Your Stories VS Top-Grossing Stories

751 38 8
                                    

Imposible na hindi ka man lamang nag browse ng mga story na nasa What's Hot?  At nagbasa ng mga ito?  At naghahanap bakit ang taas ng reads nila.

Siguro naman hindi na ito bago sa atin, At the back of our minds, andon yun bakit sa kanya ang taas ng reads?  Pero pag binasa mo naman wala ka naman makitang kakaiba? 

Yung tipong nasa What's Hot, pero tingin mo mas Hot pa yung gawa mo?

Yung ang daming followers, di mo naman makita yung ganda ng gawa niya?

Yung mga readers ay nasa 500 na comments at kinilig, wala naman ikaw makita?

Stop comparing your stories to other stories.

Yun sila.  Iba ka.  Iba ang story mo.  May nakita ang readers sa mga story na ito kaya sila binabasa at patuloy na binabasa.

Don't follow the trend just because nakikita mo na naroon ang maraming readers.  Don't change suit for that reason.  

Yung tipong di mo bet gumawa ng pang teen story pero dahil andoon ang maraming kabataan na haling na haling sa mga story na tungkol sa gangster o mga casanova o mga tipong BOF ang style.  Kung hindi mo ito forte, huwag kang luminya.  Be true and loyal to your roots.

Pero bakit ba sila nasa toplist?  Ano kaibahan ng story nila?

Mostly kasi ang mga stories na pumapatok sa kabataan ay ang gangster type of story.  Yung ilalagay mo sa title pa lang na gangster ang bida, o bad boy image.  Patok na patok yan.  Kasi yung mga babae mas madali ma fall sa isang bad boy.  Kaya naman sa story gusto nila ganon.

Scenario: School

Since mostly mga kabataan ang nasa wattpad, mas madali sila makaka relate kung ang environment ng story mo ay nasa eskwelahan.  Yung tipong mag bf sa loob ng school, inaapi sa loob ng school, may barkada sa loob ng school---mga familiar scene para sa isang kabataan.

Scenario: Work/Office

Yung mga tipong boss/secretary lang ang peg, mga FSOG lang ang dating.  Patok yan sa mga matured readers.  Maybe, nakaranas na o wishing na magkaroon ng lovelife sa isang boss.  LOL.

Characters: Gangster/Bad Boy

Yay.  Kahit na pang teen or gen fiction, patok si mr Bad boy image.  Wahaha!  Maybe, nasa naturalesa ng mga kababaihan na may kakaibang dating ang imahe ng isang bad boy.  Feeling matapang and a knight in a shining armor lang ang peg.  Naks.  

Characters: Rich/Famous

Natural na gumawa ka ng story na medyo high profile ang mga characters.  Wala yatang gagawa ng tindera sa palengke o magbabalot ang bida (sa wattpad).  Kasi mas binabasa yun mga dream come true na characters.  Yung tipong nakatira sa Forbes Park o sa Corinthian.  Yung tipong nakaparada ang sandaang sasakyan.  Mga ganon tipo.

Well, marami pa yan.  I am sure na makikita nyo kung bakit nasa top list sila.  You can share your own views and ideas about being a top grosser story.

Wattpad and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon