(22) #DFHChapter9

1.1K 82 0
                                    

TIM DEARING'S POV

"Tim, susundan ba natin sila?" tanong sa'kin ni Javier.


"Hindi muna. Hayaan muna nating ilabas ang sama ng loob nila sa'tin." sagot ko.


"Ang sama natin. Kung sino pa ang mas matagal nating nakasama, sila pa ang pinagsabihan natin nang hindi maganda." sabi ni Mitchell. Ako nga rin, na-guilty ako sa sinabi ko kay Dave. Hindi ko naman talaga mahal si Maybelline. Sinabi ko lang yun para matahimik na siya. Alam niyo naman kung sino ang mahal ko. Nagsisimula sa L ang pangalan niya.


"Tim, Mitch, Javi!"


Napatingin naman kami kay Dave na papalapit samin. Hingal na hingal siya.


"Anong nangyari sa'yo Dave? May problema ba?" tanong ni Mitchell kay Dave.


"May nangyaring hindi maganda kay Lauren. Tulungan niyo kami." - Dave


Nakaramdam ako bigla ng kaba sa sinabi ni Dave.


"Anong nangyari kay Lauren?" nag-aalalang tanong ni Javier.


"Nakita namin siyang walang malay sa may hagdanan sa labas. Kailangan natin siyang dalhin sa hospital." - Dave


Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pang tumakbo papunta kay Lauren. Sumunod sa'kin sina Dave, Mitchell at Javier.


Wala siyang malay.


Wala siyang malay.


Wala siyany malay.


Yun ang paulit-ulit na sinasabi ng utak ko.


"Tim, saan kayo pupunta?" - Maybelline


Hindi namin pinansin ang tatlong babaeng nakilala namin. Basta ang nasa isip ko lang ay si Lauren. She needs us at hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kanya.


LAUREN'S POV

Teka, nasaan ako?


Pero ang ganda naman dito. Ang sariwa ng hangin. Feeling ko ay nasa isang paraiso ako.


"Lauren."


O__________O


Teka, parang kilala ko ang boses na yun.


Dahan-dahan akong tumigin sa lalakeng tumawag sa'kin na nasa likod ko.


Tama nga ang hinala ko.


Siya nga.

The Nerd's Future Husband (Book 2): Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon