OH MY gosh! I need to hurry! Dali-dali akong pumasok ng kwarto saka ako umupo sa study table ko. KAILANGAN KONG MA-CANCEL ANG FRIEND REQUEST KO!
Welcome to Facebook...
Logging in...
Nanlaki ang mga mata ko nang tuluyan na akong makapag-log in. Dali-dali kong tiningnan ang notifications ko.
JAMES MIGUEL BERNARDO ACCEPTED YOUR FRIEND REQUEST! WRITE SOMETHING ON HIS WALL?!
Hindi nga? Namamalikmata lang ba ako... sabay kusot kusot sa mga mata ko....
Five. Ten. Fifteen seconds ko pang tinitigan ang wall ko. No joke? Sigurado ka?
In-accept na niya ang friend request ko?!
Hala?! Yung message ko?! Ugh! Binuksan ko ang chatbox ko sa kanya. And.... dandananan!
NA-SEENZONED NA AKO! T.T
Nabasa na niya ang madamdamin kong pag amin sa kanya. T.T
Aaah!
HINDI! NAKAKAHIYA TALAGA ZOE! ANO NANG IISIPIN NIYA SA AKIN?! NA NAPAKADESPERADA KONG STALKER?! ARGH! NOOOOOOOOO!
Saka ako nagwala sa kama ko. Pinaghahampas ko pa ang mga unan. Sabay sabunot sa sarili. Ano pang mukha ang ihaharap ko sa kanya?! This is really the most stupid thing I've done! Ever!
Hanggang sa mapukaw ng cellphone ko ang aking pansin. Nagri-ring. May tumatawag? Naku. .. baka sina Thea at Laiza lang yan. Syempre, pa-comfort sa nangyari kanina. Hindi ko pinansin hanggang sa mamatay na ang tunog. Pero maya maya nagring ulit siya.
Sino ba yun? Baka importante?
I picked up for my cellphone from my study table. I looked on its screen.
Calling. . .
+63905*******
Sino 'to?
E kung sagutin mo kaya nang malaman mo di ba?
"Hello?" I answered.
Ilang segundo muna ang lumipas bago may sumagot sa kabilang linya. Pero hindi ko alam kung bakit bigla ang takbuhan ng mga kabayo sa dibdib ko... that's impossible! Alam na alam ko ang mga salitang iyan! Don't tell me?
"Kung pwede ko lang sabihin sayo na gusto talaga kita... bata pa lang ako, ano kayang masasabi mo? Kung alam mo lang, kung maaalala mo lang ang isang batang babaeng minsan mong tinulungan sampung taon na ang nakakaraan. Kung pwede lang... huminto ang oras mo para maabutan kita. At magkasabay na ang mga oras natin. Kung pwede lang sana..."
"Kuya Jimmy?" Bakit. Bakit niya ginagawa ito?! Para pahiyain ako?! Na hindi ako nagtagumpay na lahat ng gusto kong mangyari?!
"Noong una ay akala ko nawala na ang paghanga kong iyon para sa kanya dahil halos siyam na taon ko na siyang hindi nakikita pagkatapos ng aksidenteng iyon... but not until last year. Nang makita ko siya sa school campus. Nakasalubong ko siya sa hallway panahon ng enrollment for second semester. Biglang balik ng lahat ng alaala ko sa kanya nang ako'y musmos pa'y may sumisibol ng mumunting paghanga sa isang lalaking malaki ang agwat sa akin. Grade four lang ako noon samantalang magga-graduate na siya noon sa high school. Napakalaki talaga ng agwat namin. Pero hindi iyon naging hadlang para mas lalo ko pa siyang hangaan nang makita ko talaga siya sa school campus last year! Lahat ng iyon ay nagbalik. Gusto ko nga sana siyang lapitan n'on at kausapin. Ipaalala sa kanya na ako, si Zoe, yung munting bata na tinulungan niya at pinahanga... na ngayon... nakasubaybay sa kanya ng palihim..."
Nganga! Aah! Patunay na ito na nabasa na niya ang madamdamin kong pagpapahayag sa kanya ng nararamdaman ko. At ngayon... hindi ko na alam ang dapat kong sabihin! Paano pa ako haharap sa kanya?!
Baka naalala na niya ako? Ah! Don't expect too much Chloe!
"Samantha Zoe..."
Natahimik ako. Tinawag niya... ako? Takte! Nakitakbo na rin ata yung mga elepante sa dibdib ko! Aaah! Si Kuya Jimmy lang ang tumatawag sa akin sa buo kong pangalan! Naalala na kaya niya ako? Bakit parang kinikilig pa ata ako?! Oh LG! Bumalik ata lahat ng paghanga ko sa kanya! Ee! ♡^.^♡
"Samantha Zoe, nandito ako sa labas ng bahay niyo."
Huh? Weh! Hindi nga?! Bigla akong napatayo at tumakbo palapit sa bintana ng kwarto ko. I take a look at my window.
Oh sht! Bigla kong natakpan ng palad ko ang aking bibig! Hindi nga siya nagbibiro?! Kahit nakatalikod pa siya... kilalang kilala ko na ang tindig na yan!
"Kuya Jimmy?!"
Dali-dali akong lumabas ng kwarto. Tinawag pa ako ni mama nang mapansin niya ang pagmamadali kong makalapit sa pinto ng bahay namin.
Pero bigla akong napahinto pagkahawak ko sa doorknob.
Tama ba itong gagawin ko? Pagkatapos ng lahat ng nangyari? Kakalimutan ko na lang ba ang pagpapahiya niya sa akin kanina sa school?
Baka nabigla lang siya kanina?
Pinahiya ka pa rin niya! Mas matanda siya pero nagawa niya pa rin yun?
Pero nakilala na niya ako sa mga messages ko sa kanya!
So ganun na lang yun?
Naguguluhan na ako. Ano bang dapat kong gawin? Haharapin ko pa rin ba siya?
Nag effort pa rin siyang pumunta kahit gabi na?
Waahh! Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko maintindihan kung anong dapat kong gawin! Nagtatalo ang isip at puso ko! Naks naman oh! T.T
"Buksan mo na yung pinto. Darating si James."
Huh? "Po?" Alam ni mama ang tungkol dito? Talaga? Kailan pa?
"Lakad na. Kanina pa yan sa labas."
Argh! No choice! Halata na ni mama ang pagdadalawang isip ko.
I hold the doorknob tightly and push it slowly.
There. Nakatalikod siya sa akin. Ano na? Tawagin mo para humarap! Pero...
"K-Kuya Jimmy..."
Parang slow motion sa mga romantic comedy na unti unting humarap siya sa akin.
He faced me with his sweet killer smile! Argh! Pwede na ulit ako kiligin! Grabe na 'to! Para ulit ako yung eight years old na batang niligtas niya noon. Ito yun. Ito yung pakiramdam noong bata pa ako na parang kaharap ko na ang man of my dreams!
"Samantha Zoe"
Aneber! Wag mo na ulit ako tawagin sa real name ko! Hihimatayin na ako dito oh! Pag sa kanya talaga ang bilis matunaw ng inis at galit ko. ♡^.^♡
Hindi na ako nakagalaw nang mapansin kong unti unti siyang lumalapit sa akin. Kuya Jimmy! And all I know, nasa bisig na niya ako. Tao lang ako para kalimutan ang naging atraso niya sa akin. Waley e matagal ko nang hinintay 'to. Saka ko na haharapin ang mga pasaring nila Thea at Laiza. Ako muna kahit minsan lang.
"I'm sorry..."
Argh! Boses mo palang natahimik na ako, ngiti mo palang tunaw na ako at yakap mo palang nakalimutan ko na ang lahat ng yun.
Hay! Pwede na ulit kiligin. Ayiie!!! ^^
BINABASA MO ANG
Got To Let You Know [A SHORT STORY]
Proză scurtă✔ COMPLETED A short story about: 1. Crush problem 2. College life 3. Past memories 4. Childhood sweetheart 5. A seven-year gap relationship P.S. UNEDITED VERSION P.S.S. DRAFT ONLY P.P.P.S. DEDICATED SA LAHAT NG MAY CRUSH PERO HINDI PINAPANSIN