LAUREN'S POV
Nakalabas na rin ako sa hospital. Medyo okay na ako, pero ang kaliwang braso ko ay may fracture pa kaya nilagyan ito ng support.
"Girls, kumain muna tayo bago bumalik sa rest house. Our treat." sabi sa'min ni Javier.
"Weh!" - Dave
"Kung ayaw niyo, balik na lang tayo sa rest house." - Mitchell
"Hindi naman kayo mabiro." sabi ni Dave habang nakaharang kina Tim II.
"Ano pa ang hinihintay natin. Tara na't kumain na." - Tim II
Pumunta kami sa isang sikat na kainan dito sa China.
"Gusto ko ng maraming siomai." sabi ni Barbie.
"Baka tumaba ka niyan." sabi ni Javier kay Barbie.
"Okay lang na tumaba ako. Pwede naman akong mag-exercise para pumayat ulit." - Barbie
"Ikaw talaga Bie. Sige, kumain ka lang kung yan ang gusto mo." sabay gulo ni Javier ang buhok ni Barbie.
"Bie? Kayo ba ni Javier, Barbie?" biglang tanong ni Mitchell kay Barbie.
"Hindi bro, Bie ang tawag ko sa kanya noong bata pa lang kami." si Javier na ang sumagot kay Mitchell. Tumango naman si Mitchell at parang nakahinga na siya nang maluwag. Parang nafi-feel kong may gusto 'tong si Mitchell kay Barbie. Yieee! Sana maging sila in the future. At sana mawala na ang feelings ni Barbie para kay Jameson. I know na masasaktan lang siya sa lalakeng yan.
"Ikaw Lauren, anong gusto mong kainin?" tanong sa'kin ni Tim II.
"Gusto kong i-try ang noodles nila." sagot ko sa kanya.
"Mukhang pareho tayo ng gusto." - Tim II
"Oo nga. Parang destiny yata tayo." banat ko. Nakita ko namang namula siya. Kilig na kilig si Kuya. Charot!
Hindi niya siguro ine-expect sa sasabihin ko yun sa kanya. Pero banat lang yun. Wag sana niyang bigyan ng meaning.
📌
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa rest house. Busog na busog ako sa kinain kong noodles at naka-apat na servings ako. Nahiya nga ako kay Tim II dahil napagastos siya. Pero ang sabi niya ay ayos lang yun.
Pagkarating namin sa rest house ay nakita namin ang tatlong babaeng nakilala nina Tim II na nasa labas.
"Anong ginagawa niyo rito? Ang kapal din ng mukha niyong pumunta rito pagkatapos niyong saktan ang kaibigan ko." mataray na sabi ni Dave sa tatlo.
"Gusto lang naman namin mag-sorry sa ginawa namin. Sana mapatawad niyo kami. At sana wag niyo nang ituloy ang pagsampa ng kaso laban sa'min." pagmamakaawa ni Maybelline.
"Oo nga, sorry talaga sa ginawa namin." - Bench
"Paano na lang ang mga parents namin kapag makulong na kami kaya sorry talaga." - Avon
"Kay Lauren kayo mismo mag-sorry. Wag sa'min." sabi ni Tim II sa tatlo. Napatingin naman sa'kin ang tatlong babae at saka sila lumapit sa'kin.
"Sorry Lauren sa ginawa naming pagtulak sa'yo. I hope you'll forgive us." sabi ni Maybelline at sabay na nag-bow ang tatlo. Mukhang nagsisisi naman sila sa ginawa nila.
"Okay, pagbibigyan ko kayo. Pero wag niyo nang ulitin ang ginawa niyo." sabi ko sa kanila na ikinatuwa nila. Dahil sa tuwa ay niyakap nila ako.
"Thank you so much Lauren. Ang bait mo talaga." sabi sa'kin ni Maybelline na ikinangiti ko. Ang sarap kasi sa pakiramdam na sabihan kang mabait ng isang tao.
**********
![](https://img.wattpad.com/cover/152514969-288-k83180.jpg)
BINABASA MO ANG
The Nerd's Future Husband (Book 2): Dear Future Husband
RomanceLove is sweeter the second time around. 📒 MAIN CHARACTERS: - Lauren 'Dave' Manzano - Tim Ramirez 📒 SUPPORING CHARACTERS: - Barbie Lo - Jameson Dy - Summer Garcia - Javier Blake Ledesma - Stephanie Garcia - Luis Abellano - Tim Dearing - Mitche...