Part 12

141 6 0
                                    

SATURDAY NIGHT. Ipinagpaalam na ako ni Kuya Jimmy kay mama. Okay lang daw sa kanya. Si Kuya Jimmy lang naman daw kasi ang kasama ko. Hmp! Kung hindi ko lang alam, mas close silang dalawa no!

Nandito ako sa garden nila Kuya Julian. Ayoko sa loob. Dami tao. Puro classmates nila ni Kuya Jimmy. Kung hindi classmates, tropa naman. Kung hindi tropa, malamang kamag-anak! Eee? Ano panama ko sa mga iyon? Mukha akong saling-pusa dito ee! Hmp!

Nasaan na ba si Kuya Jimmy? Sabi niya kukuha lang daw siya ng makakain. Kaso halos sampung minuto na lumipas wala pa rin siya. Anyare na dun? Kinuha na niya ata lahat ng pwedeng kainin doon ee. Hmmm.

Napatingala ako. Walang mga bituin. Hindi ko makita yung buwan. Panigurado, uulan. Wala pa naman akong dalang payong.

T.T

Tumayo na ako at lumapit sa may pintuan ng bahay. Hindi ako pumasok. Sumilip lang ako sa pagkakasiwang nung pinto. Dami talagang tao. Nakakahiyang pumasok sa loob. Magmumukha akong alien.

Aalis na sana ako sa pwesto ko nang mahagip ng mga mata ko ang lalaking kanina ko pa hinihintay. Nakatayo doon. May kausap na... babae. Mukhang nag eenjoy sila sa company ng bawat isa ha? Sabi niya... sabi niya kukuha lang siya ng pagkain? Ano bang pagkain ang kukunin niya? Isinama niya lang ako para maghintay ditong parang tanga? Sabi niya wala daw siyang kasama kaya gusto niya akong sumama sa kanya? Tapos... tapos ngayon? Ayun siya at masayang masayang nakikipagkwentuhan doon at ako mukhang ewang naghihintay lang pala sa wala?

Napaatras na ako at lumayo sa pintuan. Badtrip! Ngayon ko lang napansin, naiyak na pala ako. Punas! Punas! Badtrip! Tumigil na nga kayo! Bowset itong mga luha ko ayaw tumigil sa pagbagsak!

Ano ba? Hindi ba talaga kayo hihinto? Lumalabo na nga paningin ko ee!

NASAAN NA YUN? Iniwan ko lang siya dito ee? Sabi niya ayaw niyang pumasok sa loob? Pumasok ba siya?

"Napansin mo ba si Samantha?" Tanong ko kay Julian nang bumalik ako sa loob.

"Hindi. Sabi mo iniwan mo siya sa garden?"

"Wala siya doon."

"Baka naman nainip na yun kaya umuwi na lang. Hindi na nagawang makapag paalam sayo?"

"Galing mo mag-conclude, dre?"

"Walang bituin at buwan ngayong gabi. Uulan yan panigurado."

"Ha?" Uulan? Pero wala siyang dalang payong? Hindi niya rin alam kung paano umuwi. Sinundo ko lang siya ng kotse ee!

Nubayan! Nasaan na ba yun?

"Bakit hindi mo na lang sundan. Panigurado, hindi pa yun nakakalayo. Malaki ang subdivision, hindi pa yun nakakalabas."

Tama! Dapat siguro, sundan ko na siya. Baka kung ano pang mangyari dun! Zoemae! Nasaan ka na ba?

Got To Let You Know [A SHORT STORY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon