How to Create A Good Ending

684 19 3
                                    

Is there any formula in creating a good ending?

Kailangan ba na happy ending para maging good story?

Kailangan ba na lahat ng characters mo ay may magandang nangyari para masabi na the story has a good ending?

Kailangan ba na walang masaktan?

Walang namatay?

Actually, lahat ng tanong na yan ang sagot ay...

Hindi.

You don't need a happy ending para masabi na nakagawa ka ng good ending sa isang story.  

 

Na kahit pinatay mo o pinaghiwalay mo ang mga bida sa iyong story ay hindi ka mumurahin ng readers kasi hindi iyon ang inaasahan nila sa isang ending ng story.

So paano ba?

If you are going to create a good closure with a happy ending, YOU MAKE SURE NA LAHAT SARADO.  Lahat ng ginawa mong conflict sa pagitan ng dalawang characters (main) ay nagawa mong ayusin sa dulo.  Na kahit na gaano pa kasakit ang ginawa nila sa isa't isa, as long as na i deliver mo na dapat sa bandang huli ay sila pa rin, you will never have a problem with the readers.

Hindi iyon sobrang nagsakitan na sila ay sila pa rin ang magkakatuluyan pero hindi mo pinaliwanag sa story bakit.  Hindi mo binigyan ng chance ang characters mo na magkaayos at magkaliwanagan, at magkaroon ng space ang mga readers mo na maintindiha nila bakit.

Hindi naman pwede na sasabihin mo lang sa last chapter, na okay na lahat.  Yehey!

LOL.

Bigyan mo ng chance ang readers mo na mag IMAGINE.  Pero hindi ko sinabi na gawin mo silang MANGHUHULA.

Naman.  Magpaliwanag ka naman kahit paano.  Yung i-highlight mo sa story mo ang pag aayos mo ng conflict na ito.  

Make it BELIEVABLE.

 

Although, this is a fictional story, kahit paano kung kaya mo siyang gawing reyalidad, gawin mo.

How to make a good closure with a a not-so-happy ending.  Make a room for every reason to the readers bakit hindi magiging sila sa bandang huli.  Bakit pinaniwala mo ang readers na magiging sila sa huli pero hindi pala naman. HUWAG MO DIN MASYADONG SAKTAN ANG READERS MO SA ENDING.

Make them cry but don't allow them to hate your stories.  Although, iba iba ang opinyon ng tao. Hangga't hindi sila in UNISON na magsasabi na bakit ganon ang ending, I believe nagawa mo naman i end ang story in a good way.

Mas madaling gumawa ng ending kapag ang plano mo ay happy ending.

Kasal. Panganganak. O simpleng bs ang madalas na nasa ending.  Mas madali mo na matutuldukan ang istorya na ginawa mo kung happy ending ito.  

Wattpad and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon