Chapter 15

154 16 19
                                    


"Anak..." Tawag sa akin ni mama habang nakasandal ako sa kaliwang balikat niya.

Na andito kami sa kotse at kami lang dalawa ang nakasakay dito at ang driver dahil si ninang ay dumeretso na sa trabaho niya dahil sumaglit lang siya para makapag dinner kami.

"Ma, oo nga pala dito na kayo for good?" Tanong ko. Umiling siya habang nakangiti ngunit kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot.

"Kailangan kong balikan ang papa mo pati na rin ang trabaho ko." Nag pout naman ako.

Ano pa nga ba? Maiiwan nanaman ako dito. Pero ang pagbabago nga lang ay pag-iniwan ulit ako ni mama dito, kasal na kami ni Hero.

Napangiti ako sa naiisip at parang gusto kong itulak si mama sa kilig o 'di kaya sabunutan siya at mag tatalon sa tuwa. Hindi nanaman ako makakatulog ng maayos nito. Shet.

"Huy! Anong nginingiti ngiti mo diyan? Hindi porque mag-aasawa ka na nang maaga, e pwede mo nang gawin lahat ng gusto mo. Bata ka pa. Kinse anyos ka pa lang kaya bawal ang kung ano mang iniisip mo." Saway sa'kin ni mama.

Grabe naman si mama. Parang ano naman. Mga iniisip kung ano-ano, alam ko naman 'yon. Di naman ako mag te-take advantage kay Hero.

"Tsaka, kaya namin kayo ipapakasal, e dahil sa isang bagay. Malalaman niyo rin ngunit hindi ngayon."

"Alam ko naman 'yon, ma. Kahit naman sobrang mahal ko 'yung si Hero, hindi muna ako kakalampag." Pinalo niya ako sa kamay.

"Bunganga mo nga, Martina. Ano 'yang kalampag-kalampag na 'yan. Mga natututunan mo, ah. Iniwan lang kita ng mga ilang buwan..." Sinamaan niya ako ng tingin.

"Joke lang, ma."

"Joke joke mo mukha mo."

"Maaaaa." Niyakap ko siya ta's kiniss sa pisngi ta's kinulit kulit siya.

"Tigilan mo nga ako, Martina. 'Di ako natutuwa sa'yo." Nag pout ako.

"Ma, naman ehhh." Tapos kiniliti ko. Hindi namin namalayan na nagtatawanan na kami.

Nakakatuwa si mama. Nakakamiss. Gusto ko na ulit umuwi sa bahay at magluto ng pancit canton pag wala siya. Gusto ko na mag public ulit. Nakakamiss talaga kahit yung katsismisan kong si Iseng.

Pag baba namin ay tumakbo ako ng mabilis papasok sa bahay at nagtinginan ang mga tao sa bahay.

"Martina, sa'n--"  hindi ko na narinig pa yung nagsalita pero alam kong sinusundan nila ako.

Dere-deretso ang takbo ko sa pool area sabay talon. Ang tagal ko sa pool. Mga 20 seconds ata akong nakalubog.

"Martina!" Sigaw ng mga lalake. Maya-maya'y naramdaman ko na lang na may bumubuhat sa akin.

"Martina! Okay ka lang?" Nakita ko si Santi habang binubuhat niya ako nang naka bridal.

Anong ginagawa neto?

"IKAKASAL NA 'KOOOO!" Sigaw ko. "Ikakasal na 'ko, ikakasal na 'ko, ikakasa--mhmhmmmhm." Bigla akong binitawan ni Santi kaya lumubog ulit ako sa tubig. Tumayo ako sa pool at nakita kong umaahon na si Santi.

Inilibot ko naman ang aking paningin at pumalakpak si Karina at kuya Benie. Kita ko naman ang lungkot ng ngiti ni Yuon at nag walk out siya, gano'n din si Santi.

Lumangoy ako para umahon. Nang umahon ako ay hinabol ko si Santi. Nakakagago naman 'yon. Ano ba problema no'n? May gusto ba siya sa'kin? Bakit siya nag walk out?

Tumakbo ako at nakita ko siya na umaakyat sa hagdanan. Ay naku naman, papahabulin pa ako netong si Santi. Basang basa pa naman din ako.

Naku naman baka madapa pa 'ko neto. Ang dulas pa naman ng tiles at ang lamig pa. Tanga ko naman kasi, e.

Loving Mr. BautistaWhere stories live. Discover now