Hitting A Million Read

1.1K 49 17
                                    

When I first hit the million mark of Sana Akin Ka na Lang (during ODS period), sobrang natuwa ako. Milyon ba naman eh.  Minsan kai ang connotation natin sa million reads ay million ang nagbasa. Actually, nung una ganon talaga akala ko.  Ako na tanga.  Hehe.

Million reads naman ay pupwedeng inulit ulit na basahin.  Kahit ang mga previous chapters, ulit ulitin lang balikan ng readers yan, mahi hit mo na ang million reads.  Syempre, provided na malaki na rin ang fan base ng story mo.  As much as possible kasi, makapag mark ka ng isang kwento pati ang ibang gawa mo babasahin na rin.  Makakakuha ka na ng interes mula sa ibang readers na natatamad ng maghintay sa ibang top grossing stories, kaya pag maswerteng may makabasa sa story mo na readers at may mga kakilala siya na ibang readers pwede niyang i recommend ang story mo.

Sino ang hindi matutuwa kapag na hit mo ang mark ng isang milyon?  Tataas ang kumpiyansa mo bilang isang manunulat.  Magsisimula kang makabasa ng "update naman po, sobrang ganda ng story", at mga tipong, "ate ang galing mo!" 

Nakaka overwhelm di ba?

Pero kung natutuwa ka na marami na ang nagbabasa ng gawa mo at na hit mo na ang a million read?  Pwes, oras na para ma pressure ka naman.

Paano mo ngayon, i ma-maintain ang readers mo para sa susunod mong story.

I had the same problem after I finished SAKNL with a bang.  Yung mga huling chapter ng Sana Akin Ka na Lang, dumami na ang readers nito.  Lalo na ng hinintay talaga nila ang ending at ang epilogue.  

At ng matapos...

Yun, ano ang isusunod mo story na dapat magtutuloy tuloy ang interes ng readers sa ginagawa mo. Hindi ko talaga naisip na mag book 2, during that time.  Para sa akin, masyado ng mahaba ang nilakbay ng SAKNL at sasakit lamang ang ulo ko kung mag iisip pa ako na dugtungan sila.

Anong klaseng story ang isusunod mo sa isang story na sinubaybayan ng marami?

Andoon yung fear na baka hindi ko mapantayan ang SAKNL.

Baka after SAKNL, mawalan ng interes ang readers.  At mahirap mag introduce ng bagong characters lalo na kung kagagaling pa sa pagka hype from the previous story.

You have to be resourceful and smart in choosing your next story lalo na at ang sinundan niyang story ay may malaking impact sa readers.

So I made One Day Someday na ang plot ay falling in love with your best friend.  I was confident enough for this story kasi nakaka relate ako.  Mas madali para sa isang author na gumawa ng isang story lalo na kung nakaka relate siya sa story na ito.  

Hindi man niya napantayan ang SAKNL when it comes to number of reads, pero ang impact sa readers ay ganoon pa rin.  Mas heavy drama ang ODS, so coming down from two heavy drama, I created With You na light lamang ang story.  

So, be intelligent in creating your plot.  Nakikilala ka na, nakikilala na story mo.  Better maintain the interest of your readers.  Mas importante na nagkakaroon sila ng interes sa story mo.  

Additional na lamang na hi hit mo yung million reads.

Wattpad and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon