Chapter 17

103 10 16
                                    

Nagising ako nang biglang may yumugyog sa akin.

"Ano ba!?" Sigaw ko.

Mukhang naalimpungatan yata ako.

"Uy, chillax lang, Marts. We're here." Umayos ako ng upo at nilibot ang panangin.

Nasa kotse ako ni Six at nakaparada na ito sa harap mismo ng bahay.

"Tara na baba na tayo. Pasok ka muna." Pagyaya ko kay Six. Umiling iling siya.

"No need. Aalis na ako agad. See you on monday." Ngumiti ako.

"Bye. Thank you sa paghatid." Bumababa na ako at agad na niyang pinaandar ang sasakyan.

Pumasok na ako sa bahay at naabutan ko si Santi sa salas.

"Asan sila?" Tinanong ko siya na para bang walang nangyari.

"They all left. Yuon is on his rehearsal for the battle of the bands. Tita Martha and tita Khristina are on a meeting I guess. Karina is...nowhere to be found. Day off ng mga maids, remember?" Sagot nang hindi nakatingin sa akin at naglalaro ng xbox.

"Ba't andito ka?"

"Just chillin' as if we don't have a big day on Friday."

"Huh?"

"Battle of the bands na next week. I hope you'll come." Tamad na pagsasalita niya.

"Syempre nama--"

"Syempre naman. Ando'n nga pala ang mapapangasawa mo." Ngumisi siya. Alam kong sarkastiko ito kaya inikutan ko lang siya ng mata.

Pumunta ako sa kusina at uminom ng tubig. Gusto ko na matulog. Naputol kasi tulog ko kanina kainis.

Nanaginip nanaman ako pota. Kakaiba nanaman. Last time ata ay noong nag beach kami. Ngayon eto naman. Parang hindi akin 'yung panaginip pero parang ako talaga 'yon, e.

Umakyat na ako sa taas at dumeretso sa banyo para maligo na.

Habang naliligo ay iniisip ko parin ang pagpapakasal. Naisip ko rin na ano kaya kung papayag ako sa pagpapakasal tapos pag legal na ako, tsaka na ako mag file ng divorce?

O 'di kaya para mas madali, yung plano ko na lang kanina.

Pagkatapos ko maligo ay nagbihis na ako at humiga sa aking kama. Gumulong gulong, tumingin sa ceiling, nagbilang ng tupa sa isip hanggang sa makatulog.

Ngunit tumunog ang busina ng sasakyan sa labas kaya nahulog ako sa kama sa gulat at napamura.

"Tangina." Bumangon ako tinignan ito sa bintana ng kwarto ko.

Iba nanamang kotse. Panibagong tao. Shet. Ayaw ko lumabas ng kwarto pag may bisita, e.

Maya-maya ay may kumatok sa pintuan ko at ako naman ay napapikit sa inis.

"Martina, pinapatawag ka nila tita sa baba. Pakibilis." Boses ni Santi ang narinig ko at padabog akong naglakad.

Kainis naman, oh. Naaantok na ako, e. Gusto ko nang matulog.

Bumaba na ako agad at wala na akong balak mag ayos pa dahil pagod na ako.

Naka malaking tshirt lang ako hanggang tuhod at walang bra.
May short naman ako syempre.
Nakapaa lang rin ako at buhaghag ang buhok. Isipin niyo gaano ako kabruha na lalabas para tignan ang mga bisita piste. Wala pa yung salamin ko.

"Martina! Ba't ganyan suot mo!?" Nasigawan ako ni mama kaya bumalik ako sa ulirat at na-realize na lahat sila nakatingin sa akin.

Si Santi, Yuon, mama, tita Khristina at...si Hero. Putangina.

Loving Mr. BautistaWhere stories live. Discover now