A Writer's Dilemma: Writer's Block

874 47 10
                                    

So, nakagawa ka na ng plot, nakagawa ka na ng steamy BS, nag diretso ang story mo.

Chapter 25.  Posted.....

Chapter 30. Posted....

Chapter 33. Posted....

Nakangisi ka na kasi Chapter 34 ka na!  Yehey!  Kasi alam mo na paabutin mo lang siya hanggang Chapter 50.

Then...BOOM.  Namutla ka...Napanganga ka.  Kasi...

Shit.  Dead end.

Suddenly, yung tipong nasa harap ka ng laptop at nag ta-type then biglang........

BLANGKO.

Walang maisunod na salita sa sinusulat mo.  Yung tipong hindi mo alam kung ano na yung susunod.  Maghahalikan ba sila, mag se-segway ka ba sa ibang characters o itutuloy mo kung saan mo naputol yung previous chapter.

Kung naranasan mo na ito, CONGRATULATION!  Nakaranas ka ng tinatawag na WRITER'S BLOCK.

Makakaramdam ka ng frustration.

Yung may gusto kang sabihin, may gusto kang ilahad...may nabubuong ideya sa utak mo.

Pero hindi mo mailabas labas.

Writer's block.  Every writers dilemma.

Natural lamang ito.  Dahil kung ang isang plot ay nagsanga sanga na natural na sa bandang dulo kailangan mong pagtagpu tagpuin ang mga sanga na ito.  Minsan ang sanhi ng writer's block ay dahil sa hindi mo pupwedeng idugtong ang isang scenario dahil alam mo na dead end na ang story pag ginawa mo yun.  Kaya kailangan mo ngayon mag isip paano mo ilalakad ang story since alam mo na hanggang Chapter 50 ka pa.

Wattpad and ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon