Part 1

413 14 0
                                    

"HOY, AKALA ko ba aalis tayo ng maaga? Ano pang itinatambay natin dito?"

Napanguso ako sa sinabing iyon ni Thea. Nasabi ko kasi kanina na uuwi kami ng maaga sa tropa ko pero...

E, kasi naman.

"Ano ka ba naman, Thea! Hindi mo ba nakikita ang nakikita ni Zoe! Take a look!"

Napatingin ako sa katabi ko. Si Laiza. Itong isang ito, talagang totoong kaibigan. Nambubuko ng intensyon e! Grr!

Nandito kami sa lounge. And, yes! Oo na! Nangha-hunting nga ako ng crush! Oh, ano masaya ka na?

"Sinusulyapan mo na naman siya." Parang napakalaki ng kasalanan ko sa sinabing iyon ni Thea.

"Iyon lang naman kasi ang kaya kong gawin." Ano ba yan! Para akong brokenhearted kahit wala pa naman akong nagiging boyfriend! Ah! Ewan.

"Ayaw mo pa kasing magtapat," biglang singit ni Laiza.

Bigla akong napanguso saka kumunot ang noo ko. "Baka kasi kayanin ko? At saka nahihiya ako."

"Nahiya ka pa ng lagay na yan? Mukha ka na ngang obsessed stalker ng isang lalaking seven years difference with your age!"

"Thea!" Halos gusto ko ng dukutin ang mga mata ng kaibigan kong ito! Talagang pagdiinan ang edad NIYA! Grr! Naku, hindi ko lang talaga kaibigan 'to ginawa ko na!

"Bakit ba kasi patay na patay ka d'yan sa isang 'yan?" Buti pa si Laiza, hindi masyadong tutol.

Ayoko. Ayoko magsalita kung bakit. Mahabang paliwanagan yun lalo na kay Thea na wala ng ginawa kundi kwestyunin nga ang pagkakaroon ko ng gusto sa KANYA.

Bigla akong napasulyap sa KANYA sa kabilang lounge na kasama ang mga kaklase nito.

Napabuntong hininga na lang ako.

Bakit nga ba gusto kita? What's on you that I can't keep my eyes on you? Kung alam mo lang. Matagal na kitang sinusulyapan pero hindi mo pa rin ako pansin. I gave my best para lang mapuna mo ako. I know. Siguro nga napaka-unusual ng sitwasyon ko. Na nagkagusto ako sa isang katulad mong seven years ang agwat sa edad ko. But I'm in my right age. Dalaga na ako. I'm eighteen! Siguro naman, may pag-asang magkagusto ka sa akin? Ka na... sa akin? Di ba?

"Tingnan mo 'to? Nag-eemote na naman 'yan kaya 'yan natahimik?"

Bigla kong nabawi ang tingin KANYA sa sinabing iyon ni Thea.

Tss! Panira talaga!

"Hayaan mo na nga lang siya, Thea." Pagpipigil ni Laiza.

"Alam mo, Zoe. Kung ipagpapatuloy mo yan, masasaktan ka lang." Feeling expert na sabi ni Thea.

Palibhasa nakatatlong break up na. Kaya siguro makakontra, wagas.

"Crush lang naman yan, Thea. Hayaan mo na si Zoe." Napatungo na lang ako kay Laiza.

"Crush?" Parang hindi makapaniwala si Thea sa sinabi ni Laiza. "Crush pa bang maitatawag yang pagsunod-sunod mo sa lalaking 'yan. Paghanap sa mga account niya sa mga social networks at pag DL ng mga pics niya? Halos lahat na ata sa kanya alam mo? Tapos crush lang yan ng lagay na yan?" Ang OA ni Thea doon ah.

Natahimik ako. Oo. Totoo. Lahat na ata yun nagawa ko. Para lang maging updated sa KANYA. I have no choice. Syempre nakakahiya naman kausapin siya ng personal. Kahit papaano meron pa naman ako nun no!

Siguro. Mananatili na lang muna akong fangirl ng isang never mind his age-heartthrob dito sa campus. His eyes. His brown-tanned eyes. That makes me inspired. His cute smile. Na sana minsan maging para rin sa akin. His beards in his chin and jaw make him look like a purely man of my dreams. Kahit hindi siya katangkaran, atleast his pure manly posture makes him that absolutely handsome guy that makes my dream a reality! And I love his eyeglass that makes him look like a genius guy! Perfect! Ayi! Grabe talaga, ang lakas talaga ng tama ko sa isang 'to! Waley e, inlove.

"Balita ko magiging classmate daw natin yan next semester?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Laiza kaya dali akong tumingin sa kanya.

"Talaga?!"

"Sabi ni Kuya Julian, irregular daw yang crush mo kaya baka maging classmate natin siya next semester."

Si Kuya Julian, a 21-year old Educ student. Classmate namin siya sa ilang subject at madalas ko siyang makitang kasama si NIYA! Argh! Ibig sabihin... may chance na makita ko siya sa ilang subject namin next semester!

Napangiti ako ng lihim dun. Sana nga.... Sana nga!

"Oh siya, tama na pagde-daydream mo, Zoe. Siguro naman buo na maghapon mo? Umuwi na tayo. "

Tumango tango na lang ako kay Thea. Hmp! Hahah! Uwing uwi na talaga itong si Thea ee.

Bago kami tuluyang umalis ay minsan pa akong sumulyap sa KANYA. Hay! Lumingon ka naman sa akin kahit minsan lang!

"Zoe! Ano ba?! Tititigan mo na lang ba yan maghapon?"

"Eto na po!"

Everything will be fine, Zoe.

Got To Let You Know [A SHORT STORY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon