Chapter 11

201 23 13
                                    

Napamulat ako nang may nagsusuklay ng buhok ko gamit ang kamay. Lumingon ako kung sino ito ngunit masyadong malabo ang mata ko para malinaw na makita kung sino ito. Pero alam kong lalake ito at sa pagkaka aninag ko sa.kanya, nasa 40s na siya. Patuloy pa rin siya sa pag hagod ng buhok ko.

"Tin..." Napaupo ako.

Luminga linga ako at tinignan yung oras sa cellphone ko. Alasyete na. Tumayo ako at binuksan ang pinto. Pero dahil hindi maganda ang timpla ko ngayon, nakasimangot lang ako.

"Oh?" Si Karina yung nasa tapat ng pinto.

"Tin, bumaba ka na. Kakain na tayo. Sige na, l. Nagsisisi na sila--" agad ko siyang sinaraduhan ng pinto at ni-lock ito. Umupo ako sa kama ko. Hindi ko naman na siya narinig na kumatok o tinawag ang pangalan ko. Ewan ko ba pero tuwing nananaginip ako ng masama o iba sa mga panaginip ko, humahaba ang tulog ko.

Puro tulog na lang ata ang ginawa ko simula nang nahimatay ako kagabi. Sa sobra sigurong kakaiyak.

Kinuha ko ang salamin ko sa bag ko. Inayos pala nila yung bag ko bago kami pumunta dito. Para bang handang handa sila. Sinuot ko ang salamin ko at nag basa na lang ng libro.

Hindi ako matalino pero mahilig din akong magbasa ng mga libro. Napatigil ako ng pagbabasa nang naalala ko ang panaginip ko.

"Tatay ko ba 'yon?" Tanong ko sa sarili ko. Nagkibit balikat ako at napabuntong hininga.

Napagdesisyunan ko na bumaba na lang at kumain. Tumayo ako sa kama at naglakad papuntang pintuan at binuksan ito. Naglakad ako at bumaba sa hagdan. Pinakiramdaman ko muna kung ando'n sila. Walang nagsasalita pero rinig ko ang mga kubyertos at plato. Kumakain na siguro sila. Tuluyan na akong bumaba. Kinakabahan talaga ako para kasing nakakahiya ang inasal ko kanina pero bakit ako hihingi ng tawad?

Simula nang nasa elementary pa ako, kahit hindi ako ang may kasalanan, ako pa ang obligadong manghingi ng tawad. Buti na lang at lumipat ako ng public. Natuto akong lumaban. Simula 'non, hindi ko na hinayaan na humingi ng tawad ang sarili ko para sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Napatigil sila sa pagkain at nagsitinginan sa akin. Para silang nakakita ng multo. Luh ganda ko namang multo.

Taas noo akong naglakad papuntang kusina sabay kuha ng kubyertos, plato at baso. Umupo ako katabi ni Karina. Ayaw kong makipag eye contact sa kanila. Inatake nanaman ako ng sakit ko. Hindi nanaman ako makatingin ng deretso sa kanila. Feeling ko kasi ako lagi ang may kasalanan.

"Martina..."

Pagtawag pa lang ni Yuon sa'kin, nanlambot agad ang puso ko. Parang gusto ko silang patawarin sa lahat ng sinabi nila. Hindi ko naman kasalanan na madali akong magpatawad. Kaya minsan talaga ayaw ko ng may nakakaaway, e, kasi sa huli ako rin naman ang hihingi ng tawad o di kaya papatawarin ko sila agad.

"'Wag ngayon. Gutom ako." Sabi ko sa kanila kaya nag patuloy lang kaming kumain.

Ramdam ko ang pananahimik nila habang kumakain. Parang isang pagkakamali lang nila ay kakain ko sila.

Napapalunok sila kahit walang pagkain sa bunganga nila pero syempre si Santi ay masayang kumakain at nagdadaldal kung gaano kasarap mag luto si Karina.

Na-una akong natapos kaya agad akong tumayo at dinala sa kusina ang pinagkainan ko. Pinigilan ako ni Karina. "Tin, ako na niyan."

Hindi na ako nakipagtalo kaya binigay ko na lang sa kanya ang pinagkainan ko. Umakyat ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko at bumaba na rin kaagad at lumabas ng rest house na ito.

Maglalakad lakad na lang muna siguro ako. Simula kasi kanina, hindi pa ako nakakapag libot-libot sa Island na ito. Private Island siguro 'to kasi yung rest house lang ang nakikita kong bahay dito, e.

Loving Mr. BautistaWhere stories live. Discover now