Part 6

130 8 0
                                    

I WAS freezed. Here. Sa lobby. Wait? Kinausap ko siya? E di ba naiinis ako sa kanya? E di ba hindi ako komportable sa batang iyon?

Ang tanga tanga naman kasi niya!!! Bakit naka uniform pa siya kahit clearance week na?? Napakainosente naman oh! Grrrrr!!

Ano ba, James? Bakit parang apektado ka? HINDI AH! Never!

As you said. Aye! Aye! Captain!

Oh ano? Baliw lang no? Yung author po yan. LOL

Magmumukha tuloy siyang alien! Siya lang nakauniform dito sa campus!!! Argh! E ano naman?? Bahala siya sa buhay niya! Ginusto niya yan ee!

"Hoy! Ano bang tinutuod tuod mo dyan? Mukha kang poste ng meralco."

Hinarap ko itong mokong na ito na may kunot na noo. "Ikaw! Kasalanan mo ang lahat ng ito!"

Pero mukhang hindi nito naintindihan ang ibig kong sabihin. Gulat na gulat ito sa sinabi ko.

"Ako? Dre, anong ginawa ko sayo? Ngayon lang tayo nagkita sa araw na 'to?"

Kainis! Kung hindi niya inumpisahan ang pagpapakilala sa sa batang iyon? Hindi sana.. aaah! Wag na nga! Nevermind!

"Wala." Mahinahon ko nang tugon. "Nakapag umpisa ka na bang magpapirma?"

"Ang gulo mo. May gumugulo sa isip mo."

Baliw. Baliw na talaga itong lalaking 'to! Paano niya nalaman yun? Takte! Galing talaga makahalata!

"Wala. Bahala ka na nga dyan." Saka ko siya nilayasan. Ako na lang magpapapirma mag isa. Ayokong laging may kasamang wala nang ginawa kundi ang asarin ako.

"AT KINAUSAP pa niya ako! Eee! Nagulat talaga ako na halos... natawag ko ulit siya sa palayaw niya." -_-"

Pero mukhang hindi naman naniniwala sa akin itong dalawang 'to. Imposible ba talagang mangyari yun?? Nakita niyo naman di ba? I mean... nabasa niyo?! Kinausap niya talaga ako! Argh!

"Oo na lang kami." Sabay pa talaga sila nang sabihin yan.

"Totoo yun!" Argh! Napaka supportive talaga nila sa akin! Halata naman di ba? Sa kabaligtaran!

"May kaugnayan ba yan sa pag u-uniform mo kahit clearance week na?"

"Ee?" Pati ito nasali?

"Akala ba namin kakalimutan mo na siya e bakit parang nabubuhayan ka pa sa lagay na yan." Si Thea, asual kontra.

"Nagde-daydream ka na naman." Si Laiza. Akala ko susuportahan niya ako hanggang sa huli.

"Pero totoo yun. Nakasabay ko siya sa bus. Nagkatabi kami at kinausap niya ako." Pilit ko pa rin. Akala ko maniniwala sila. Dapat pala hindi ko na lang sinabi.

"Anong ginawa mo kagabi? Nakatira ka no?"

"Hindi ako umiinom! Eighteen lang ako!"

"Kaya ka nasasaktan. Sinabi mo kay Kuya Jimmy na eighteen ka NA tapos ngayon sasabihin mo sa amin na eighteen ka LANG? Ano ba talaga?"

Aaaahhh! Takte! Hindi talaga ako nakakatakas sa mga palusot ni Thea! Kaya minsan feeling ko nabubully na niya ako! T.T

"Thea..." parang nagmamakaawa na ako sa lagay kong ito. Ugh! Palimos ng konting suporta!

"Si Kuya Jimmy!"

Nagulat, at the same time bigla akong kinabahan sa sinabing iyon ni Laiza. Napalingon ako nang wala sa oras sa dako ng mga mata nito. Pati si Thea ay hindi naiwasang mapalingon din.

At mas ikinalaki ng mga mata ko nang mapansin ko kung anong direksyon ang tinatahak nito.

Sa A-Amin? He's going directly in the lounge where exactly we are?! Bakit mas lalong nagtakbuhan ang mga kabayo sa dibdib ko nang mapansin kong parang hindi maganda ang timpla ng mukha niya. Bigla akong nailing iling at inalala ang lahat ng ginawa ko na pwedeng ikagalit niya sa akin. Oo. Sa akin talaga. Dahil alam kong walang pakialam itong dalawa kay Kuya Jimmy. Ako lang.

Last month, inadd ko siya sa Facebook pero hindi pa niya inaaccept. Baka sumbatan na niya ako kung bakit ginawa ko yun? O kaya natrace na niya na may nagda-download ng mga pictures niya. Naku! Kailangan ko na atang idelete ang mga yun para wala ng ebidensya!!! O kaya yung paghahanap ko ng mga personal information niya? Argh! Kakalimutan ko na lahat yun in one, two, three seconds... and voila!

"CAN YOU EXPLAIN THIS TO ME!"

Natakot ako sa biglang pagtaas ng boses ni Kuya Jimmy. Galit at hinaluan ng inis ang mukha niya. Para akong maiiyak dito. Maging sina Thea at Laiza ay halatang nagulat din.

Napalunok ako ng wala sa oras nang makita ko na ang tinutukoy niya. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalala ko ang bagay na yun. Oo. May kinalaman yun kay Kuya Jimmy.

Tumayo ako pero bigla namang umatras ang dila ko para magpaliwanag nang magtama ang mga paningin namin ni Kuya Jimmy. Galit talaga siya. Ano nang gagawin mo, Zoe?!

"A-Ah.. K-Kuya... Hindi naman... gus------." Si Laiza yun. She's trying to explain.

Nakakainis! Wala akong masabi!

"You're a writer. Alam mo dapat ang rules sa pagsulat ng mga ganitong article! You should consulted THIS person before publishing his information! His PRIVATE information!"

"Ah ano... " anong idadahilan ko? Bakit ako nagpublished ng information niya? Dahil crush ko siya at gusto kong mapansin niya ako? Ang tanga kasi Zoe! Dahil ba sa ganyan akala mo okay lang?

"Sa tingin mo ba... kapag mabasa ko ito ee matutuwa ako?!? Sa tingin mo ba natutuwa ako?! Nananahimik ako tapos... isang araw mababasa ko na lang ang ganitong klase ng article?! This is bullsht!"

Ramdam ko. Ramdam na ramdam ko ang galit ni Kuya Jimmy. Tama nga naman. Nananahimik siya. Tapos... bigla kong nagulo. T.T

Hanggang sa mapansin ko na lang na lumalabo na ang paningin ko. Kasalanan ko naman ito ee. Dapat tanggapin ko ang consequences ng mga ginawa ko.

"I-I'm sorry..." iyon na lang. Iyon na lang ang kaya kong gawin. Hindi ko alam kung paano ko mapapahupa ang galit ni Kuya Jimmy sa akin. Naiiyak na lang ako para sa sarili ko.

"Sorry?!" Halata ang pagkaplastik sa boses niya. "Saan ka dadalhin ng sorry mo?! Mabubura ba sa isang iglap lang ng sorry mo ang mga impormasyon tungkol sa akin na nilathala mo dito sa school magazine?!"

Nakatungo na ako. Hindi na ako nakapagsalita pa. Pansin ko na rin ang mga matang nakatutok sa akin. Pahiyang pahiya na ako. Hindi ko alam, ganito pa ang mapapala ko sa mga kalokohan ko. Dapat... dapat hindi ko na lang talaga ginawa.

"Tama na Kuya Jimmy! Hindi ka na naawa kay Zoe! Pumapatol ka sa mas bata sa'yo?! Parang yan lang kinagagalit mo?!" Si Thea. At the end, pinagtanggol pa rin niya ako.

Hanggang sa lapitan na ako ni Laiza at hinawakan sa braso. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko.

"Sinong adviser mo dito?" Hindi niya pinansin yung dalawa.

"Ah... eh...."

"Sino?!?" Napasigaw na rin siya na ikinagulat ko.

"S-Si Sir G-Gerrard..."

Got To Let You Know [A SHORT STORY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon