Part 3

141 9 0
                                    

"NAKITA MO?"

We're about to enter the lobby of this campus nang biglang magsalita itong kasama ko. Si Julian. Kaya kunot noong napatingin ako sa kanya.

"Ang alin?"

Sht! Baliw lang? Bowset kasi ng ngiti nito ee. Pang asar lang. Dapat talaga hindi ko na siya sinamahan. May tatanong lang daw sa kaklase niya sa ENGL25 na subject.

"Yung babae kanina? Si Zoe."

I smirked. "Oh ano?"

"Ito talaga parang ewan. Hindi mo nahalata?"

"That's nonsense. I don't care kahit maghalumpasay pa siya sa harap ko."

Nagulat ako nang bigla akong hawiin sa balikat nito. Ano ba yun?

"So, napansin mo nga?" Manghang tanong niya sa akin.

Kahit naman sino mapapansin yun. Obvious na obvious kaya!

"Mukha siyang nine years old! Halatang isip bata. That's just a puppy love. Makakalimutan niya rin yan."

Hay! Hindi ko alam kung bakit ko ito sinasabi. Ano bang meron sa batang iyon. Halatang ang laki ng tanda ko sa kanya. Imposible. Kung totoong ngang may paghanga sa akin ang batang iyon tulad na rin ng pinapahiwatig ng mokong na ito, makakalimutan niya rin yan.

Nasa tapat na ako ng Education Department nang mapansin kong hindi ko na kasunod si Julian. Kaya napalingon ako sa likuran ko, at doon nakita ko siyang parang tuod na nakangiti. Ano kayang tinira nito kaninang umaga at ang lakas ata ng tama nito ngayon sa utak?!

"Anong ginagawa mo?"

Sa puntong iyon ay unti unti na siyang lumapit sa akin saka huminto sa harap ko.

Kunot noong tiningnan ko siya. Hindi ko gusto ang ngiti niyang mukhang gagawa ng kalokohan.

"For so many years had passed, sa wakas magkaka-love life ka na." Saka mabilis pa sa alas kwatrong inunahan niya ako sa paglalakad.

Sht! Sht talagang mokong na yun! Kung ano ano pinagsasabi! He might know? Hindi nga? Takte! Halata ba?

"Magkaka-love life ka na?"

Gulat na napatingin ako sa teacher na lumabas ng Education Department.

"Gerrard?! I-I mean... Sir Gerrard??" Nabigla ako sa natawag ko sa kanya. Takte! Ang halay!

Pero tinawanan lang niya ako.

"Maka-sir ka... parang ang layo ng agwat natin sa isa't isa. Gerrard na lang baliw. Oh ano, tama ba yung narinig ko, magkaka-love life ka na, James?" Hinawakan pa niya ako sa balikat.

Nailing iling ako. "Hindi. Never."

Pero halata sa mukha niya na hindi siya naniniwala sa akin.

Gerrard is one of my friend last high school days. Sa totoo lang, ka-batch ko siya pero ngayon... well, he's now a professor and I'm one of his student. Napag-iwanan ako. Ang halay talaga, dre. Hindi ko siya matawag tawag na sir kapag nasa loob kami ng klase. Siya na lang laging tumatawag sa akin. Hay!

Para rin 'tong si Julian ee, laging may pilyong ngiti kapag may issue about sa akin. Bakit ba abang na abang sila sa love life ko? Showbiz lang?

"Nakita mo na ba SIYA?"

Natigilan ako dun sa tinanong niya. Siya? Ng lahat ng ito? Kung bakit hanggang ngayon estudyante pa rin ako?

Lumapit ako sa kanya saka ko siya tinapik sa balikat. "Oo. Malapit na." Saka ko siya nilayasan. Bahala siya sa buhay niya. Bahala siya mag isip.

Makikita ko rin SIYA. Naniniwala ako. Magkikita ulit kami.

Got To Let You Know [A SHORT STORY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon