na ma-acknowledge ang isang critic.  

Pero hindi lahat ng writers, makaka appreciate ng critic.  Lalo na kung pareho kayong newbie writers.  

Don't critic other stories if you do not have any professional experience when it comes to writing. Especially kung ang sinasabi mo ay ganito, 'Ok na eh pero parang hindi mo inayos yung pagkakagawa.  Parang minadali mo, kulang sa spice.  Hindi masyadong hot.  Nakakabato ang story.  LOL.  Be sensitive when you criticize other works.  Siguraduhin mo na you have enough experience to criticize them.  

Sa akin okay lang na mag critic ka when it comes to grammar, pero huwag naman yung kaya ka lamang tumatambay sa story ng isang author ay para bantayan ang wrong grammar niya.  LOL.  I-enjoy mo na lang ang story niya kung nakaka enjoy naman, pero kung i c-criticize mo lang siya palagi sa wrong grammar eh mabuti pa mag apply ka na lang editor o proofreader.  Mababayaran ka pa and you do not have to criticize it publicly.  Try mo i pm yung author.  I respeto mo na binabasa ng iba ang gawa niya.  Mag p-pm ka kung ikaw nga ay totoong CRITIC.  Kasi ang critic ay nagbibigay ng makabuluhang pag aanalisa sa isang kwento.  HINDI NAMAMAHIYA ng isang AUTHOR.

Wala kang pagkakaiba sa BASHER.  Yung tipong mag po post ng 'TANg* ang PANGIT NG GAWA MO!  WALANG KWENTA.  

Basura ang mga readers na nagsasabi ng ganyan.  BASURA hindi BASHER.

Nagtatago pa sa isang dummy account LOL.  Don't be shy.  MATAPANG LANG KASI ANG MGA BASHER KASI HINDI SILA KILALA.  

Mga RANT na 'Ang tagal naman ng update, nakakasawa na', o kaya naman 'nu ba yan, parang kagaya lang sa nabasa ko  o sa napanood ko.  Ang laki ng pagkakatulad sa ganitong author.

LOL.

Walang story na original.  At nakaka badtrip na kinukumpara ang gawa mo sa isang sikat na author o sa isang kilalang akda, o teleserye.

Nang kinumpara nila ang FM 2 sa TLW.  Hindi ko malaman kung matutuwa ako o maasar ako eh. Haha.  

So for the WRITERS.  How to deal with bashers?

IGNORE.  Lalo na kung walang kwenta ang bash.  

Wala ako karapatang magsabi ng IGNORE, kasi ako pumapatol talaga.  LOL.  Pero as much as possible, IGNORE THEM.  You can't win them, bakit?  YUN ANG ROLE NILA SA MUNDO NG WATTPAD.  Intindihin mo na lang.

How to deal with CRITICS?  Say you are thankful sa mga reviews and tips.  Pero kung nasosobrahan ka na, may MUTE naman eh.  GAMITIN MO.  I-CLICK mo lang yung MUTE. Paminsan-minsan MAG-ALIS KA NG MGA TAONG WALANG KONSIDERASYON AT ANG GUSTO LAMANG AY MAIRITA KA, in a nicest way.

Kung may ayaw ka na makita sa mga comments, BURAHIN MO.  Huwag mong hayaan ang sarili mo na masanay sa ganitong mga bagay na nasasaktan ka naman.  Alam mo, may oras ang pagtanggap sa kung ano ang mga binabato sa isang writer.  Pero mas malaki ang maidudulot na kapayapaan sa isip mo kung hindi mo na hahayaan ang sarili mo na paulit ulit itong makita.

Pero kung ikaw ang writer na kailangan pa ang OPINYON ng iba para makagawa ng isang story, eh di gora.  Pa-critic mo lagi ang gawa mo.  Kaso para saan ang story MO, kung ito ay pinatakbo ng sinabi ng mga KRITIKO mo.

Kung ang critic niya ay makakatulong, pulutin mo.  Pero kung pakiramdam mo nasosobrahan na siya sa pag critic sa yo, I-MUTE mo.

Simple lang ang buhay sa Wattpad.  Huwag nating gawing komplikado dahil lamang sa mga kagaya nila.

Wattpad and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon