Chapter 6

500 34 17
                                    

Nagising ako nang alas tres ng madaling araw kahit na ayaw ko pa. Hindi ako makatulog at ilang oras na lang ay kailangan ko nang gumayak papuntang eskwelahan.

Naalala ko si Hero. Hindi ako makapaniwala na magkikita kami sa gano'ng sitwasyon. Nakakahiya sakanya, kahit okay lang sa pamilya niya, paano naman sakanya? Paano kung i-hate niya ako nang sobra? Ikaw ba naman kasi ang matapunan ng kaning baboy, hindi ka ba naman magalit no'n?

Ang sama ng tingin niya sa'kin buong gabi. Sobrang talas at kapag tumingin ka, matutusok ka.

"May, ano nang gagawin ko?" Tanong ko sa aso ko na nakahiga sa kama. Tapos ko narin pala ayusin ang mga gamit ko.

"Ihhh! Nakakainis naman! Hindi ko naman kasi 'yon sinasadya 'di ba? Kasalanan ko bang magugulatin ako? Oo, kasalanan ko! Ihhh kasi naman!" Sabi ko habang nagpapadyak.

"Grrrr!" Napalayo ako kay Maymay at humiga nang tuwid.

"Eto naman hindi madikitan."

Naiistress na talaga ako! Ano nang gagawin ko pag lumipat na ako sa school na 'yon? Baka mamaya doon din pala siya mag-aaral. Hindi ko talaga kakayanin yung kahihiyan.

MAYA-MAYA ay kinatok na ako ni Karina para mag-almusal at tutal nakaligo naman na ako pagkatapos kong alalahanin ang mga kahihiyan ko ay deretso na kami sa dining area na malaki. Ang boring nga kasi ako lang mag-isa ang kumakain. Masarap sana yung mga pagkain, ang kaso malungkot.


6 am na at 7 am dapat ando'n na sa school. Tumayo na ako at tinuro ni Karina kung saan yung magsusundo sa akin.

Ang gara naman ng sasakyan ko na kotse. Iba sa pinang-sundo sa akin kahapon. Sumakay na ako sa likod. Nakita ko nanaman yung ingleserong driver na nagsundo sa akin kahapon.

"Kamusta?" Tanong niya.

"Eto gago pa din." Lutang kong sagot.

"Gago?" Napa-angat ako at nakita ko siyang tumingin sa rear view mirror.

"Ahh ayos lang." Tamad kong pagbabago ng sagot.

"Great." Sagot niya.

Sumulyap ako sa ID na nailapag niya dito sa car seat na kinakaupuan ko.

Yuon Hontiveros.

NAGLALAKAD na ako sa corridor. Pumasok na ako sa room at buti wala pa si Sir.

Pupuntahan ko sana si Mae dahil wala pa si Lorraine at Berna kaso may kausap si Mae. Si Jenny ata 'yon. Yung classmate naming mahaba ang buhok at mapayat. Matangkad din 'yon at brown eyes. Si Mae kasi mahaba ang buhok at kulot. Saktong tangkad lang at black eyes. Nagatatawanan sila.

Kinausap ko na lang yung iba kong classmates. Lalapit lang naman si Mae pag may kailangan  minsan, e.

Dumating na si Lorraine at ayon nagdaldalan kaming dalawa.

"Lorraine, anyare kay Mae? Bakit gano'n 'yon?" Tanong ko.

"Ewan ko diyan." Sabay kibit balikat.

"Mae!" Tawag ko. Lumingon siya at lumapit.

"Oh?" Inis na tanong niya.

"So si Jenny na lang ang friend mo?" Tanong ni Lorraine.

"Ha? Kausap niyo ko?" Turo niya sa sarili niya.

"Oo yata?" Sarkastiko kong tanong pabalik.

"Ay sorry, guys. Ano kasi...ayaw kong bumagsak this quarter."

Loving Mr. BautistaWhere stories live. Discover now