Part 7

114 9 0
                                    

KAYA PALA?! Kaya pala ang dali lang para sa batang ito na i-published ang ganitong article?! Si Gerrard?! Si Gerrard ang ang adviser niya!

"Tigilan mo na 'to! Tigilan mo na ako! You're already in your out-of-bounds! You're just eighteen. Sa tingin ko naman alam mo na kung ilang taon na ako. Walang patutunguhan itong ginagawa mo. Ginugulo mo lang ako."

Naiinis talaga ako. Gusto ko siyang sigawan. Gusto kong ipamukha sa kanyang wala siyang mapapala sa pagsunod sunod sa akin pero... nadala ako ng hikbi niya at nadala din ako ng galit. Alam kong natakot ko na siya. Nagulat lang talaga ako pagkakuha ko ng issue ng school magazine ngayong semester. Featuring talaga ako?! Badtrip! Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang lahat ng impormasyon na 'to pero kung adviser niya si Gerrard, wala nang kaduda duda doon.

"Kakalimutan ka na niya! Wala siyang magagawa kundi gawin yun matapos mo siyang sigaw-sigawan?! Tanga lang siya pero hindi siya bobo para hindi maintindihan ang gusto mong ipahiwatig!"

Matapang ang kaibigan niya para sagutin ako pero okay na rin yun para may magpaliwanag sa batang ito na hindi ako natutuwa sa mga pinaggagawa niya sa akin.

"Good," I just said it. Saka ko sila nilayasan dahil napansin kong ang dami nang mata ang nakatingin sa amin.

Mukhang nakapukaw pa ako ng pansin. Tsk! Tsk! Napabuntong hininga ma lang ako. Badtrip talaga oh!

Uuwi na lang muna ako para mawala ang bad vibes ko. Bukas ko na lang uumpisahan itong lintik na clearance na 'to!!! At si Julian, tsk! Tsk! Isa pa siya!

I WAS shocked. Nagpalinga linga ako. Buti naman wala nang nakatingin sa akin. WALA NA KASING LIBRENG SHOW! Nakagat ko ang labi ko saka ko napunas ng palad ko ang mga luha kong kanina pa nag uunahang bumagsak. Nahikbi na rin ako. Takte lang Zoe! Kasalanan mo naman 'to ee!

"Ayan ba yung sinasabi mong nakasabay mo siya sa bus kaninang umaga. Nagkatabi pa kayo at LUCKILY kinausap ka niya?"

Hindi ako sumagot. Alam ko. Kanina pa ako gustong sumbatan ni Thea. Naiyak na lang talaga ako. Kahit naman ako nagulat ee kaso... may dahilan si Kuya Jimmy na magalit. Yung magazine. Yung article ko.

"Tama na yan, Thea. Wag mo na siyang pagalitan. Hindi naman niya gusto yung nangyari." Si Laiza.

I got my cellphone. Pumunta ako ng gallery at... yung folder na 'Him'...

"Kalimutan mo na siya. Hindi yun pakiusap... utos yun para maintindihan mo."

And then... I clicked the options choosing DELETE button.

Processing...

1 folder deleted.

I sighed. Tama nga si Thea. Dapat talaga nakinig na ako sa kanya sa una palang para hindi na nangyari ito.

I gasped. "Dapat ma-cancel ko na yung friend request ko sa Facebook! Pati yung message ko, mabura ko na bago pa niya mabasa!"

Got To Let You Know [A SHORT STORY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon