(27) #DFHChapter12Entry16

1.1K 83 0
                                    

LAUREN'S POV

Pagkatapos ng klase ko ay mag-isa lang akong uuwi.


Si Jameson ay cleaner ngayong araw.


Sina Tim II at Mitchell naman ay may basketball practice.


Si Dave naman ay may date sila ni Moises. Wow! Buti pa siya.


Alone tuloy ako. Huhuhu!


Habang naglalakad ako ay biglang tumunog ang cellphone ko.


*tenenenenenenen*


May nag-text. Baka si Kuya Lachlan 'to.


Tumigil muna ako sa paglalakad para tignan kung sino ang nag-text sa cellphone ko.



1 New Message


From: +639000000000

Hi Lauren. ^___^



Huh? Sino naman 'to? At bakit niya ako kilala? Baka na-wrong send lang 'to at ibang Lauren ang tinutukoy niya.


Nag-reply ako.



To: +639000000000

Hi rin. Sorry, pero baka na-wrong send ka. Hindi kasi kita kilala at wala ang number mo sa phonebook ko.



Pagkatapos kong mag-reply ay lalabas na sana ako ng gate nang tumunog muli ang phone ko.


*tenenenenenenenen*



1 New Message


From: +639000000000

Hindi ako wrong send. Ikaw talaga ang tinext ko at kilala kita.



Hindi siya wrong send at kilala niya ako?



To: +639000000000

Weh! Di nga. Kung hindi ka wrong send at kilala mo ako. Alam mo ba ang full name ko?



I'm sure hindi na ito magrereply dahil hindi niya alam ang sagot.


The Nerd's Future Husband (Book 2): Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon