Part 11

141 8 0
                                    

WAAH! THIS is... this is really the stupidest thing I've done! EVER! In my whole life! Huhuhuh! Ngayon lang ako napahiya ng ganoon. Sa harap ng klase!

Muntanga na akong nagwawala at nagmamaktol dito sa lounge. Buti na lang kahit papaano sinamahan pa ako nitong dalawa dito.

"Mahimik ka na nga dyan. Nakakakuha ka na ng atensyon. Napakalaki mo talagang iskandalo."

Pilit kong pinipigilan itong luha ko. Oo. Tama si Thea. Medyo marami pa ring estudyante dito at minsan may napapatingin pa sa akin.

"Sa tingin niyo, dapat ba puntahan ko si Sir Gerrard at humingi ng paumanhin?" Sabay punas punas sa mukha kong basang basa na sa luha at sipon. T.T

"Nasa iyo naman yan e. Konsensya mo na yan," maraming salamat kay Laiza. Parang wala namang naitulong yung sinabi niya. Parang lalo tuloy akong nakonsensya dun.

"Ang isyu dito, yung KALAN mo kapag nandyan si Kuya Jimmy."

Sige lang Thea. Pagdiinan pa. Alam ko naman yun e. Bakit ba hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag andyan lang siya sa tabi ko.

"Tumahan ka na nga dyan. Napaka-isip bata mo talaga. Lalong maiinis si Kuya Jimmy niyan sa iyo e."

Hala! Oo nga? Nakatama na naman itong si Thea. Pero? Pero... mukhang hindi ako lalong makakapag-concentrate nito kapag lagi kong iniisip si Kuya Jimmy. Dapat siguro ituon ko muna ang isip ko sa ibang bagay.

Oo. Iyon muna ang gagawin ko. Pansamantala, pipigilan ko muna ang sarili kong isipin siya. Pansamantala lang naman e.

"Kuya Jimmy?"

Hikbi lang ako ng hikbi. Eto na naman po sila? Babanggitin yung pangalan na yun tapos tatakutin ako para tumahan na.

Nakaharap sila sa akin. Hindi ko alam kung ano yung tinitingnan nila sa likod ko pero bahala na.

Tumayo na ako. "Alam niyo, hindi niyo na ako madadala dyan sa Kuya-Kuya Jimmy niyo. Nabiktima niyo na ako kaya hindi na mauulit yun. Tsaka, kakalimutan ko muna siya. Laging may nangyayaring hindi maganda kapag iniisip ko siya ee."

"Pero..."

"Oh sige na, mauna na ako sa inyo," kinuha ko na yung mga gamit ko. Pero unang hakbang palang ay hindi ko na nagawa nang... may humawak sa braso ko at hinila niya ako...

Hinila niya ako?

Hinila niya ako?

Hinila niya ako?

Hinila niya ako?

Hinila niya ako?

Hinila niya ako?

"Wag. Iyan ang wag na wag mong gagawin."

I was... shocked? All I know... may yumakap sa akin? Hindi ako nakagalaw. Kanina... maglalakad na ako nang may humila sa akin... at niyakap niya ako? Tama ba?

"Kuya Jimmy?" Tama ba? Siya... yung yumakap sa akin?

Naramdaman kong humigpit ang yakap niya sa akin. Naramdaman ko rin ang paghaplos niya sa buhok ko.

Ano ba ito? Anong ginagawa niya? Sa tingin ko, marami-rami pa ang estudyante dito sa lounges.

"Kakalimutan mo na ba ako?"

Hindi ko alam kung tama ba yung lungkot na nabababaag ko sa boses ni Kuya Jimmy. Pero... di ba yun yung huli kong sinabi sa sarili ko... na kakalimutan ko na siya? Pero... sa sitwasyon namin ngayon, magagawa ko pa ba yun?

Sinubukan kong ilayo ang sarili ko sa pagkakayakap niya... pero ayaw niya akong pakawalan. Lalo niyang ipinagsiksikan ang mukha niya sa leeg ko. Napakagat-labi ako. Hindi ko alam kung tama bang tubig yung naramdaman kong tumulo sa leeg ko.

Wag niyang sabihing... umiiyak siya??

"Hindi kita bibitawan hanggang hindi mo binabawi yung sinabi mo."

I was lost. I was lost by my own emotion. Takte lang talaga! Hindi ko naman talaga kayang gawin yung sinabi ko kanina ee! Bowset lang! Anong magagawa ko? Mahal ko to ee! Siguro nga, mahal ko na siya.

Everything went on my own dream path. I love this guy since then but... it can't take away from my mind if he can love me back. I'm just hoping to.

And all I know, I hugged him back.

"SALAMAT SA paghatid. Gabi na, sige, bye."

Kuya Jimmy insisted to drive me home. Tanggi na ako ng tanggi pero sina Laiza at Thea, iniwan na ako. Hanggang sa kaladkarin na ako ni Kuya Jimmy. De joke lang. Napilitan na ako kahit napaka-awkward.

Tatalikod na sana ako nang biglang magsalita si Kuya Jimmy na ikinagulat ko.

"Can I invite you to go out?"

Natahimik ako. He's inviting me? For a date? Nah! No, Zoe! Wag assuming! Mamaya iba naman yung nasa isip mo sa ibig sabihin ni Kuya Jimmy.

"It's Julian's birthday next saturday. Pwede daw ako magsama ng friend if I like to."

Bakit imbes na matuwa ako ee mukha pang binagsakan ng langit at lupa ang puso ko. Sabi ko kasi wag assuming, Zoe!

"Ah... eh..."

"Hindi naman kita pinipilit. If you just like to. Wala kasi akong makakasama. Invited ata buong klase namin last year. Tsaka hindi ka naman bago sa kanya di ba? You were once classmates, right?"

Sasama ba ako? Sa explanation ni Kuya Jimmy, parang gusto na rin niya akong isama ee?

"Ok. Sama ako." Sana tama itong sinabi ko.

"Really?!" Kitang kita ko yung magandang ngiti ni Kuya Jimmy. Tuwang tuwa siya sa sinabi ko. ^^

Tumango tango ako. "Sige, good night." Tatalikod na sana ako nang bigla naman niya akong hawakan sa braso... at halikan... sa noo. ^^

"Good night. See you," saka siya sumakay sa kotse niya at kumaway pa bago pinaandar yung kotse.

At ako? Naiwang tulala dito.

Waaaaaaahh!!!!! He kissed me?! Nah! Sa forehead lang naman. But... still sweet! Haaayyy... that's the kind of guy I'm looking for. Sweet and gentleman. Hindi ako nagsisising humanga ako sa kanya sa loob ng maraming taon.

Love for the last.

Got To Let You Know [A SHORT STORY] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon