Chapter 3

624 33 19
                                    

Alam niyo ba yung feeling na may paru-paro sa tiyan mo kahit na hindi mo pa siya nakikita at sa litrato mo pa lang siya nakikita? At ngayon andito siya sa harap ko. Naglalakad patungo sa direksyon ko.

"Hey, are you…Martina?" Tila naging slow motion ang lahat.

"A-ako nga…" sinuko ako ni Lorraine.

"Umayos ka." Bulong niya na medyo kinikilig.

"Ahm ehem. Oo, ako nga."

Ngumiti siya labas ipin. Tumayo ako. Niyakap niya ako. Nanlaki ang mata ko. I yakap him back. Ang bango.

"I love--"

"Ahem! Martina." Nabalik ako sa reyalidad nang tinawag ako ni ma'am. Napalinga-linga ako at lahat ay nakatingin sa akin. Yung iba ay parang natatawa na.

"Y-yes po ma'am?" Utal na tanong ko.

"You're so preoccupied, Miss Chaves. Would you like to read and answer this question?"

"Y-yes po, Ma'am." Tumayo ako.

"Three over fifteen x divided by 4 over ten x squared is equals to…" tumingin ako sa taas.

Ano ba kasing sagot? Bakit kasi ako pa?

"Ahhh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. "22?" Sagot ko.

"Alam mo bang kino-compute 'yan sa papel?" Mataray niyang tanong. Umiling ako ng dahan-dahan.

"Edi sana sinabi mo 'no?!"  Gusto ko sana sabihin pero 'wag na lang.

"Yan kasi ang napapala ng mga hindi nakikinig. Uulitin mo pa ba, Miss Chaves?"

"Hindi na po, ma'am."

"Now. Sit." Utos niya kaya umupo na 'ko.

"x over 2 sagot do'n." Bulong ni Lorraine.

Pero may napagtanto ako. Math na? Di ba kanina TLE pa?

"Bakit math na? Hindi pa nag be-break?" Tanong ko kay Mae. Kinotongon niya ko.

"Shunga ka! Kanina pa nag break! Tinatawag ka na nga namin pero ikaw nakatulala lang habang nakangiti!" Bulong na pasigaw ni Mae.

Ano? Kanina pa nag break?

Biglang kumalam ang tiyan ko mamaya-maya.

"Skip tayo sa Science mamaya."
Yaya ko kay Mae. Tumingin siya sa:kin.

"Mukha mo! Hindi pwede! Nag aaral ako." Sabay tingin sa harap habang naka pangalumbaba.

"Wow. Parang nag aaral ka talaga e 'no?" Sarkastiko kong sabi. Hindi niya ako pinansin.

Dahil wala akong mapapala kay Mae at Lorraine, kinalabit ko na lang si Bernadette na katabi lang ni Mae.

"Berna, psst, huy."

"Shhh…" siya.

"Berna, punta tayo sa canteen. Gutom na 'ko…"

"Bahala ka diyan. Gaga ka kasi, e."

"Pero, Berna…"

"I'm busy."

"Ber--"

"Shhh…busy ako." Sabay tingin sa harap.

Ngumuso ako at tumingin na lang sa harap. Wala talagang pumapasok sa isipan ko.

Natapos ang klase nang walang pumapasok sa isipan ko. Naka alis na sila Bernadette at si Mae na lang ang kasama ko.

Loving Mr. BautistaWhere stories live. Discover now