Chapter 1

1.5K 37 17
                                    


"Ano ba 'yan! Ang tanga-tanga!"
Parinig no'ng mga estudyante sa eskwelahan na pinagpapasukan ko.

Nadapa kasi ako sa corridor. Para naman talaga akong tanga.

"Martina, anong nangyari sa'yo?" Pag-aalalang tanong no'ng classmate ko na si Bernadette. Tinulungan niya 'kong tumayo.

"Eh…na-dapa kasi ako. Ayan ako nanaman yung napansin ng mga 'to." paliwanag ko.

"Ayusin mo yung salamin mo." sabi sa'kin ni Lorraine na kasama niya rin.

Inayos ko yung salamin ko at 'yong sarili ko. Tumayo ako nang matuwid at tinignan ko lahat ng estudyante na may galit sa mukha. Natatawa lang sila sa akin.

Shit lang. Nakakainis.

Dahil naiinis ako. Palihim kong nilagyan ng mantika na dapat ay ipang gagamit namin mamaya sa TLE. Ngayon pa lang kasi ako bumili.

Naglakad na kami at pumasok sa room. Umupo ako sa dulo para makapang daya kami mamaya sa quiz. Oo, bobo ako. Ano naman? Porque may salamin matalino na? Sino sabi sa inyo? Yung librong kinahihiligan niyo?

Nanggigigil talaga ako sa mga estudyante dito maliban kayla Bernadette, Lorraine at Mae. Sila lang kasi ang medyo nakakatagal ng kagaguhan ko sa school na 'to eh.

"Alam mo hindi mo dapat ginawa 'yon. Paano kung naabutan ka ni ma'am Villamor? Patay ka!" Saway sa'kin ni Mae.

"Ang masamang damo, hindi madaling mamatay." pagkasabi ko no'n ay tumahimik siya.

"Eh Martina, nag-aalala lang kami sa'yo." sabi ni Bernadette.

"Okay." Iyon lang sagot ko.

"Ay oo nga pala, Martina. How's your crush? May progress na ba?" Tanong ni Lorraine na may halong asar.

"Ahh 'yon? Wala na 'yon." sagot ko sa kanya.

Tinatamad akong pag usapan si Hero. 'La naman akong mapapala. Pero crush ko 'yon.

"Ha?! Wala na?! Patay na?! Deads na ba?!" Sigaw niya sa'kin.

"Ba't ka nakasigaw?!" Sigaw ko rin.

"Hindi ako nakasigaw! Bingi ka kasi kaya nilalakasan ko!" Sigaw niya ulit. Tinarayan ko lang siya.

Hindi ko mga bestfriend 'tong mga 'to. Wala akong bestfriend. Feeling ko kasi cliché.

"Eh Tin, ayaw mo bang magpakilala?" Tanong ni Bernadette.

"Ba't ako ang magpapakilala? Psh."

"Ayaw mo ba ng closure?" Tanong ni Bernadette.

"Closure. Psh. Wala akong pakialam." Kinuha ko na lamang ang cellphone ko na bulok at binuksan ito.

Ayon dahil pangit camera ng cellphone ko at umiinit pag binubuksan yung data, pinatay ko na lang. Napaka walang kwenta! Mamatay na sana yung gumawa ng cellphone na 'to.

Oh ayan na 'yong teacher naming si Sir. Ngo. Ayon tinawag niya mga pangalan namin.

"Martina Chaves!" Tawag niya. Nag taas lang ako ng kamay.

Hindi na ako sumigaw ng present. Sasayangin ko pa ba laway ko?

"Lorraine Ann Ejercito!" Tawag niya kay Lorraine at nag taas naman ng kamay si Lorraine.

"Bernadette Cruz!" Gano'n din 'yong ginawa ni Bernadette.

"Mae Bernardo!" Nag present naman si Mae. Bida-bida 'yan eh.

After ng tatlong klase namin, nag break na at syempre dahil may baon akong Sandwich iyon 'yong kinain ko at sila lumabas.

Mamaya na ang math. Madali lang naman yun. Psh. Rational Algebraic Expression lang naman 'yon. Nabu-bwisit lang ako sa division.

Natapos lahat-lahat ng subject at buti naman kasi gutom na ako.

Lumabas na ako ng room kasama si Mae.

Pinagtitinginan nanaman nila ako kaya binibigyan ko sila ng isang mala demonyong ngiti. Umiiwas sila agad ng tingin.

Psh. Wala pala kayo sa akin, e.
Isa pang tingin at talagang mabubulag kayo.

"Ayan ka nanaman, Tin, e.
Hayaan mo na sila." Saway ni Mae.

"Pake mo ba?" Pagsusungit ko sa kanya.

"Aish! Tara na nga!" Hinili niya 'ko papuntang corridor ng section 1 at section 2.

Tuwing dumadaan kami do'n ay parang nangliliit ako sa sarili ko.
Para bang ang taas-taas nila sa amin. Tingin ko sa kanila ay parang mga matapobre. Kaya ayaw ko sa mga mayayaman, magaganda at matatalino. Feeling ko lahat sila matapobre. Judgemental ako, e. Lumalayo ako kaagad sa kanila.

Gusto ko na lang na makauwi.
Sana wala mama ko. Maingay 'yon eh. Ang kulit, pero masaya.

Hindi ko alam kung sino ang totoo kong tatay. Lumaki ako na si mama at papa ang aking step father ang nakagisnan kong ama.

Andito na kami sa gate ng school. Maghihiwalay na kami nitong si Mae.

"Bye, Tin!" Pagpaalam niya. Nag bye lang ako gamit ang kamay habang nakasimangot.

Sumakay na 'ko ng tricycle. Pagkatapos no'n ay sumakay pako ng sikad. Oo, poor lang ako.
Pero hindi 'yong mahirap talaga.

Pag-uwi ko ng bahay walang sumalubong sa akin. Nagtatrabaho kasi sina mama at papa. Si Maymay lang naman ang na andito. Ang aso naming maldita. Dinamba niya ako at dinilaan ang kamay ko. Nagtatatalon. Luh, akala niya naman tao siya. Kiniss niya ako kahit yung ilong lang niya na basa yung dumikit sa pisngi ko.

Nagbihis na ako at nagluto ng kakainin ko. Ayaw ko nga ng dilata. Kahit century Tuna pa na ine-endors ni James Reid. Buti ay may itlog sa ref kaya nag sangag ako at nagluto ng corned beef na naka stock. Hindi nga alam ni mama na magluluto ako eh. Panigurado lagot nanaman ako. Kahit maldita ako, pag si Ina na ang nagbubunga, tiklop na ako panigurado. Hinahanap ko na yung mga idadahilan ko.

Habang nagluluto ako syempre nakabukas 'yong TV.

After no'n, kumakain na ako. Hindi naman kakain 'yang si Maymay. Maarte 'yan. Ang gusto niya kasi barbecue. Wala akong pera kaya mag tiis muna siya. Ubos na pera ko pang pamasahe. Dalawang sakay pa ako. Pag dating na lang ni mama. Malapit naman na siya makauwi kaya bibilisan ko na lang yung pag-kain.

Umakyat na ako sa kwarto at ibinagsak ang sarili sa kama.

Nagbukas na ako ng Facebook. Puno nanaman ang notification box ko. Puro "also commented" at "wish her/him a happy birthday" nakakasawa.

Ini-stalk ko nanaman si Hero Bautista. Ang gwapo niya talaga. Dati naman kasi, hindi ko gusto ang mga chinito. Gusto ko dati iyong mga mala-Zac Efron pero parang bumaliktad 'yong mundo.

Itim ang buhok niya malamang. Matangkad at chinito.

Nakatira siya sa Quezon City. Malayo. Pero pwede i-jeep. Wala nga lang akong pera. Tsaka anong gagawin ko dun? Susulyapan lang siya sa school niyang pang mayaman?

Ibinaba ko na ang cellphone ko at napag desisyunan na umidlip muna.


NAGISING ako sa isang malaking kama. Iisang tanong lang ang nasa isip ko ngayon.

Asan ako?

Bakit ako nandito?

Paano?

Saan?

Kailan?

Oh, talaga ba? Isang tanong?

Bumangon ako. Pinagmasdan ko ang tanawin na nakikita ko.

Puta. Asan ako?

Lumabas ako sa kwartong puro puti lang naman.

Bumaba ako sa malaking hagdan. Ang lawak puro puti na kagamitan lang ang nakikita ko.
Pero may napansin akong lalaking naka talikod. Lumapit ako sa kanya pero hindi ko parin nakikita ang harap niya dahil nga nakatalikod siya. Tinapik ko siya.

Sa paglingon niya ay bigla akong nagising at napabalikwas.

Loving Mr. BautistaWhere stories live. Discover now