Part 2

217 12 0
                                    

HAY! KUNG p'wede ko lang sabihin sayo na gusto talaga kita... bata pa lang ako, ano kayang masasabi mo? Kung alam mo lang, kung maaalala mo lang ang isang batang babaeng minsan mong tinulungan sampung taon na ang nakakaraan. Kung pwede lang sanang ihinto ang oras mo para maabutan kita... para pareho na tayo ng edad at magkasabay na ang mga oras natin. Kung pwede lang... sana.

Hay! Ano ba yan, Zoe! Nag-eemote ka na naman! Grr!

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakahiga sa kama at tinutunaw sa titig ang picture NIYA sa cellphone ko.

Oo. Totoo. Nagdownload ako ng pictures NIYA mula sa Facebook. Argh! Kainis! Hindi pa niya inaaccept ang friend request ko! Tsk! Tsk! Baka naman hindi siya nag-aaccept kapag hindi niya kilala... PERO! Ako? Hindi niya kilala? O hindi niya ginustong kilalanin pa ako?

Argh! Napakasaklap ng buhay kung ganoon!

Ano ba yan, masyado akong apektado kapag tungkol sa kanya. Napakatagal ko na siyang hinahangan. Mas matagal pa sa inaakala nila Thea at Laiza.

Noong una ay akala ko nawala na ang paghanga kong iyon para sa kanya dahil halos siyam na taon ko na siyang hindi nakikita pagkatapos ng aksidenteng iyon... but not until last year. Nang makita ko siya sa school campus. Nakasalubong ko siya sa hallway panahon ng enrollment for second semester. Biglang balik ng lahat ng alaala ko sa kanya nang ako'y musmos pa'y may sumisibol ng mumunting paghanga sa isang lalaking malaki ang agwat sa akin. Grade four lang ako noon samantalang magga-graduate na siya noon sa high school. Napakalaki talaga ng agwat namin. Pero hindi iyon naging hadlang para mas lalo ko pa siyang hangaan nang makita ko talaga siya sa school campus last year!!! Lahat ng iyon ay nagbalik!! Gusto ko nga sana siyang lapitan nun at kausapin. Ipaalala sa kanya na ako, si Zoe, yung munting bata na tinulungan niya at pinahanga... na ngayon... nakasubaybay sa kanya ng palihim.

Sana naman... mapansin mo na ako. -_-"

"ANO NGA pala balak niyo sa bakasyon? Malapit na rin iyon, no. Two weeks na lang at bakasyon na naman."

Napaisip ako sa sinabing iyon ni Laiza. Oo nga. Magbabakasyon na naman.

Hindi ko na naman SIYA makikita ng dalawang buwan. Nakakatakot iyon.

"E kung mag summer job kaya tayo para... atleast, magkakapera tayo," si Thea, ganoon na naman siya lagi e kapag bakasyon. Nagsa-summer job.

Paliko na kami ng hallway sa second floor ng campus building nang biglang may tumawag sa pangalan ko.

"Zoe!"

Pero kaming tatlo ang lumingon. Syempre, ZOE narin ata ang pangalan ng dalawang kasama ko e.

Si Kuya Julian. Baka may kailangan lang.

"Oh, Kuya Julian? May kaila------- ??!!?!"

Hindi ko na naipagpatuloy ang sasabihin ko ng mapansin ko ang kung sinong kasunod niya sa kanyang likuran.

Waah! Naku!

Baka mahalikan ko ng wala sa oras si Kuya Julian dahil sa ginawa niya! Bakit isinama pa SIYA dito ni Kuya Julian! Nabuo tuloy ang araw ko! Eee! Aneber! Si Kuya Julian talaga oh!

Haay! Ang gwapo na nga NIYA sa malayo.... pati ba naman sa malapitan! Ano ba yan, ang landi ko!

Toinkz!

Bumalik ako sa katinuan ko ng bigla akong batukan ni Thea. Hawak pa ang ulong tiningnan ko siya ng masama.

"May tinatanong si Kuya Julian."

Ha? "Ha? Ah... eh... sorry..." ano ba iyan! NAKAKAHIYA! "A-Ano yun, Kuya Julian?!" Takte! Baka mahalata akong kinakabahan! Hindi ako makatingin sa KANILA ng diretso. Magkatabi lang kasi sila ee.

Napansin ko ng pilyong ngiti kay Kuya Julian. Naku! Baka nakakahalata na siya!

"Ibabalik na ba ni Ma'am Suarez ang mga report natin sa kanya?"

"H-Ha?" Ano yun?! Hindi ko alam?! Anong kay Ma'am Suarez?! Hala! Nakakahiya!?

"Baka bukas pa daw. Wala pa kasi si Ma'am. Hindi pa tapos ang seminar niya."

Aaaaaarrrrrggggghhhhhh! Nakakahiya talaga! Ako ang tinatanong pero si Laiza pa ang nakasagot! Anong nangyayari sa akin?! Ano bang ginagawa mo Zoe?!

"Ah ganun ba, salamat Laiza. Update-update na lang kapag may balita na. Salamat."

"Oh sige Kuya Julian." Hindi na ako nakapagsalita, yung dalawa na lang.

"Oh sige, una na kami. Ay nga pala, Zoe..."

Naalerto ako sa muling pagtawag sa akin ni Kuya Julian. Patay malisya, kunwari invisible muna SIYA'ng tahimik lang sa tabi niya.

"... wag masyadong pahalata sa harap ng crush. Nahuhuli ka ee. Geh, bye. See you around." Saka sila umalis sa harap namin.

Ah? Eh?

?????????????????

Ano daw! Ganoon na ba ako ka-obvious sa harap nila! Hindi nga! Aaaaaaaahhhhhhh!

Bigla kong hinarap yung dalawa! "Wag niyong sabihin sa aking alam ni Kuya Julian ang tungkol DOON?!"

Nagkibit-balikat lang sila! "Obvious naman."

"Hindi nga?! Ganoon na ba kahalata?!"

"Pulang-pula ka nga ee."

Ano! Namula ako? Ah! Gusto ko nang maiyak! Ang tanga-tanga lang Zoe! NAKAKAHIYA TALAGA!

Got To Let You Know [A SHORT STORY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon