Chapter 10

230 28 39
                                    


Napanganga ako sa sinabi ni Yuon.

"Martina?" Tawag niya sakin.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko.

Ako? Gusto niya? Weh. Ulol.

Alam kong maganda ako, pero 'di ko naman alam na umabot hanggang QC yung ganda ko.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan?"

"A-ano kasi. Ginugulat mo ako. Ulitin mo nga sinabi mo." Gusto ko lang marinig ulit.

"Narinig mo naman, Martina." Kalmadong sagot niya.

"Bakit ba? Gusto ko lang marinig ulit. Baka kasi namali ka lang o ano." Pagpupumilit ko.

Gusto ko lang marinig. Nakakagulat naman kasi siya pero hindi ibig sabihin no'n gusto ko na rin siya. Si Hero parin.

"Pag ba inulit ko, sasagutin mo rin ako na gusto mo ako?"

Napatigil ako. Hindi ko inasahan yung sinabi niya. Totoo naman sinabi niya.

"Yuon..." Tawag ko. 'Di ko alam sasabihin.

Ano ba naman kasi itong si Yuon. Basta basta na lang magsasabi nang gano'n.

Mabait si Yuon, at hindi ko kakayanin na mawala siya kasi tinuring ko na rin siyang kaibigan. Sila ni Karina.

Teka. Si Karina. Alam niya rin ba?

"It's okay." Ngumiti siya at yumuko.

"Yuon, si Karina." Napatingin siya sa'kin at nangunot ang noo niya.

"Anong meron kay Karina?" Kuryoso niyang tanong.

"Bakit wala namang sinabi si Karina na pamangkin ka ni ninang? O kaya si ninang? Alam niya ba? Bakit hindi ka sumasabay sa amin sa pagkain? Pinlano mo ba lahat?" Sunod-sunod na tanong ko. Tipid siyang ngumiti at tumango.

"Pinagmukha niyo lang akong tanga." Iyon lang nasabi ko at tumayo. Agad akong tumakbo papuntang kwarto. Napatingin naman ang lahat nang nasa loob ng bahay.

Tangina. Pinagmukha niya akong tanga. Ano bang ginawa ko sa kanya? Ha?

Alam kong gusto niya ako pero kailangan ba talaga na magsinungaling?

Hindi ako naiyak o ano talagang na-bwisit lang talaga ako.

Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at sinara ito. Laking gulat ko kung sino ang nasa loob.

"Anong ginagawa mo dito!?" Tanong ko na pa-sigaw.

"Nakakagulat ka naman, Martina." Sabi niya lang sabay hawak sa dibdib niya.

Nakahiga siya sa kama ko at nakakumot pa talaga ang gago. Lumapit ako sa kanya.

"Gago! Mas ikaw ang nakakagulat! Sino ba nagsabi sa'yo na pu-pwede kang pumasok sa kwarto ko at humiga sa kama ko? Wow, feeling ka?"

Tumayo siya at dahan-dahan lumapit sa akin. Umatras ako nang umatras hanggang napasandal ako sa pader.

"Lakas mo namang mag mura, baby girl. Tsaka kwarto ko 'to at kama ko." Tapos ngumiti siya. Tinulak ko siya.

"Yaang suot mo." Turo niya sa black T-shirt na may logo ng Queen.

"Ano'ng meron sa suot ko?" Napatingin ako sa suot ko.

Nasa closet ko 'to at sabi ni ninang lahat nang nasa closet ko ay binili niya para sa'kin.

"Sa:kin 'yan. Binigay ko 'yan sa ex ko pero binalik niya sa'kin no'ng nag break kami." Lumungkot ang boses niya.

Loving Mr. BautistaWhere stories live. Discover now