Chapter 21

22 1 0
                                    

"Thank you!"

At sa huling salita ay umakyat na agad si Karina sa entablado para magsalita.

"Let's all give a round of applause for Wings!" Nagpalakpakan kami. "So, as I can see, our judges and the audience are having fun, tama ba Mystical International School!?" Nagsigawan kaming lahat at nag-ingay.

"That's the spirit! Napabilib tayo ng grupong Wings pero mapapabilib din ba tayo sa susunod na banda? Hmm, let's see." Dumilim ang stage at napalitan ng blue at red na ilaw.
Lumitaw ulit si Karina at nagsalita. "Everyone! May I present you Ilyara!" Pagkasabi niya no'n ay gumilid siya at nagbukas ng puting ilaw para sa spotlight. Bumaba na si Karina at lumapit sa kinakaupuan ko.

Nakita ko na si Yuon. Siya ang vocalist at may dala siyang bass. Tinapunan niya ako ng tingin at ngumiti labas ang ngipin. Ang gwapo niya rin pala 'no?

Nagsimula silang tumugtog ng original composition nila at ang estudyante at nagsasayawan na ngayon.

Ngayon ko lang nakitang tumugtog si Yuon sa stage kaya sobrang nakakabilib siya. Buong buo ang boses niya at ako lang ba o pasulyap-sulyap siya sa akin? 'Wag niyang sabihin may gusto pa siya sa'kin, ikakasal na 'ko.

Umakyat nanaman si Karina nang matapos ang kanta at as usual palakpakan nanaman tapos next na 'yung hindi nila original na composition. Ewan ko ba mga plano nila dito sa pesteng Battle Of The Bands na 'to, masyadong mahaba. Bale sampung kanta lahat kasi lima ang banda.

"Girl, labas mo na 'yung banner!" Utos ni Gene kaya nilabas ko na ito sa bag at kaming dalawa ang naghawak. Bawal kasi si Karina dahil daw masyadong bias pag gano'n.

"Ayan na sasabihin niya na!" Niyugyog ako ni Gene.

"'Wag mo 'ko yugyogin! Baka mapunit 'yung banner!" Saway ko.

"Your eyeglasses and corny jokes." Napatigil ako nang sabihin niya 'yon. Nagtingin kami saglit ni Gene.

"Waaaah! Yung best--" tinakpan ko bunganga niya kahit na nagpupumilit siyang tanggalin ko ito. Tinanggal ko lang nang nagsimula nang tugtugin ni Yuon ang bass niya.

𝐆𝐚𝐛𝐢//𝐑𝐞𝐝 𝐉𝐨𝐚𝐪𝐮𝐢𝐧

"Kahit sa'n man tayo magsimula nandito lang naman ako, kahit pa pa abutin ng umaga walang makakatalo sa'yo," ♪♪

Nagtiliin ang lahat at tila parang mga hayop sa sobrang ingay. Kung baga "the crowd goes wild" ni-hindi ko na gaano marinig. Para kanino ba 'tong kantang 'to, ah? Eme alam kong para sa akin 'to, halata naman.

"Basta't ngayong gabi, tayo ay maligaya at sa ating tabi, 'di na magbabago pa nararamdaman ko para sa'yo,"♪♪

Tumingin siya sa akin saglit at nginitian ako at kumindat kaya miniddle finger ko siya. Pa-cute amputa.

"Ms. Chaves!" Saway sa akin ng adviser namin kaya nag peace sign ako.

'Gabi-i-i-i, masdan mo mga bituin, kay tami-i-i-is mo sanang mahalin, kahit sa'n ka man, nandito lang sa tabi magpakailanman ikaw parin gabi-gabi,"♪♪

"Hahahahahah girl, halatang ikaw parin." Asar sa akin ni Gene.

"Off limits ako tse!"

"Kailan ba kita makikita? Ako ay naiinip na, puso ko'y mabilis at masaya t'wing naiisip ka, basta't ngayong gabi, tayo ay maligaya, at sa ating tabi 'di na magbabago pa nararamdaman ko para sa'yo."♪♪

Loving Mr. BautistaWhere stories live. Discover now