Chapter 2

877 38 23
                                    

"Waaah!" Napabalikwas ako ng bangon.

Bakit gano'n? Bakit wala siyang mukha? Nakakatakot pero ang cute parin hehe.

Tinignan ko yung orasan na digital. Hindi ako marunong mag basa ng orasang may arrow-arrow. 4: 30 am? Hala. Hindi ako nakakain. 3: 30 pm ako natulog tapos nagising ako na 4: 30 am na? Teka-teka. 13 hours? Weh? Ano ako? Si sleeping beauty? Kamukha ko siya pero hindi ako siya. Wah Martina, kapal ng mukha mo.

Makatayo na nga. Papasok pa ako.

Naligo na ako at kumain.

"Tapos na ako kumain ma, alis na ako." Pagpapaalam ko. Kumiss ako kay mama at kinuha ko yung bag ko.

Naglakad na ako papunta sa terminal ng tricycle.

"Garcia Highschool?" Tanong ko sa tricycle drayber. Tumango si manong. Sumakay ako sa likod at umandar na ang tricycle.

Nakarating ako ng safe at maganda parin naman. Ngayon, kademonyohan mood on. Poker face akong nag lakad papasok sa school. Tinginan nanaman sila. Masyado ba akong famous?

Dumeretso na ako sa room. Umupo na ako sa upuan ko at kinalikot ang cellphone ko.

Boring naman. Wala pa kasi 'yung tatlo.

Dumating na si sir at nandito na rin ang tatlo.

"Announcement, class! May darating na bisita dito. Galing sila sa MIS. Mystic International School. Kukuha sila ng mga estudyanteng kakaiba. Hindi matatalino kundi kabaliktaran nito. Ibabase ito sa grades niyo sa nakaraang grading. Dahil ang school na iyon ay para sa mga matatalino at mayayaman. Dahil sa katalinuhan nila ay lahat sila ay hindi nag ta-top dahil halos magkakaparehas ang kanilang mga grado."

So, ano? Kukuha sila ng bobo? Adik ba sila? Para na rin kaming ininsulto. Mga mayayaman at matatalino nga naman.

Nag taas ng kamay si Marie. Yung classmate naming bida-bida.

"E, sir. Paano yung matatalino? Unfair po."

Nagsitanguan yung mga feeling matatalino (kahit hindi). Tumayo ako.

"Tanga ka ba? Kukuha nga sila ng bobo para may mababa ang grade dun sa school nila. Sa sobrang dami ng mga matatalino sa kanila hindi nila alam kung sino ang mag ta-top. Inshort Kukuha sila ng ma-iinsulto nila kasi lahat sila perfect." At umupo ako.

"Woooh! Burned!" Sigawan yung mga kaklase ko.

"Panis ka pala kay Martina, Marie eh!" Sigaw ni Perez.

"Barss!" Sigaw ng mga lalaki sa likod na ka-row ko. Apat lang kaming babae sa likod.

Napangisi ako. Don't me, Marie.

"Oh! Tama na yan!" Awat ni sir. Nakiki-sigaw rin tong si sir kanina eh.

Maya-maya ay may kumatok sa aming pintong nakabukas. Muntanga. Kakatok siya pero nakabukas naman. Shunga. Mga amerikanong naka business suit nga naman.

"Excuse me?" Tanong nung isang amerikano.

"Bakit dadaan ka?" Tanong ni sir. Nagtawanan kami.

"Woooh! Barss nanaman!" Sigaw ni...sino yun? Basta yung classmate kong kapre.

"Huh?" Kunot na tanong nung amerikano.

"Huh? Hatdog!" Sigaw ng mga lalake. Nagsitawanan nanaman kami.

Walanghiya talaga ng mga kaklase kong ito.

"Shhh manahimik nga kayo! Ang babastos niyo!" Nagalit ang presidente namin at nagsitahimikan kami.

Loving Mr. BautistaWhere stories live. Discover now