(12) #DFHChapter4

1.1K 88 0
                                    

LAUREN'S POV

Fifteen minutes na ang nakalipas pero wala pa rin ang Professor namin sa P.E. and Health.


"Good morning class. I'm sorry, I'm late. Traffic kasi kaya ngayon lang ako nakarating." sabi samin ng Prof namin sa...


Teka, bakit nandito siya? Bigla tuloy nagdilim ang paningin ko.


"Class, meet your new student. Kindly introduce yourself?" sabi ni Prof sabay tingin sa kanya.


"Hello classmates! I'm Jameson Dy. I hope you'll be nice to me." pagpapakilala ni Jameson sa harap namin. Oo tama kayo, Jameson ang nababasa niyong pangalan. Ang ex-bestfriend ko na sumira sa buhay ko.


"Hello handsome."


"Hi, dito ka tumabi sakin. Umalis ka sa tabi ko Bes." sabay tulak-tulak sa seatmate niyang kaibigan.


"Dito sa tabi ko cutie." sabay tulak sa seatmate niya.


"Guys wag ganyan. Wag niyong itulak ang mga seatmate niyo para lang makatabi niyo si Jameson. I will be the one who decide kung saan siya uupo. Mr. Dy, you will be seating beside Ms. Manzano." sabi ni Prof. Kapag minalas nga naman.


Napatingin bigla sakin si Jameson. Tapos napangisi siya nang makita niya ako. Ano kaya ang nasa isip niya?


Lumapit sakin si Jameson at umupo siya sa tabi ko.


"Malandi talaga yang Lauren na yan."


"Oo nga. Una, sina Papa Tim at Papa Mitchell ang nilandi niya. Tapos ngayon, ang bago nating classmate na si Jameson ang nilalandi niya."


"Nakakainis talaga siya."


"Humanda siya satin."


Again, pinag-uusapan na naman nila ako negatively.


"Don't mind them Beshie." sabi sakin ni Jameson. Ang kapal din ng mukha niyang tawagin akong Beshie. Parang kinalimutan lang niya ang ginawa niya sakin noon.


Ngumiti lang ako sa kanya ng peke. Kailangan ko siyang pakisamahan ng mabuti para sa plano ko sa kanya. I will break his heart into pieces sa harap ng mga tao tulad ng ginawa niya sakin noong engagement party namin ni Tim, at lilinisin ko rin ang pangalan kong dinungisan niya.


- AFTER P.E. CLASS -

Pagkatapos ng klase namin sa P.E. ay pumunta muna ako sa restroom para magbanyo. Mga 15 minutes pa naman ang hihintayin ko para sa next class.


Pagkatapos kong magbanyo ay lumabas na ako sa restroom. Pero pagkalabas ko ay may humarang sa'king tatlong babae. Mga classmate ko sila.


"Ikaw! Sumama ka samin."


At hinila ako ng dalawang babae.

The Nerd's Future Husband (Book 2): Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon